A summer's sun is worth the having

September 5, 2005

weird talaga ang mga taga north america. habang ang buong mundo ay nag se-celebrate ng labor day sa may 1, pinili nila ang unang lunes ng september para sa kanilang version ng labor day. pero ok lang. at least mayroon kaming three day weekend. nakapag pahinga ako ng kaunti. siguro, hindi na rin ako dapat magtaka. eh dito na lang yata ginagamit ang miles at gallons. bagay na lubos kong ikinalilito. hanggang ngayon, pag may nagsabing “i live two miles from work”, wala akong idea kung gaano ito kalayo. sanay kasi ako sa kilometer. pag may nagsabing “a gallon of gas here in orange county is about $3 on average”, tumatango na lang ako at nagsasabing “that’s too fucking expensive” even though hindi ko alam kung gaano karami ang isang gallon. isang litro, alam ko agad dahil kabisado ko ang size ng bote ng coke sa pilipinas. sa temperature din mas nakakalito. pag may nagsabing “it’s one hundred and seven degrees outside”, naiisip ko agad eh over na ito sa boiling point ng tubig at malapit nang magunaw ang mundo dahil natutunaw na ang polar ice caps. tapos bigla kong maiisip na degrees farenheit nga pala rito at hindi celcius na nakasananyan ko. nakakalito tagala rito sa amerika. parang paatras nga ang takbo ng mundo minsan. buti na lang nga hindi counter clockwise ang andar ng mga relo rito. that would have been too much to take.


traditionally, ang labor day sa north america ay ang unofficial end of summer. pretty soon, lalamig na ng husto at kakapal na ang damit ng mga taga rito. kung kayo’y mga lalaking pinoy, alam nyo na siguro kung ano ang kailangang gawin, di ba? kumain kayo ng maramng balut, dear prens. mahirap na eh baka magising ka na lang isang umaga, hindi mo na makita ang titi mo pag umiihi ka dahil umatras na sa sobrang ginaw.

Advertisements

No Responses Yet to “A summer's sun is worth the having”

  1. rolly Says:

    ngek. Dapat ba nakikita yun? Akala ko kinakapa lang talaga.

    Enjoy your break.


  2. kinakapa na lang? oh my god, save the babies.

  3. duday Says:

    may bilihan ba ng balut dyan kuya?

  4. mark Says:

    i’m having so much fun reading your blog. nagdedicate nga ako ng isang sabado weeks ago to read your blog from day 1 e. hope you don’t mind me linking you from my blog. cheers!

  5. Jet Says:

    So kelan ang next holiday natin mylab? And what’s the plan? hehehe 🙂 Labyu! And thank you for the nice weekend. I had a great time!


  6. hi duday.

    nung nagbakasyon ako rito nung mga late 1990’s alam ko mayroong nagtitinda sa west covina ng balut. nasa rolling store – ie, may kotseng paparada sa intersection tapos may pinoy na lalabas na may dala dalang balut na tinitinda.

  7. Capt. Kupal Says:

    hi mark. thank you. sana hindi ka masyadong inantok. pinuntahan ko rin ang blogsite mo. ayos din.

    ingat pare and see you soon.

  8. Demonyito Says:

    kung kailan mo gustong lumabas mylab. may mga bisita naman tayong darating in a few weeks. siguradong mapapasyal ka.

  9. Dr Emer Says:

    Di naman kasing lamig ng NY siguro dyan sa LA. Pero definitely, mas maginaw kesa dito sa atin. Ingat kayo ni Jet lagi. Hug tight always. 🙂

  10. Sarah Says:

    HAHAHA!! Ay hahha!! natawa talga ako habang binabasa ko tong entry mo kasi sobrang nakarelate ako!!

    lalo na sa temperature.. parang?? OWSSS? 70degrees sya?? eh bakit ang lamig?? hahhaha!! (tiga seattle ako kaya mas malamig kami sa l.a. diba?) hrmm. pati yung gas, feeling ko eh ang mura nga eh! hahah! idagdag pa nga yung miles miles na yun.. hhahaha!!! nakakalito no??

  11. Fr. Jakolito Says:

    hello sarah from seattle. mas nakakalito pag pinagsama sama ang mga measurements. for instance, ito ang parti kong naririnig tungkol sa weather: “if you live 10 miles from the coast, you will have a temperature differential of about 10 degrees. so it is cooler by the sea than in the valley”.

  12. Gigi Says:

    OK kapitbahay, ganito ang conversion dito sa America (rounded off):

    107 degrees F = 41.7 degrees C
    1 Gallon = 3.8 Liters
    2 Miles = 3.2 Kilometers

    In other words:
    Sobrang init ngayon dito. Napakamahal talaga ang gas. Malapit ang kaibigan mo sa trabaho niya. Pero mas malapit kami sa inyo. 🙂


  13. uy salamat bossing kapitbahay.

    alam mo bang ang laki ng tulong ng comment mo. nagkaroon ako ng baseline sa pag measure ng distance, temperature at volume. ang galing galing mo talaga.

    kailangan ay mag food trip na tayo. kailan ba tayong pwedeng kumain sa labas? gusto ko nang mag enjoy ng meal na hindi ko pa natitikman. inca mama’s was really good. in fact, jet and i plan to go back there soon. salamat sa pag invite sa amin doon. ano, schedule na natin?

  14. kenji Says:

    para di ka malito isipin mo isang gallon ng pintura 🙂 ganun kadami…

  15. Haba ng Dila Says:

    hindi ko nga alam kung gaano karami ang isang gallon ng pintura.

  16. carol Says:

    uuyyyy they had a good time nung weekend uuyyy…parang alam ko na ang nangyari dun ah at kinailangan p ng balut hehehe pangpatigas ng tuhod ba kuya batjay??

    prang..parang..uyyy

  17. te Says:

    shortcut ng kuya ko sa pag-convert:
    degrees F minus 32, dibaydibay 2, plus or minus 2
    malapit lapit na din dyan yung degrees C 🙂

  18. Isip Bagets Says:

    thank you ms te.

    oo nga degrees c = degrees f – 32 / 1.8 is the exact formula.

    ingat!


  19. masaya ang weekend namin – we had a party with a friend’s family, bisita sa mga mall at dinner with jet, tapos punta kaming huntington beach para bisitahin ang mga pinsan.

  20. ann Says:

    ako din nung bagong salta dito, panay ang kanta ko ng metric song…
    ~~~subtract 32 from degrees fahrenheit, the result keep it in mind…if you multiply that by 5/9, then you’ll get celsius just fine~~~
    atchaka…
    ~~~the gallons times 3.79, will give equivalent liters for you!~~~
    bow!


  21. hi ann.

    ngyehehehe… kumuha nga ako ng navigator para kay jet. kailangan niya ito once she starts driving. pantulong sa pag measure ng distance.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: