Only in America – do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway and put our useless junk in the garage

August 30, 2005

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

lucky car? bwahaha. during the driving test, i had 12 errors. bwakanginangyan. di ko alam kung error talaga yon. sa tingin ko eh parang power trip lang galing sa taga DMV. pero siyempre opinion ko ito na medyo defensive ng kaunti dahil i take pride in my driving skills. hindi ko na expect na ganoon karami ang mali ko. saan daw ba ako nagkulang? ang pinaka marami kong mistakes ay sa traffic checks daw, pag nasa mga intersections. apparently, hindi ako tumitingin enough (look left, right, left – watch for pedestrians and cars, etc). doon sa actual driving test, mayroon walong intersections na tatawirin. anim daw doon ay mali ko. sa backing naman ng sasakyan, hindi raw ako tumitingin sa likod kaya doon pa lang ay mayroon na akong limang mistakes out of a possible ten. tapos nag over speeding pa raw ako by 5 miles per hour sa business district. what the fuck? i made sure to look before crossing any intersection, tumitingin ako sa likod nung umaatras at napakabagal nga ng takbo ko. baka gutom lang yung teacher ko. either that or hindi niya nakikita ang mata kong singkit.

nung binabanggit nga ng teacher ko yung mga mali ko eh parang bigla akong nanghina. pakiramdam ko eh ako nang pinakabobong driver sa balat ng lupa (well in this case, sa balat ng orange county). ang failing grade sa driving test ay fifteen mistakes and above. pasado ako kaya tuloy ang ligaya. bilang celebration, parang gusto ko tuloy uminom ng beer habang nagmamaneho. BWAHAHA.

Advertisements

No Responses Yet to “Only in America – do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway and put our useless junk in the garage”

  1. jon Says:

    congrats! hirap pa lang kumuha ng lisensya dyan mabusisi unlike sa pinas basta me panglagay ka puede na…

  2. Gigi Says:

    Congratulations!
    O sige, kung ever mag-road trip tayo, ikaw nalang ang magmamaneho. You know what they say — practice makes perfect! Yehey!

  3. ana Says:

    ganyan talaga ang driving test dito pati pagtingin sa kaliwa-kanan-likod binabantayan. may kilala ako bumagsak sa unang kuha nya kasi masyado namang mabagal ang speed nya, kala kasi nya school zone hindi na pala. congrats! (btw, i found your blog thru yupki. ikaw ang stress relief blog ko. :-))

  4. len castro Says:

    Ano ba yan! Mukhang mapupuwersa na akong kumuha ng exam nito kasi tuwing kukulitin ako ng mister ko na magreview e sabi ko busy ko sa computer (actually excuse lang yun at binabasa ko blog mo, ni Jet at ni Ate Sienna)tapos eto pati sa mga entries mo driving ang topic mukang magandang pangitain ito a…teka lang, nasan ba yung manual?

  5. tony Says:

    tama ka jan, dito sa tate lahat binubusisi..ganun din ako nung nag test sa actual driving, sabi ng trooper barumbado daw ako magmaneho, palibhasa sanay ako sa pinas, pero isipin mo, sa gagaling ng driver natin dun, bihira aksidente, di ba?
    yaan mo, pag nakapasa ka na at nadaanan mo sila sa kalye, pwede ka ng maglabas ng daliri..hehehe
    ingat lang kasi minsan babatukan ka nyan, gawin mo na lang mangulangot ka sa harap nya habang nagda drive para mainis!

    Tony

  6. Rey Says:

    honk mo ba yong horn mo bago ka mag change lane gaya sa pinas?


  7. hindi pwedeng mag honk ng horn unless may emergency – either may babangga sa iyo or may biglang tumawid na tanga. hehehe.


  8. kaharap ang state trooper? ayoko, malalaking tao ang mga iyon eh. ang dami ko nang nakitang aksidente rito.

  9. Capt. Kupal Says:

    hi len castro. kumuha ka na ng driver’s test. getting a car is a liberation. hindi ka na aasa sa kahit kanino at magagawa mo ang gusto mo.

  10. Demonyito Says:

    hi ana.

    thanks for dropping by. yupki – AKA yasmin is a friend. i’ve met her in singapore and she’s a great lady. akala ko nga mabagal na ako. hindi pala. may overspeeding mistake pa nga ako.

  11. Fr. Jakolito Says:

    hi jon. thank you very much. ang importante ay pumasa na ako at mayroon na akong driver’s license. YEHEY!


  12. bossing gigi. thank you. pasang awa daw ako sabi ng taga DMV. mukha nga siyang pinoy eh – at maganda ang penmanship kaya baka pinoy nga. kita kita na lang tayo bukas. excited na kami ni jet.

    ingat!

  13. rolly Says:

    Bosing, minsan medyo lax tayo sa pagmamaneho. Lalo na pag sanay ka dito sa Pilipinas mag-drive. Dati nga litung-lito ko sa mga 4 way at 3 way corners. HJindi ko alam kung turn ko na para lumiko.

  14. Rey Says:

    huwag mong kalimutan na lagyan nang kurtina yang kotse mo para makilala ka na tunay na pinoy he he he he.

  15. Jet Says:

    Hayaan mo na yun. Importante pasado ka na and you have your lisence. Pero wag mo kalimutan para if you ever have to take it again, you’ll know how to do it right.

    And when my turn comes, gagawin ko ang payo ni Junnie. Gagawin kong OA ang pagtingin sa kanan, kaliwa at likod.

    Congratulations ulit mylab. Labyu!

  16. gail Says:

    congrats, kuya. kailangan lang talagang maging OA sa mga lingon-lingon at checking-checking. bagong sasakyan na ba ang susunod?

  17. ate sienna Says:

    CONGRATS, FAFAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

    hhehehehe.. tapos na ang balakid sa’yo. ako naman susunod 🙂

  18. jenggay Says:

    to batjay and to your labopyorlayp Jet… ang cute. ang linis. sarap talaga mag bahay-bahayan kasama ang lab mo sa buhay..nasa oreynj kawnti ako sa linggo… in anaheim to see my in-laws.sana makasalubong ko kayo..good job on d haus! ngayon HOME na talaga yan.

  19. JMom Says:

    Congrats sa iyong CDL! At least hindi nangyari sa iyo, yung nangyari sa tita ko. During her test, na rear end niya yung police car dahil sa nerbios niya 😛 guess kung nakapasa siya?


  20. hi jmom.

    of all the cars to rear end, it had to ba a police car. ngyahaha. so did she eventually pass?

  21. Isip Bagets Says:

    NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    goodluck sa iyo. i know that you’ll do well in the written and behind the wheel tests.


  22. hi gail.

    sobrang OA ko na nga eh. kung naroon lang si lolit solis, baka gumawa na siya ng gimmick para manalo ako ng best actor award.

  23. chekwa Says:

    oh yeah, agree ako dun. that’s what i tell my friends, the first time they take their driving road test. u have to exaggerate when u look to ur left or right. tipong, *look to ur left* then like talk loud enough so the instructor hears u, “ok, no cars to the left” and do the same thing on the right and when looking back. guaranteed to piss them off and let u pass the test 😀

  24. Crispee Says:

    Tip po galing jpn. Ang sabi ng mga nakasabay kong pinay sa driving test, mukhang may plus points daw yata pag naka mini-skirt kang kukuha ng test. Tapos panay ang kindat mo sa officer hanggang matapos ang exam. Not really sure kung papasa ito sa ‘merika.


  25. hindi ako pwedeng magpakita ng legs at kumindat – baka batukan ako ng instructor ko.

  26. Lolo Libog Says:

    that’s a good tip chekwa – bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan tapos na akong mag exam.


  27. kurtina? hindi na. nagpabili na lang ako ng “GOD KNOWS HUDAS NOT PAY” na sticker at ilalagay ko ito sa windshield ng kotse ko.


  28. tama ang sinabi ni junnie, mylab. dapat talaga OA ang galaw para talagang makita ng taga DMV ang lahat ng ginagawa mo.


  29. hehehe… nung una nga takot na takot ako sa mga 4-way stops. ngayon, i look forward to them. gustong gusto ko kasing makita yung bigayan


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: