He who shits on the road will meet flies on his return

September 19, 2005

dear unkyel batjay,

mayroon po akong importanteng tanong sa inyo – gusto ko lang pong malaman kung ano po ba ang dapat gawin sa ganitong situation: malimit pong mangyari ito sa akin na abutan ako ng LBM habang nasa labas ng bahay. pag nangyari po ito, pupunta po ako sa public toilet. kadalasan po ay punong puno ito ng mga tao at medyo nahihiya po ako pag nakaupo ako sa toilet seat. kaya ako nahihiya eh kasi alam ko pong magiging maingay ang aking pagdumi at siguradong pagtatawanan po ako ng mga taong nasa loob ng banyo. ano po ba ang dapat kong gawin?

ang shy guy na humihingi ng payo,
gentle reader

dear gentle reader,

ganito ang gawin mo para hindi ka mahalata masyado: isabay mo ang pag flush ng kubeta sa pag ebs mo. kailangan mo lang ng kaunting practice dahil mahirap ang timing pero pag nakasanayan mo na ito ay hindi ka na mapapahiya kahit anong ingay ng pag tae mo.

good luck,
unkyel batjay

Advertisements

No Responses Yet to “He who shits on the road will meet flies on his return”

  1. owen Says:

    ok na payo to sir! sige masubukan nga next time. hehehe!


  2. sige pards – effective yan. lalo na diyan sa singapore dahil maraming mga tao ang gumagamit ng CR.

  3. rolly Says:

    sir, yun e kung isang bulwak lang e ubos na at tapos na ang lbm. Pano kung medyo mahaba-haba at hinuhugot pa sa kaila-ilaliman yung mga sumunod na daloy? Medyo aksaya yata sa tubig, ano?


  4. oo tito rolly, medyo aksayado sa tubig pag extended LBM, kasi kailangan flush ka ng flush. minsan nga, inaabot ng mga 3 or 4 na flush bago matapos.

    “PUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUT!”
    (flush)…………….. (flush)…………….. (flush)…………….. (flush)

  5. roselle Says:

    hahaha! usapang tae! i had an engineer in the office na palaging nae-ebs… halos lahat na ata ng client namin sa peza nag-iwan sya ng “souvenir”… ultimo caltex di pinatawad.

  6. kat Says:

    hahaha! courtesy flushes are a good idea indeed!

    how’s cali treating you?

  7. Capt. Kupal Says:

    g’day miss buntis! california is treating us very well. it’s been one sunny day after another. well except for the past two days where it rained – HOORAY! i keep telling everyone how i miss the thunder storms that are so common in south east asia. it’s funny how you miss now the things that you used to take for granted.

    “courtesy flushes” – i like that.


  8. sa singapore – halos lahat ng mga ka-opisina kong mga lalaki eh irregular ang pag ebs nila. hindi toilet trained. ngyehehe. siguro kasi spoiled sila dahil malilinis ang mga CR doon and they can shit anywhere.

    ako, trained ang pwet ko – bago ako maligo sa umaga like clockwork.

  9. trotskybee Says:

    Medyo trained din ang aking wet-pu. Pero may time na kelangan gawin sa labas-lalo na pag nakainom ako ng maraming milk (medyo lactose intolerant ang aking tiyan). so far, responsible “ebaker” ako hehehe. Yan din ginagawa ko, sinasabayan ko ng pag-flush yunh pag-ebs.


  10. AHA! sinasabayan mo rin pala ng pag flush ang public ebs mo. naalala ko – mayroong device na nilalagay sa mga japanese toilets na nagpapatugtog ng “flushing sound”. all you need to do is press a button habang ume-ebs ka at may sasabay na flushing sound. apparently, mahiyain ang mga hapon at ayaw rin nilang marinig ang mga malalalim na tunog associated with dumping.

  11. toknoy Says:

    batjay paano yan kase mostly na mga CR ngaun eh may censor na..paano mo sasabayan ang pag flush mo habang nagdedeposito ka?pag etstas mo kaya sabayan mo ng tayo? nagtatanong lang po..hehehe

  12. carol Says:

    aba toknoy good answer yan, khit sa mga sinehan d2 sa greenbelt eh censor na ang dating…pano nga yun?? plagi k nlang tatayo pagkatapos umiri?? hehehe

  13. Fr. Jakolito Says:

    mahaba kasi ang kamay ko kaibigang tuknoy – dahil matangkad akong tao. abot na abot ko ang flush mechanism from behind my back pag ume-ebak ako sa mga public toilet at di ko na kailangang maging contortionist.


  14. hey carol.

    sabi ko nga, mahaba ang kamay ko and can reach the flush button that’s behind my back. di ko na kailangang tumayo. ito siguro ang dahilan kung bakit may naimbento na sound machine sa mga toilet sa tokyo which simulates the sound of a flushing toilet.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: