Where there is a stink of shit there is a smell of being

September 11, 2005

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

Advertisements

No Responses Yet to “Where there is a stink of shit there is a smell of being”

  1. Jet Says:

    Kung pareho nung swerte natin sa Singapore, ok na rin mylab. Maayos din naman buhay natin dun.

    Pero oo nga… sana nga.

    Labyu! 🙂


  2. may feeling ako na mas magiging maswerte tayo rito mylab. hindi dahil sa bird poop – strong vibes lang. i can feel it.

    lab 2 u. este, lab u 2.

  3. missP Says:

    paano naman kung naiputan ang windshield ng kotse mo ng ibon while your driving, is it also considered lucky? kung gayun, i promise, next time it happens, di ko papa car wash kotse ko para tuloy-tuloy swerte, hehehe.

    good luck sa inyo ni mylabopmyn mo jan sa Amerika, idol! 😉

  4. airwind Says:

    kahit saan naman po kayo mapadpad tsong batjay aasenso kayo.. 🙂 ingatz

  5. airwind Says:

    kahit saan naman po kayo mapadpad tsong batjay aasenso kayo.. 🙂 ingatz

  6. Mona Says:

    ang cute mo naman, kuya!

    at huwag ka nang humingi ng swerte dahil katabi mo na si jet.

    🙂

  7. MarchOne Says:

    wish ko lang walang masyadong “shit” na nangyayari dito sa Island Philippines.Ang dami kasing #%&!shit dito!

  8. jenggay Says:

    batjay,

    di naman kaya may higantang lumakad na di mo nakita at medyo napa-singa o napa-halak sa bintana ng opis mo?

  9. jenn Says:

    swerte yata talaga ang matuluan ka ng ebs ng ibon.. nung kasal ng mami at dadi ko, paghatak nila ng ribbon na kunektado sa malaking fake na bell kung saan merong 2 puting kalapati (pucha hirap i explain!) na papakawalan to symbolize something sa marriage, eh natuluan ng ebs ang dadi ko sa balikat! ayun…it was 1967, and now 2005 na eh nagmamahalan pa din sila…. so nabuo kaming 4 na magkakapatid dahil sa power ng tae ng ibon!

  10. owe Says:

    because you and batjet are such nice people, kakambal nyo na nag success at happiness. nasa tabi lang sila, waiting to happen for you! katuwa yung post mo.


  11. JENNYPENG – ang miss canada ng singapore!!!

    ang galing naman ang kasal ng mga pay-rents mo! en me ay add na mahusay ang pagka explain mo.

    kamusta na diyan sa singapura? miss na miss na namin kayo! sana makarating kayo ni amorseko dito sa OC para masaya. masarap dito – malamig at hindi na kami pinagpapawisan tulad ng dati, pero… wala nga lang chili at pepper crabs.

    ingat!

  12. Capt. Kupal Says:

    GROWEN – bakit gising ka pa? salamat sa comment pards. sana nga magka tutuo ang sinabi mo. ingat at all the best din sa iyo. punta ka rin ba ng OC soon?

  13. Demonyito Says:

    higante? katulad nung nasa darna and the giants?


  14. maraming shit naman kahit saan, march 1 – hindi lang sa pilipinas.

  15. Fr. Jakolito Says:

    maraming salamat airwind.


  16. hi miss-p. welcome back ulit. maraming salamat ulit sa comment. swerte rin maiputan ng ibon ang kotse basta sa windshield lang. pag sa body kasi eh maaring masira ang paint job dahil corrosive ang bird shit.

    ingat!


  17. ATE MONA!!!

    kamusta ka na? how’s the business moving along? i hope you and the family are well.

    maswerte na nga ako with jet (at maswerte rin siya sa akin – ahem) – pero, it won’t hurt to wish for more luck. di naman ako humihiling ng world peace – simple lang naman: a beach house in laguna beach. ngyehehe.

  18. owen Says:

    sir, yun ang time na nagbabasa ng blog. mula 11pm to 1am. pero ngayon, inaantok ako sa ofc, kaya ngayon ako sumasagot.

    hopefully, i would be able to make it to CA by end of the year. bibisita ako sa inyo syempre.

  19. owen Says:

    sir, yun ang time na nagbabasa ng blog. mula 11pm to 1am. pero ngayon, inaantok ako sa ofc, kaya ngayon ako sumasagot.

    hopefully, i would be able to make it to CA by end of the year. bibisita ako sa inyo syempre.

  20. Isip Bagets Says:

    sige pare, dalaw ka rito sa OC. masarap pag spring or fall para di masyadong malamig.

  21. lukin4gf Says:

    malaking doodoo nga ang iniwan sa bintana mo ankel…

    pero kaduda-duda, masyadong makalat, parang indi ebak ng ibon, baka ebak na galing sa leakage ng eroplano yan nyahahaha.


  22. leakage ng eroplano? hmmm… maari. buti na lang, hindi bumagsak pati yung septic tank. nangyari na yan dati, may bumagsak sa langit na ice candy na kulay brown. akala ng mga residente ay snow cone at tinikman pa nga nila ito.

    pagdating lang ng mga authorities nila nalaman na frozen ebak pala ito na nahulog sa eroplano.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: