I had the blues because I had no shoes until upon the street, I met a man who had no feet

September 20, 2005

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga’t narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don’t you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970’s and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it’s still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW

Advertisements

No Responses Yet to “I had the blues because I had no shoes until upon the street, I met a man who had no feet”

  1. duday Says:

    kuya wala na po yung COD, saka po yung palabas ng mga manikin tuwing pasko sa may greenhills na daw ginagawa.

  2. rolly Says:

    Nakakalungkot man isipin bosing pero wala na yata pareho yung sinasabi mo. Wala nang palabas ang COD twing pasko at wala na rin yung Marikina shoe expo sa gilid nito.

  3. MarchOne Says:

    Sir wala naman yan sa size ng shoes at haba ng ano mo….pagwapuhan lang yan!

    Ala eh…halatang “lolo” na si sir! Nagbabagong bihis ang Cubao…with the new Gateway Mall connected to two MRT stations…yung dating Fiesta Carnival Shopwise na po ngayon, sa outdoor na yung mga rides…

  4. cbs Says:

    asus, RIP na pala ang COD. baka kaya na DOA ng BIR, SOB na yan, oo.

    teka lang, di ba may-ari ng COD e yung family ng swimmer na si ral rosario? lumalangoy pa kaya sya? tsaka yung puppetry show daw, sa malacanang na lang pinalalabas, whole-year round pa, say!

  5. haydee Says:

    I remember the same thing on Ever Gotesco every Christmas. Sad lang since nagkaron na ng Ever Grand Central e they stopped doing the Christmas display like COD.

    shoe size and big C**ks, does it really apply sa mga pinoy? hehehe

  6. KIKO Says:

    swerte mo batjay, mas madalas i sale yung mga shoes na size 9 pataas. hanggang 70% off pa. pero mas mahal naman yung condom na malaki size, hehehe.

  7. mari Says:

    pareho tayo ng problema fafajay. ako din hirap bumili ng shoes kasi malaki din ang paa ko. buti na lang may mga shops na nagcacater sa mga big feet like me. unlike before, parusa talaga.

  8. mark Says:

    andun pa yata ang marikina shoe expo and (on a side note) pati na rin yung bellini’s italian bistro na parang na-OP pero pagkasarap sarap.

    at ang animatronic show naman ay yung nasa may greenhills na yata ngayon, tuwing pasko din sya nabubuhay.

  9. aleq Says:

    COD brings a lot of memories. Lalo na ang fiesta carnival na lagi naming pinupuntahan kapag pasko. 🙂

  10. Dennis Says:

    opo sir bukas at malakas pa ang marikina shoe expo. pero ang COD ay sarado na daw sbi ng isa asawako. CDO na lang bukas (bilihan ng karne at karne products)Ang dinadayo sa cubao ay yung andun sa kabilang side ng MRT 2. andun ang Kulasisi, Takusa at Bartolina. Para din silang mga animatronix pag sumayaw! hanep!!! yun lang po.

  11. auee Says:

    di ka lang pala kyut batjay, malaki pa paa mo… lucky Jet hehe

  12. jaxusa Says:

    Kung kailangan mo ng shoes go with Shaq dahil size 22 siya.

  13. roselle Says:

    yung COD naging supermarket na eh. tila lahat ng bata pa naman na nakatira malapit sa cubao ay minsan sa buhay nila nakapanood ng puppet show dun pag christmas


  14. oo nga roselle. lahat ata ng taga quezon city ay nakanood ng puppet show sa balcony ng COD every christmas season during its heyday. naalala ko pa nga, ang hirap itong panoorin dahil maliit pa ako during the time at ang kapal ng mga tao na nanonood..


  15. jax – kung 7 footer din ako eh malamang mga size 22 and a half ang paa ko.

  16. Barb Says:

    Well, what kind of shoes did you get? No pictures?

  17. Capt. Kupal Says:

    big shoes. i got big shoes, barb.


  18. hi auee, ang pangalan na walang consonant. ang tawag nga sa akin ay si juan tapak.

  19. joyce Says:

    nung bata ako (ESTE tayo pala), kung hindi COD, sa Rustan’s makati rin makakakita ng puppet show at may Santa Claus na nakasakay sa helicopter…ewan ko ba, pero nung araw, tuwang tuwa na tayong makakita nang ganoon…di tulad ngayon, kelangan PS at I-POD ang kalaruan para sumaya ang mga bata


  20. oo nga joyce, iniisip ko nga kanina kung ano ang mga pleasures ko nung bata. simple lang – jolens, trumpo, tumbang preso, taguan, habulan base at text – text cards, hind text message. ngyehehe.

  21. Fr. Jakolito Says:

    dennis, maraming salamat sa feedback. so buhay pa pala ang shoe expo. that’s great. naalala ko pa nung araw, doon lang talaga ako nakakakita ng sapatos ko. at talagang namimili ako kasi once a year lang ako nakakabili ng shoes at ito na ang suot ko for the whole school year. pag pangit ang napili ko, isang taong pangit ang sapatos ko.


  22. hey aleq. oo nga, package deal yon – punta sa fiesta carnival at sumakay ng mga rides. pag dating ng gabi, punta sa COD to view the puppets. yon lang, maligaya na ang mga tao.


  23. mark, ah really – sa greenhills na pala. is it run by the same company or kinopya lang. yung shoe expo sa cubao, buti buhay pa siya. madalaw nga pag uwi.


  24. oo nga pala mari – hirap ng matangkad ano? saan ka na bumibili ngayon? nung last christmas, sa SM mismo, may mga malalaking size na sila. buti naman. hirap nga nung araw.


  25. oo nga ka Kiko. dito sa US maraming mga sale items na over size 11. lalo na sa mga factory outlet. para ngang paradise mag shop dito ng big sized shoes.


  26. HAYDEE! mayroon nga ata rin sa ever gotesco ano? i should know dahil batang grace park ako. i think there was pero not as good as what COD had.

    yang ever gotesco na yan, dami naming beer na nainom diyan nung high school kami.


  27. hi CBS.

    was it ral rosario? i forget. all i remember is the fun i had watching it from the streets below. yung godfather ni mario puzo, parang puppet show din ata yon, di ba.


  28. M1 – wow, thank you for the cubao update. matagal na akong di napunta doon. siguro mga 15 years na. i always pass by it from edsa pero di ako pumapasok.


  29. wala na nga raw ang COD tito rolly – nanonood rin ba kayo rito? ang galing nung araw no – ang babaw ng mga kaligayahan natin.


  30. duday! kamusta ka na, saan ka mang naroroon. sabi nga ng ibang nag comment sa greenhills na raw ang puppet show. that would be nice to watch pag uwi – sana kasing excited pa rin ako tulad nung bata ako.

  31. mindfulsiya Says:

    you should see araneta center cubao today. very different from the old araneta, ang linis at maganda… now known as araneta GATEWAY. there are cafes, bars and restaurants surrounding the big dome…and it is very accessible dahil andon na din ang mrt ng aurora blvd…wala ng 3m pero may starbucks, gloria maris, etc….


  32. i really should see the araneta center today. it would probably bring back a lot of childhood memories. thanks for the update on what’s new in cubao.

  33. roseph Says:

    What does COD stands for? Maybe C is for Christmas…


  34. unfortunately, roseph – “C” is not for cookie nor is it for christmas. it actually stands for “CASH” as in Cash On Delivery.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: