You raise the blade, you make the change

October 3, 2005

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong malaman kung maganda pong tumira diyan sa amerika. kamusta po ba ang buhay diyan? ok ba? di po ba kayo nahirapan mag adjust? may balak po rin akong magpunta sa US kaya ako nagtatanong.

yon lang po – ingat.
gentle reader


dear gentle reader,

ok naman dito. nakakanood na ako ng mga bastos sex documentary sa TV, bagay na di ko magawa sa singapore dahil bawal. ang dami ngang channels dito eh (sabi nga ni springsteen – “57 channels and nothin’ on)“). sa sobrang dami nga, hindi na tuloy ako nakaka kumpleto ng isang palabas, kasi nga lipat ako ng lipat. minsan sa isang oras, apat na comedy show ang pinapanood ko all at the same time. pero teka muna, buhay amerika bang gusto mong malaman? akala ko kasi tungkol sa “‘das entertainment” ang tanong mo eh.

medyo may kamahalang mabuhay dito sa orange county. isa ata ito sa pinaka expensive na lugar sa california. sa pagkaka alam ko (medyo kaunti lang ito – ang alam ko, that is) eh pangalawa lang ata sa bay area. mas expensive siya di hamak kaysa sa singapore. impak right now, i pay 3 times more tax and 2 times more rent than i used to. minsan nga iniisip ko kung bakit pa kami lumipat dito – lumaki nga ng kaunti ang sweldo ko pero mas malaki naman ang expenses namin. para tuloy akong si ryan. as in: “parang si ryan, ang ganda ganda na ng buhay sa singapore. lumipat lipat pa sa amerika”. pero, pag gumigising ako sa umaga ng naka kumot dahil sa lamig habang naka yakap sa akin si jet, eh naiisip ko sulit na rin. ang hirap kasi sa singapore, pag labas mo pa lang ng banyo after your shower, parang gripo na agad ang tagaktak ng pawis. buti na lang wala akong anghit.

nahirapan ba akong mag adjust sa buhay dito? hindi naman. madali nga ang transition namin ni jet. medyo nahirapan lang ako pag umoorder sa mga restaurant. bwakangina naman kasi, beri beri big tubig ang mga serving dito. di ako nagtataka kung bakit maraming hugis balyena ang mga katawan dito. isa pa yang drinks – yung small size dito eh large na sa singapore. isipin niyo na lang kung ano ang large dito sa amerika – super laki. sa sobrang kalakihan nga eh pwede nang malunod ang mga hobbit pag uminom sila ng large coke dito. once nga umorder ako ng large iced tea – mga labinlimang beses ata akong naihi sa isang oras. yung first time nga, muntik pa akong naihi sa pantalon, nag dekwartro lang ako para mapigil ang paglabas.

o siya, hanggang dito na lang muna ako sa kwento, gentle reader. good luck sa mga plano mo,

unkyel batjay

Advertisements

No Responses Yet to “You raise the blade, you make the change”

  1. jeff in va Says:

    ginoong batjay, siguro ang hindi nyo namimiss sa singapore e yung mga putok ng mga taong mahilig kumain ng sibuyas at spices!

  2. jio Says:

    May balak/plano pa naman akong pumunta ng Singapore. Ganun pala doon, mainit din tulad sa Pinas. Ma-humid din pala. Maamoy sibuyas at spices din pala mga putok doon. ๐Ÿ˜ฆ

    Ah, ang Amerika nga naman. Land of opportunities talaga.

  3. squishybear Says:

    hello po unkel batjay! nangangamusta lang po! =p

  4. rolly Says:

    Kahit ano pa sabihin mo bosing, inggit pa rin ako sayo. Mas gusto ko malamig na klima kesa mainit. Mas madali kasing lunasan. Patong lang ng patong ng damit, kumot at matulog sa loob ng oven.

    E pag mainit at nakahubad ka na, wala ka ng magagawa pa e.

  5. MarchOne Says:

    Hindi lang panahon mainit sa pinas…sa sobrang init ng political situation…magmemelt ang yelo sa north pole!

  6. KIKO Says:

    dito sa america trabaho mo lahat, pinakamahirap pag may mga anak ka, di gaya sa pinas.marami kang pwede katulong. mahirap din tumanda dito, hehehe, itatapon ka sa nursing home, marami din mahirap dito sa america hindi lang sila naipapakita, puro magaganda kasi ang nailalagay sa mga balita. mas marami din ang hindi nakakapag aral kasi mahal ang college dito. kaya gentle reader isip mo rin kung gusto mo pa tuloy punta dito sa states. masarap lang mag tour dito at dumalaw sa kamag anak, hehehe.

  7. MarchOne Says:

    Tama, nung nagbakasyon ako sa Washington DC, may nakita ako mga homeless, palaboy sa kalye…

  8. thebee Says:

    Grabe ka batboy. You seem to have adjusted well to LA. Be well!

  9. Lola Baby Says:

    Nakakatawa ka talaga. Subukan mo dito sa windy city mamamatay ka sa lamig sa winter. Baka isumpa mo tuloy ang lamig.

  10. Barb Says:

    Kaya ang taba ng mga tao dito. Yes, including myself, for a Pinay, certainly. ๐Ÿ™‚

    Next time pumunta ka sa McDonald’s (or better yet, don’t go there anymore), tignan mo–mag oorder ang mga tao ng Super Size Big Mac and fries, tapos diet Coke ang gusto nila inumin!


  11. hi barb. hindi ka naman mataba ah – i just went through your website and saw your flickr pics. lots of interesting entries as well in your blog. i hope you are well

    youre observation is funny. hehe. i do notice that people over here order big heaps of food and then order super siezed diet coke. para hindi sila tumaba, i guess.


  12. uy, groovy lola baby. maraming salamat sa pagbalik. ayoko nga sa east coast kasi super duper lamig. although i do love cold weather and wouldn’t mind spending a few days there. the key word here is “A FEW DAYS”.

  13. Capt. Kupal Says:

    hello ms. bee. i am well, thank you very much. we’ve adjusted quite well thanks to the kindness of friends.. ceci, ate sienna and my kapitbahay – gigi goes gaga.


  14. “homeless” – kanta rin yan ng Ladysmith Black Mambazo. one of my favorites.


  15. salamat sa pag comment ka kiko. dadagdag ko rin na masarap bumili at mag shopping lalo na pag may sale.


  16. ako rin tito rolly, mas gusto ko ang malamig kaysa mainit. ayoko kasi ng humid. umiinit ang ulo ko at nahihirapan akong mag-isip.

  17. boy jayo Says:

    teto batje, ilang porsyento po ng sahod ninyo bilang inhenyero ang kinakaltas ng mala lintang tax at gas2sin dyan sa lupain ng mga kano?….mahirap po bang makakita ng desenteng trabaho ang mga inhenyero dyan?…

    lubos na gumagalang…


  18. 30 % ang income tax, tapos may 8% (i’m not sure on the exact figure) na state tax. tapos may kaltas ng 401K, medical plan, dental plan, vision plan and a partridge in a pear tree.


  19. hello squishybear – kamusta rin sa iyo. sa iyo. at higit sa lahat, sa iyo.


  20. make no mistake jio – masarap mabuhay sa singapore. in my book, one of the best place to live and work. it’s safe, it’s clean, everything is there and it’s just a 3 hour plane ride home.


  21. actually, minsan nami miss ko ang amoy ng putok. parang gusto ko ngang lapitan ang mga kaopisina kong mahilig sa spicy food para maamoy ko ang mga kili kili nila. hehehe.

  22. mystic Says:

    alam mo, it’s not really the smell of putok you miss, it’s the memories you associate it with ie singapore ๐Ÿ™‚ …good morning po ๐Ÿ™‚

  23. Gigi Says:

    Hmmm…nakapag-isip ako tuloy (a dangerous thing). More cooking at home — and more sharing of meals with neighbors — might help cut costs. Kaya lang, lugi kayo kasi mas masarap magluto si Jet. I’ll give you a call so you can come over when you’re free for a meal and conversation. And you can walk here and save $ on friggin liquid gold (AKA gas). Miss ko na kayo!

  24. Robbie Says:

    Sir Batjay,
    Para sa family, mas maganda talaga dito sa Singapore. Lalo na pag maliit pa ang pamilya mo, o di kaya ay may maliliit ka pang anak and you and your wife are both working. Makakakuha ka kasi ng domestic help. Tapos uso na ang budget airlines, at napakalapit ng pinas. Mura ang pagkain at damit, and bahay — kaya rin. Wala ka lang kotse (kasi mahal ang COE). But if you’re thinking long term plans, let’s say malalaki na ang mga anak mo, this is not the place to be.

  25. redjeulle Says:

    sobrang laki ng servings no? sa goldilocks nga dalawang higanteng rice agad ang nasa plate mo. tapos try mo ubusin ang version nila ng BigMac at large fries pag di nanikip ang dibdib mo ng 3 days. at ang large coke, 750mL yata, malaki pa sa mukha mo yung lalagyan. ๐Ÿ™‚ tapos magtataka sila bakit sila obese.

  26. Jenny Says:

    mas ok pala d2 sa Taiwan, inspite of the summer’s heat 100 days lang cya. Tapos winter nya is bearable naman, sarap pa matulog. Compared sa Singapore ,ok ok parin sya.

  27. Jet Says:

    Buti na lang talaga mylab, magkasama tayong nakalipat dito. Alam ko kung ano ang magiging mahirap talaga, pag yung mag-isa ka dito at uuwi sa bahay ng madilim at wala kang makausap para man lang ikwento kung ano ang nangyari sa araw mo.

    Everything else that becomes difficult, we could tell each other. Somehow it becomes easier that way.

    Labyu! ๐Ÿ™‚


  28. hi jenny.

    masarap nga raw ang winter weather sa taiwan. maganda pa rin sa singapore kasi malinis, maayos at very very safe.


  29. hi redjulle. hindi pa ako nakaka kain sa goldilocks dito. saan ba siya – sa west covina, right? one of these days. nakapunta na ako sa max and some other place, nakalimutan ko na ang pangalan. di pa rin ako nakaka kain sa mcdo. pilit kong iniiwasan dahil natakot ako ng mapanood ko ang “Supersize Me”.


  30. well robbie – i have many friends in singapore with adult kids who’ve made a life out of their stay in singpare. some of their kids are in the singapore armed forces. yung iba nga, naging singapore citizens na. they are happy and love their life in singapore.


  31. hey saint gigi!!!!

    tunay kang santa – maraming salamat sa tip on the hairdresser. i got my first hair cut in 2 months and it was far from the bad dreams i was having of what my hair would look like after. mukha naman akong presentable at buhay pa ang gumuput ng buhok ko.

    di naman masyadong important yung meal compared to the company during the meal. miss na rin namin kayo nina jet. we can indeed walk – i’ve started walking last week and i pass by the front of your condo every afternoon. at gusto ko rin makalaro ng golf so bossing arnel.

    may mga guests pa rin kami from singapore until the weekend, then we’re free after monday.

    ingat!


  32. thank you very much mystic. you are correct and in fact, that was very well said. that’s how i would have explained my longing to smell anghit.

    ingat.


  33. yan nga isa kong ipinasasalamat mylab. na magkasama tayo rito na dumating. malaking ginhawa talaga para sa akin yung makita at makasama ka everyday that i come home from work. it is comforting.

    lab U2

  34. sis Says:

    dito ko na realize na talagang nag-aadjust yung ‘needs’ sa income. i notice as income goes up, there is a corresponding ‘need’ that comes up– suddenly there is something one must absolutely have– an outfit, a pair of shoes, a bag, a truck, a second car, a bigger house. kaya pag pay time, mga isang oras lang nananatili ang suweldo sa account– enough time to write checks& pay bills. (ahihihihi– as if my ‘income’ ako. lol. on stipend ako, not income).


  35. yes, that’s true. with higher income comes great expenses.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: