ON VOLTES V

October 9, 2005

napag isip isip ko lang… kung ako si steve armstrong at ako ang nagmamaneho ng voltes v, pag dating pa lang ng boazanian robot, ilalabas ko na agad ang lazer sword para patay na agad ang kalaban. ano ba yang mga walang silbi na ultramagnetic top na yan at mga voltes bazooka. i say, bring out the lazer sword and get it over with.


at saka, sabi nga kaibigan namin na si jumba jumba, ang tagal nilang mag volt-in. nagkakanda matay na yung mga citizenry extras dahil sa boazanian robot eh hindi sila agad makatulong. paano nga eh hinihintay pa ng lahat na makapag assemble si voltes v. ok sana kung one click lang, eh kaso hindi – kailangang pa silang sumigaw ng “LET’S VOLT IN” at kailangan pang matapos yung isang buong voltes v theme song. eh paano na lang kung makaisip si prince zardos ng paraan para kulitin sila habang nagvo-volt in. actually, ginawa na nga niya ito in one of the episodes. kung ako si doctor armstrong, wala nang volt in, volt in pa. gagayahin ko na lang ang style ni mazinger z – pupunta na lang sa ulo ng robot si kodjie kabuto at aandar na ito.

bumalik tayo sa lazer sword dahil may mga tanong ako tungkol dito na matagal ko nang gustong masagot: una, sino ang naghahasa sa laser sword? ikalawa, bakit nag-iiba ang kulay ng langit pag ginagamit ang laser sword? ikatlo, sino ang nag ko-control sa laser sword – si steve armstrong ba o si big bert? ika-apat, ito hindi related sa laser sword pero interesado lang akong malaman: yun bang mga sungay eh ginagamit ng mga boazanian sa sex?

Advertisements

No Responses Yet to “ON VOLTES V”

  1. COMMENTS Says:

    Sir Batjay,
    Masarap kasing sabihin yung “Ultraelectromagnetic TOP !!!!!!”. Old habit siguro ni Steve ang mag-turumpo.

    Looking from boazanian’s perspective. Bakit hindi na lang nila atakihin ang V5 habang nagbo-volt-in para less trouble? may force-field kamo? Eh kung mag-concentrate siya sa isang part lang bago pa i-activate yung shield?

    Posted by: Robbie | October 9, 2005 11:25 PM

    VOLTES BAZOOOOOOOOOOOOKA!

    ngyehehe… masarap ngang isigaw ito.

    yung volt in nga, nabanggit ko rin ngayon lang sa post ko. valid yang observation mo. sobrang tagal ng volt in sequence. kung ako ang design engineer ng voltes v, hindi mangyayari yan.

    Posted by: Ang Kilabot ng Orange County | October 9, 2005 11:46 PM

    shet great minds do think alike… Nung bata ako inis na inis ako dahil walang challenge ang mga kalaban ng Voltes V… Binubulungan ko na sa TV si Prince Zardos na gumawa ng sampung monsters tapos sabay-sabay ipalaban sa Voltes V… di ba mas exciting??

    Tungkol sa sungay… sign of manliness nila yun… virility. So malamang pang-attract yan, the longer the sungay, the hornier hehe

    Posted by: auee | October 10, 2005 12:07 AM

    mas gusto ko si Mazinger Z meron industrial fan sa Boobs hehehehe

    Posted by: kenji | October 10, 2005 04:32 AM

    nyek.. sino nga ba yun… may industrial fan? haaaaay sa sobrang tagal na kasi… mekanda? daimos? sino nga yung girl? anyone?

    Posted by: kenji | October 10, 2005 04:42 AM

    “aphrodite A” is the name of that corny whimpy female robot who shoots her boobs out and then cannot do anything else afterwards.

    Posted by: batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk | October 10, 2005 06:38 AM

    teka lang mylab ha, magre-research lang ako dun sa libro ni David Feldman na ‘A World of Imponderables’… baka sakaling mahanap ko ang sagot sa mga tanong mo.

    Labyu! 😀

    Posted by: Jet | October 10, 2005 07:26 AM

    nakakatuwa naman kasi nung isang gabi yang theme song ng voltes v ang ginawa kong lullaby sa baby ko, humming lang kasi hindi ko na alam ang lyrics (meron ka ba non?) at bigla ko ring naalala si mighty thor…

    Posted by: len castro | October 10, 2005 08:22 AM

    meron pa bang nakaka alala sa episode na one time na hindi gumana ang laser sword? yun ba yung time na hindi sila maka volt in kasi na discover ng bozanians kung pa’no ma break yung electro magnetic field nila?

    Posted by: tony | October 10, 2005 09:14 AM

    baka nagkaroon si voltes v ng performance anxiety kaya hindi humaba ang laser sword.

    Posted by: Captain Kupal | October 10, 2005 09:17 AM

    Naalala ko tuloy si Shaider – ang pulis pangkalawakan at ang sidekick niyang si Annie.Ano na kaya nagyari kay Shai-ai-der?

    Posted by: trotskybee | October 10, 2005 10:28 AM

    hindi ko na inabot si shaider. after marcos shut down voltes v, nawala na ang gana ko sa mga robot robot.

    Posted by: Drakulito ng Orange County | October 10, 2005 02:32 PM

    hi len. ano yung kinakanta mo, yung ending theme song na mellow or yung kick ass intro? either way, that’ really cool. maraming mga voltes V stuff on the web, just search it in google. a number of sites offer the lyrics – and just about every piece of trivia on the series.

    Posted by: Einstein the Cute | October 10, 2005 02:53 PM

    hi auee, ang pangalan na walang consonant. a so sign of virility ang sungay. eh bakit pati yung mga babae ay may horns? it doesn’t serve any purpose. ano yon, evolutionary dead-end. parang yung mga nipples ng lalaki – walang silbi. ganon ba yon?

    Posted by: Father BatJay | October 10, 2005 02:58 PM

    na alala ko sa masagana store lagi ako naka tingala sa showcase ng voltes V robot… nung bumibili classmates ko sabi nya “Huwag Mo hawakan! baka masira!” pero binili ako nanay ko maliit na mekanda singtaas lang nang tuhod ni Voltes V huhuhuhu! 😦

    Posted by: kenji | October 10, 2005 04:39 PM

    i googled it and made a copy of the theme song. my son loves it! thanks a lot!

    Posted by: len castro | October 10, 2005 05:17 PM

    Very valid points, sir. The thing is, in battle, you don’t give away your best immediately. You save the best for last. Sa umpisa, you measure the abilities of your opponent. So, mga minor weaponry muna. Baka naman kasi mahina lang ang kalaban e matapos na using those. Pag hindi, e di, habang you are still up and about, use heavier equipment kung baga. And siyempre, when all things fail, dun na gamitin yung ultimate weapon.

    makes sense?

    Yung langit, kaya nag-iiba ang kulay ay dahil sa epekto ng tama ng araw at mga mini-components sa air. Parang rainbow. hehe

    ewan, di naman ako scientist e. Basta, maraming naloko jan sa Volter V, tapos.

    Posted by: rolly | October 10, 2005 05:54 PM

    aha… ang galing ng explanation mo tito rolly and it makes perfect sense. sabagay, ganyan din ako pag naglalaro ng games of the generals nung araw.

    so yung langit nag-iiba ang kulay dahil sa parang rainbow effect. akala ko eh dumudurog si voltes V.

    Posted by: Galunggong King | October 11, 2005 11:57 AM

    great len castro. that’s nice to know. you’ll see a lot of voltes v stuff on line. some of the sites are very interesting.

    Posted by: Haba ng Dila | October 11, 2005 11:59 AM

    di bale kenji, pag laki mo, bumili ka na lang ng sarilo mong voltes v sa ebay.

    Posted by: Isip Bata | October 11, 2005 12:00 PM

    expert ba si david fieldman kay voltes v, mylab?

    lab U!

    Posted by: Jango, Ang Kilabot ng mga Gagamba | October 11, 2005 12:03 PM

    TRIVIA:

    ano yung pinipindot ng mga members ng voltes 5 kapag mag-volt in na sila?

    answer: “Play button.” Para mag play na ang theme song nila. Pansin nyo ba?

    Posted by: Dennis | October 11, 2005 01:05 PM

    akala ko pinipindot nila yung letter “V”

    Posted by: Kaptain Katuray | October 11, 2005 03:13 PM

    Hi Mang Batjay:

    Since Voltes V po topic tagal ko na po iniisip sino po ba nakatuluyan ni jamie si steve o’ si mark?

    Nice po ang iyong blog keep it up.

    Posted by: luv | October 11, 2005 04:18 PM

    akala ko nga eh mag dyowa si mark at big bert. hehehe. kung ako ang director, ang magkaka tuliyan ay si little john at jamie. isang gabi maiiwan silang magkasama na nakakulong sa isang elevator tapos pag labas nila, yung panty ni jamie ay nakakabit na sa ulo ni little john.

    Posted by: Lolo La Vida Loca | October 11, 2005 04:26 PM

    parang na aro_se ako dun sa panty ni jamie na nasa ulo ni little john! hala! masama na to!
    ehehehe

    Posted by: kenji | October 11, 2005 05:50 PM


  2. hi kenji

    baka mayroong under the table relationship so jamie at si little john.


  3. Bakit kaya walang “let’s volt out?”


  4. matagal ko na rin ngang iniisip yan eh. mas maganda pa nga si darna, pag gusto na niyang bumalik sa tutuo niyang anyo eh sumisigaw lang siya ng “NARDA”.

    di ba dapat: “ANRAD”

  5. jop Says:

    bosing,
    isa na namang kaaliw-aliw na post. fan din ako ni voltez 5. pero hindi ko na yata naabutan yung ending ng series. happy ending ba? by that, i do not mean na may nag sex ha…


  6. jop, alam mo bang hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapanood ang ending ng Voltes V. hindi ko alam kung bakit ayokong tapusin. napakaraming opportunities na mapanood ko ito nung nasa pilipinas. available kasi ang mga VCD sa video rental sa antipolo. for sale din ito sa mga mall. hindi ko bininili.

    siguro. siguro lang ha. parang ayoko nang panoorin ito ulit ngayong matanda na ako. baka kasi ma disappoint na ako sa takbo ng storya. jaded na kasi ako at lipas na yung sense of innocence.

  7. satanito in london Says:

    i think ur inosente in a sense na di mo tinapos. .. yung last 10 episodes draws to a powerful conclusion.
    kahit ngayon the storyline is even greater/ better than any blockbusters like star wars…just close the door when u watch or the kidz might think……

  8. Norbert Says:

    innocent :
    1. not guilty of a crime or offence
    2. free from moral wrong, not corrupted
    3. without experience or knowledge

    you’re an engineer , you should know


  9. ah, i hear the “you’re an engineer, you should know” crap again. hehehehe. thanks for the definition, norbert. i wish you all the best.

  10. Gakarot Says:

    Ang pangalan ng babeng robot sa Mazinger Z ay si Sayaka! tawag din sa kanya si Aphrodite A.

    About sa bakit umiiba ang kulay ng langit at kumikidlat pa tuwing nilalabas ang lazer sword, Eh kasi pag nakataas na ang lazer sword nag eemitt ito ng heat (kaya lazer) so may effect ito sa atmosphere that produce warm air. Since parati sila lumalabas sa may dagat, ang air sa dagat at ang warm air ng lazer sword eh nagproproduce ng Thunder Storm. Now pag may thunderstorm na may reaction na ang positive electrons and negative electrons na magproproduce ng Lightning. Hehehe Basta parang ganun.

    Ang ending naman ng Voltes V eh si Zardos, kapatid ng mga Armstrong. Siguro pinsan nila sila Neil at Lance. May hawig di ba?

  11. Gakarot Says:

    Ang pangalan ng babeng robot sa Mazinger Z ay si Sayaka! tawag din sa kanya si Aphrodite A.

    About sa bakit umiiba ang kulay ng langit at kumikidlat pa tuwing nilalabas ang lazer sword, Eh kasi pag nakataas na ang lazer sword nag eemitt ito ng heat (kaya lazer) so may effect ito sa atmosphere that produce warm air. Since parati sila lumalabas sa may dagat, ang air sa dagat at ang warm air ng lazer sword eh nagproproduce ng Thunder Storm. Now pag may thunderstorm na may reaction na ang positive electrons and negative electrons na magproproduce ng Lightning. Hehehe Basta parang ganun.

    Ang ending naman ng Voltes V eh si Zardos, kapatid ng mga Armstrong. Siguro pinsan nila sila Neil at Lance. May hawig di ba?

  12. Toti New Zealand Says:

    Hey Guys! Song lyrics para sa mga die hard fans…

    Voltes V

    tatoe arashi ga futou tomo
    tatoe oonami areru tomo
    kogida sou tatakai no umi e
    tobikomou tatakai no uzu e
    mitsumeau hitomi to hitomi
    nukumori wo shinjiau gonin no nakama
    BORUTESU FAIBU ni subete wo kakete
    yaru zo chikara no tsukiru made
    chikyuu no yoake wa mou chikai

    tatoe ikazuchi furou tomo
    tatoe daichi ga yureru tomo
    tobidasou tatakai no sora e
    mamorou yo tatakai no niwa wo
    nigiriau tagai no te to te
    makokoro wo shinjiaou gonin no nakama
    BORUTESU FAIBU ni inochi wo kakete
    yuku zo shouri wo tsukamu made
    uchuu no yoake wa mou chikai

    tatoe kemono ga hoeru tomo
    tatoe yukute wo fusagu tomo
    utaou yo tatakai no uta wo
    katarou yo tatakai no michi wo
    ashinami wo soruete yukou
    otagai wo shinjiaou gonin no nakama
    BORUTESU FAIBU ni azuketa inochi
    tobi ze uchuu no hate made mo
    minna no egao mo mou chikai


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: