A good meal ought to begin with hunger

September 8, 2005

ang topic ngayon sa “the rebels without because” ay pagkaing pinoy. toka ko kaya gumawa ako ng listahan ng mga pagkain na gusto kong kainin kung bibitayin na ako bukas. minsan pag wala akong magawa, imbis na mangulangot ako eh iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung ako si jose rizal nung mag-isa siyang nakakulong sa fort santiago at alam na niya na kinabukasan siya’y babarilin. pagtapos ng matagal na pagmuni-muni, tatlo ang naisip kong pwedeng gawin. UNA, hihiling ako na kung pwede akong mamboso doon sa mga naghahalikan na magsyota sa pader ng fort santiago. IKALAWA, gagawa ako ng tula (hindi mi ultimo adios, gago. kailangan ay original) – gagawa ako ng huling tula tungkol sa palaka. at IKATLO, oorder ako ng paborito kong mga pagkaing pinoy. heto ngayon dear prens, ang menu ng aking last meal…

appetizers:

tokwa’t dila – extra crispy tokwa na hinaluan ng dila ng baboy. sawa na kasi ako doon sa traditional na baboy na kinuha sa tenga at pisngi. subukan ninyo ang dila ang your life will never be the same. ang sawsawan ay manamis namis na toyo, suka, sili, sibuyas at bawang

kilawing tanigue – kailangan extra fresh ang fish. kung ako ang masusunod, kailangan ito’y bagong hango sa dagat. samahan mo na ring pangtimpla ang sukang bisaya at maraming siling labuyo

manggang hilaw – na may sawsawang mainit na ginisang bagoong. hindi na kailangan pang i-explain ang soul food ng mga naglilihing buntis.

malutong na sisig – extra crispy sisig pero kasing moist pa rin ng pinawisan na singit ng metro aide sa tanghaling tapat. dapat ay maraming utak para malasa. sawsawan ay knorr seasoning at hot sauce.

main dish:

tortang talong na may banana catsup – extra crispy sa pag prito para malutong sa labas at moist sa loob.

adobong baboy – ok lang na maraming taba at kung nalulunod ito sa mantika. mamamatay ka na bukas, iisipin mo pa bang magka high blood

steaming bagoong na ginisa sa baboy, bawang at sili na may sawsawang kare-kareng buntot ng baka

paksiw na tiyan ng bangus na dalawang linggo na sa ref – ang paksiw ata ang pagkain na mas sumasarap habang tumatagal. imposibleng mapanis dahil sa suka, super sarap pag aged. sabayan mo ito ng sawsawang patis na may dinikdik na sili at pwede ka na talagang mamatay kinabukasan.

sinigang na baboy – maasim pa sa kili-kili ng hindi naligong bumbay. gusto ko rin ng may kang kong, sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi, dinikdik na sili sa patis at siyempre – maraming taba ng baboy. heart attack at stroke ba kamo? bwahaha… who the fuck cares?

christmas morcon – pag mommy ko ang gumawa, pati yung lubid na pinantali sa morcon ay kinakain ko. it’s that good. masarap itong kainin pag mga january 3 na. paubos na ang morcon by this time kaya naguunahan na kayong mga nasa bahay sa mga natirang pagkain.

merienda:

kesong puti na galing sa los banos – ang sikreto sa kesong puti eh dapat muna itong hiwain into small slices, THEN, i-prito ng once over. pag medyo natutunaw na siya, hanguin at ipasok sa hot pandesal. putangina, naiisip ko pa lang, naglalaway na ako.

reno liver spread at tasty bread. pwede ring hot pandesal. actually, masarap nga kung medly ang sandwich mo – hot pandesal na may kesong puti, yung iba naman ay reno liver spread.

pansit bihon guisado – ang paborito kong gawin pag may masarap na pansit ay ipalaman ito sa hot pandesal. yan siguro ang soul food ko. napaka simple pero ubod naman ng sarap. this is the perfect afternoon merienda. na imagine ko ang sarili ko sa garden namin sa antipolo on a january afternoon. malamig ang simoy ng hangin, kakagising ko lang afte a nap, nakaupo ako sa garden habang may iced tea at kumakain ng pansit, may sawsawang kalamansi at kikkoman na toyo, tapos may mainit na hot pandesal.

dessert:

ube ice cream – gawa sa gatas ng kalabaw, extra creamy. maganda kung lagyan ng macapuno toppings.

leche flan – not too sweet, otherwise madaling magsawa. gamiting itlog yung galing sa pato. die the next day? no worries.

essentials:

don’t forget the white rice – kailangan ay steaming hot. medyo borderline malata but not too much at baka maging lugaw. just enough to make it sticky. mas maganda kung may kaunting tutong. minsan nga mas gusto ko kung lumang kanin na may tutong – member kasi ako ng “batang kaning lamig”, isang pinoy gang ng mga matatakaw.

drinks? hmmm… make it gulaman at sago. again – NOT too sweet para hindi nakakasawa. yung sago, dapat firm para ang pakiramdam mo ay hindi ka parang nakalulon ng semilya ng lalaking hindi nagjakol ng dalawang buwan.

Advertisements

No Responses Yet to “A good meal ought to begin with hunger”

  1. Jet Says:

    Mylab, ako ba ang paglulutuin mo ng adobo at sinigang na baboy? Sarap naman ng menu mo. Kung pupuwede, magpapabitay na rin ako para masaluhan kita sa last meal mo… hehe. 🙂

    Labyu!


  2. siyempre naman mylab – yung adobo mo at sinigang ang pamatay sa lasa. kaya nga ito bagay na last meal, ngyehehe. ang corny ko.

    pero seriously – ang adobo mo at sinigang ay to die for at hindi ko ipagpapalit kahit sa anong pagkain.

    lab U 2.

  3. ChrisH Says:

    awwwww… how swit!!

    pero sa totoo lang ha, ang sarap ng menu mo!! hahaha… pag nagpa-binyag ako, yan ang menu! imbitado ka kuya BatGay, este, BatJay pala… 😉

    😀


  4. it takes one to know one. hahaha.

  5. Rey Says:

    bakit walang bagoong? hindi ka siguro ilokano ano?

  6. jeff in va Says:

    ginoong batjay,
    ayos na ayos!naglalaway ako habang binabasa ko. aprub sa ken lahat ang mga choices mo. have a nice weekend! maitanong ko lang, naiship nyo po ba yong bike nyo!

  7. Capt. Kupal Says:

    dear rey,

    para ka namang duling.

    ingat,
    jay


  8. dear jeff in va,

    magpunas muna ng bibig bago magsalita. maraming salamat sa pagsulat mo.

    ibinenta ko ang bike ko sa kaibigan ko ng si growen sa singapore. bibili na lang ako ng bago rito.

    ingat,

  9. roselle Says:

    naalala ko na naman ang di malimutan ng asawa ko na masarap na sinigang ni jet…

    grabe ginutom ako sa entry na ito! parang gusto ko kainin lahat!!! sana ay available itong lahat sa cabalen o sa kamayan!

  10. sis Says:

    nakakagutom!!!

  11. jennipeng Says:

    manong!

    ako din gusto ko ng adobo.. yung adobo ni mather jet machurap talaga!sabi nga nya eh kahit nakapikit eh pwede daw nya iluto… yung adobo ni ate amor naman kakaiba.. madaming atay ng manok pero walang balumbalunan (which i hate) kaya ok sa alright!

    yung bagoong pucha ansarap nga pag maligamgam pa at nagmamantika..

    bat walang itlog na pula na galing sa pateros or sa bulacan? yung nagmamantika sa gitna? (makelam daw ba ng menu ng may menu eh no?)

    … at bukod sa sago at gulaman (gusto ko kulay pula!) masarap din pag sarsi ang panulak, pero dapat derekta sa bote iinom (sige, pwede straw) kesa sa baso!

    pucha, pinoy food is wan-op-a-kind talaga!

  12. Rey Says:

    Ay apo, mahirap na talaga ang lakay may may steaming bagoong ka palang ulam,naduling talaga ako dahil tinitignan ko yong seksi na batwoman at binabasa ko kasi yong nakasulat between her legs.

  13. joyce Says:

    hi jay!
    ang sarap sarap naman ng menu mo! ako, personal fan ako ng paksiw na bangus! minsan kumain ako sa Ilustrado sa intramuros, ang galing ng style ng paksiw nila…galing Saranggani ang bangus fillet at puro tiyan! tapos, may kasama siyang lechon kawali bukod sa talong at ampalaya slices…haaay gutom ako!

  14. Fellow Damer Says:

    Welcome to the OC. Walang problema sa tsibog na pinoy dito. Gusto mo samahan kita para mamalengke. I am right here in Anaheim. Just let me know.

    Pare, k’musta mo na lang ako kay Doc Dennis pag nakausap mo.

  15. freshly_corrupted Says:

    manong batjay, hindi po kaya kayo mamatay sa alta presyon bago kayo bitayin sa dami ng cholesterol ng menu nyo?

  16. Fellow Damer Says:

    how about Chicharon bulaklak? Dagdagan mo pa ng isa pa, Bulalo. I just had both 2 hours ago with a bottle of San Miguel Beer.

    Pag nagluto uli ako, tatawagan kita.

  17. fr|day Says:

    whew. nabusog ako at pinagpawisan sa pagbabasa lang ng entry na yan.. 🙂

  18. MarchOne Says:

    “mainit na hot pandesal?
    He he he…hindi naman masyadong redundant!Parang…”ATM machine.”

  19. Fr. Jakolito Says:

    hi biyernes – inom kang tubig para di ka mabulunan.


  20. dear fellow damer,

    ngyehehehe – taga irvine ka ba? lapit lang sa amin. sige, samahan mo nga ako sa 99 ranch, kailangan ko nang bumuli ng supplies very soon. o baka may alam ka pang mas maganda.

    nagkita kami ni dennis nung b-day niya last july. nasa pilipinas ako, one the way here to OC from singapore.

    ingat.
    jay


  21. yung nga yung idea, ms. freshly corrupted.

  22. Isip Bagets Says:

    hi joyce.

    WOW! paksiw na saranggani bangus with lichon kawali, talong and ampalaya. bigla akong nagutom. remind me to take you sa ilustrado, i’m sure jet would love it.

    oo nga pala – waiting lang kami na magparamdam ka sa blogkadahan. if you want to post again, just send an email to the blogging berks address.

    ingat!


  23. JENNIPENG!

    adobo na maraming atay ng manok? wow! masarap yon pag matagal na kasi madudurog na yung atay at lalapot ang sabaw. AYAYAY, ginutom tuloy ako. kulay pulang sago? hehehe. pihikan ang lola.

    gusto ko rin ang sarsi. pag walang sarsi, pwede nang diet rootbeer.


  24. hi sis.

    i should say – lami kaayo,


  25. hi roselle.

    musta na kayo ni lenin? hayaan mo pag uwi namin sa pilipinas, punta kayo sa bahay at ipagluluto namin kayo ng sinigang.

  26. roselle Says:

    mabuti naman kami ni lenin sunog ang mga balat pero masaya.
    wow… that sinigang is something to look forward to but most especially the fact that one day i’ll meet you in person. that would be fun.
    btw, lenin and allan are working in the same company na (ulit!)…


  27. sunog ang mga balat – kagagaling nyo lang ba sa vacation? sige schedule natin ang sinigang. punta kayo nina lenin sa bahay sa antipolo. sama mo na tuloy sina allan at lahat ng mga dati kong tao na magkasama ngayon sa current company nila.

    alam ko na lumipat na si allan. buti magkasama ulit sila ng asawa mo. pareho silang magaling na mga engineers. two of the best who worked under me.

  28. roselle Says:

    dumalaw kami sa isla ng mga mangyan at nakiligo sa kanilang malinis na dagat… at first time ay nakatikim ng fresh na kinilaw na tanguige (pero da best daw yung sa davao sabi ni lenin… mas fresh)


  29. sa davao at cebu masarap ang tanigue. actually, almost anywhere sa vis-min area ay masarap ang kilawen. mayroon nga sa dumaguete na may gata – masarap din ito.

    matagal ko na ring gustong magpunta sa mindoro. i love to snorkel at may mga dive sites doon na maganda.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: