1081
September 21, 2005
masarap balikan yung maynila ng aking kabataan. wala pang mga malalaking mga malls nung 1970’s. walang internet. walang cell phones, walang text messaging, walang cable TV – wala lahat ng mga pleasures na na e-enjoy ng mga bata ngayon. may kabaret na ata nung araw at mga bastos na burikak magazines na may naka hubo pero bata pa ako para sa mga ganoong mga bagay. ang pinaka pang aliw ng mga tulad kong taga quezon city ay mamasyal sa cubao. eto ang typical na itenerary namin: from novaliches, sasakay kami ng pascual liner (yung mga galing ng kalookan JD liner at DM transit ang sinasakyan). kahoy pa ang mga silya nung araw dahil hindi pa yata naimbento ang kutson. may love bus na aircon pero mahal naman ang bayad. so anyway, sakay nga ng bus at baba sa farmer’s market – ikot muna doon para maghanap ng mga printed hanes t-shirt. tapos diretso sa araneta coliseum nagbabakasakaling makakita ng basketball player (i was a crispa fan). minsan pag may extra na pera, kakain kami sa 3M pizza (pag nilagyan ng red devil hot sauce, nakaka adik yung pizza nilang matigas na may keso and a few slices of ham). minsan naman, papasok ako sa national book store sa araneta center para amuyin ang mga scented na eraser na ibinibenta roon. may scented eraser fetish din ba kayo o ako lang ang sira ulong mahilig mang amoy ng eraser?
TO BE CONTINUED (ulit) TOMORROW…
September 22, 2005 at 6:32 pm
batjay,
try mo lang tumingin sa http://www.finishline.com, laging may sale jan lalo na sa size mo.. jan kase ako nabili ng shoes ko. tignan mo sa may CLEARANCE ha..
September 22, 2005 at 7:09 pm
sir, ang mahilig kong amuyin sa national bookstore nung bata ako ay yung mga ballpen na iba-iba ang amoy at ang mga rugby na nakalagay sa maliliit na bote. hehehe!
September 22, 2005 at 8:01 pm
sir batjay,
nung kabataan ko naman, nililibot naming magpinsan ang buong Cubao hanggang sa mapagod kami. COD, Isetan, Ali Mall, Fiesta Carnival, SM, Rustan’s, tapos bago umuwi ay kakain muna kami ng siomai na may sabaw (para sulit) sa Ma mon luk. Pag na-short ng todo ang budget namin, wina-1-2-3 na lang namin ang dyip na sinakyan namin. hehehe.
September 22, 2005 at 8:55 pm
Dear BatJazz,
hahaha! i couldn’t resist na mag-comment dito. oo,memorable din sa akin yang national bookstore sa ilalim ng coliseum. jan ko binili ang pinakaununahang libro na galing sa unang sweldo ko sa jiggol–yong AMORSOLO.
September 22, 2005 at 9:03 pm
ever dearest kuya batjay,
bata pa po ako kaya medyo di na ko makakarelate s cubao moments nyo.. pero naalala ko pa nun kinder ako, binigyan ako ng tita ko ng scented eraser.. dko sya gigamit kse baka mapudpod, o mangitim, o lumiit..nagtitiis ako s eraser n nasa mongol pencil.. pero ok lang kase, mabango talaga at nakakaadik ang eraser n bigay nga ng tita ko hehe.
September 22, 2005 at 9:11 pm
Eh di ba famous din yang Cubao sa “call boy.”
September 22, 2005 at 9:20 pm
oo nga, sarap amuyin ng scented erasers… pero may isa pa kaming inaamoy-amoy ni junnie dati (kahit ngayon) – yung mga pages ng librong imported. hmmm bango!
September 22, 2005 at 9:40 pm
one time kinain ko yung bubble gum flavored eraser ko! lasang pambura ng lapis pala yun.
favorite ko yung fiesta carnival at yung mga sandwich na maraming mayonaise na nabibili sa mga maliit na kiosk around araneta. =>
September 22, 2005 at 9:59 pm
I wanted those pero sobrang praktikal ang nanay ko so she would get us that one eraser na half gray-half white. Naalala ko pa yung mga glow in the dark erasers. I’ve always wanted those pero it was expensive.
September 22, 2005 at 11:50 pm
Uy 3M Pizza, staple yan ng barkada namin nung high school ako!
Straight to Grade 1 ako, walang nursery or daycare ek-ek. So nung binilan ako ni Nanay ng gamit siempre may sweet smelling eraser… Adik ka ba dun? First time kong maamoy alam ko namang pangbura pero di ko mapigil sarili ko sssoo kinagatan ko
😉
I love Cubao. Tuwing luluwas kami ng “Manila”, dyan kami naglilibot sa Fiesta Carnival!
September 23, 2005 at 12:37 am
ballpen! ballpen ang gusto kong inaamoy, ung scented panda na light blue 🙂
September 23, 2005 at 12:06 pm
yung mga scented ballpen came much later, hazel. in fact, college na ata ako nang lumabas ito and the smell is not as strong as those dang erasers. May mga iba nga akong nakain eh – lasang goma! ngyehehe.
September 23, 2005 at 12:08 pm
hi auee. marami rin akong nakain na eraser nung student ako. nakaka addict nga yon. in fact, hanggang ngayon kumakain pa rin ako ng eraser minsan. bwahaha.
September 23, 2005 at 12:10 pm
half gray/half white erasers – i remember those. ito yung kalahati pambura ng ballpen, kalahati pambura ng lapis. mayroon pa ba nito ngayon?
September 23, 2005 at 12:15 pm
speaking of pagkain, ka dennis – maraming mga binebentang sandwich dati sa pader ng intramuros. mura lang yung mga hamburger at hotdog: 2 pesos lang ata – pero alam ko tertured vegetable protein ito (karne na gawa sa gulay) kaya mura. masarap naman lalo na pag may mayo at ketsup.
September 23, 2005 at 12:17 pm
hi linnor.
amoy ng pages ng imported na libro – hmm… masarap nga yun amuyin. gusto ko rin ang amoy ng library. yung pinaghalong smell ng iba’t ibang mga old books ay major turn on.
September 23, 2005 at 12:18 pm
call boy, call girl, call this, call that. lahat ng call nasa cubao. pati si jack naroon din nakatira.
September 23, 2005 at 12:49 pm
asan na ngayon yung scented eraser, wanda? siguro, nakatago pa rin sa baul mo.
September 23, 2005 at 1:33 pm
bossing dengX!!!
kamusta na ang idol ko? langya, di man lang tayo nagkita. wala ka bang balak mag tour ng california? pag mayroon dalaw ka naman dito. baka mauwi kami ng singapore ni jet hopefully next year. kita tayo!
alam mo bang ang dami ko ring nabiling mga jingle doon sa national book store na yon sa araneta. pati yung mga text book ko sa school at lahat ng mga supplies. kaya memorable din yon sa akin, tulad mo.
September 23, 2005 at 2:10 pm
kumakain din kami sa ma mon luk, robbie. masarap ang pagkain doon kahit minsan di malinis ang restaurant. nililibot talaga namin ang cubao. in fact, kabisadong kabisado ko lahat ng mga pwesto doon nung araw.
September 23, 2005 at 2:11 pm
yung rugby – may tama yon, growen. buti na lang di ka nabaliw.
September 23, 2005 at 2:14 pm
hey toknoy.
yung finishline.com parang karera ng kabayo sa unang pandinig. pero may mga sale nga ng sapatos mahirap lang mamili kasi gusto ko sinusuot bago bilhin.
September 23, 2005 at 9:35 pm
sa pentel pen ako na-addict. nahuli ako minsan dahil may itim-itim sa ilong ko. hehe!
September 24, 2005 at 2:26 am
akala ko ako lang ang adik sa scented erasers. 🙂 meron akong collection nun, na regalo ng mga kapatid ko. di ko rin ginagamit. kung ubos ang monggol, daliri ang ginagamit pambura.
nakatikim na rin ako ng eraser. hershey’s flavor kasi. ayun, kinagat ko.
September 26, 2005 at 1:37 am
memorable din cubao sa akin. merong tindahan ng hopiang cube ang hugis dito na gustong gusto ko. kaso nagiba medyo ang lasa nito ngayon at nagmahal pa. 😦
love bus? eto ba yung kulay blue? yung mga nakikita kong ganitong bus ngayon, walang nang aircon at medyo kakarag-karag na.
ka-relate ako sa post na ito. galing!
September 27, 2005 at 12:02 am
lakbay – alam ko yung cube shaped hopia. wow, that brings back a lot of memories. maraming salamat sa pag comment, pinasaya mo ako ng husto.
September 27, 2005 at 12:06 am
o ayan jessie, may nakita ka nang katulad mo na mahilig mang amoy ng eraser. ngyehehehe. ayos.
September 27, 2005 at 12:12 am
hehehehe… ako rin pareng rene. adik din sa pag amoy ng pentel pen. alam ko may narcotic epeks din ito. kaya siguro ako naging abnoy.