When a man opens a car door for his wife, it's either a new car or a new wife

August 29, 2005

bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.

pero lakasan lang ng loob yan. tingnan natin kung ano ang mangyayari. sa may santa ana ako nagpa appointment. hindi yung karerahan ng kabayo, gago. ito yung lugar malapit sa irvine, california. dito kasi ang may pinakamaagang available na testing schedule. gusto ko na kasing matapos ang licensing problem na ito para makapag maneho na ako ng diretso. hindi naman sa tagilid akong mag drive. gusto ko lang na out of the way na yung issue about my driver’s license para tuloy tuloy nang buhay orins kawnti namin.

ang nakakatawa nito eh nakabili na ako ng kotse (kung kaya nakakahiyang bumagsak sa test – naku, preysure talaga). binigyan kasi ako ng temporary license na valid for a year ng DMV at ginamit ko ito para sa insurance at yung actual na pagbili. nakuha ko na ang kotse nung friday ng gabi. actually kotse ito ni mylabopmayn jet. inangkin na niya eh. sabi ko kasi, yung first car namin sa california is hers. siyempre, dapat matuto muna siyang magmaneho. it will happen soon – thank god. sawang sawa na akong mag drive. masarap ang may kasama ka na papalit sa iyong magmaneho pag pagod ka na.

Advertisements

No Responses Yet to “When a man opens a car door for his wife, it's either a new car or a new wife”

  1. ibalik Says:

    binyagan na. imaneho na papuntang begas. hehe.

  2. jo Says:

    bosing,
    naku, sisw lang ang driving test mo i’m sure. congratulations sa bago ninyong kotse. may pangalan ba? ang sarap nga mag-drive. tiyak ma-eenjoy rin ni jet ang pagmamaneho. mabuti ka pa, open-minded sa pagdadadrive ng asawa mo. si P, everytime na ako nagmamaneho, sumasakit daw ang ulo. che! and not once pa niya akong pinagdrive kapag may long drive kami. ang bagal ko kasing magmaneho eh, hehe.
    o siya, papatugtugin ko ang “overdrive” ng eheads. especially dedicated 4 jet.

  3. jenggay Says:

    Batjay,

    ialn lang naman ang kakasanayan mo sa driving test, yung STOP signs at yung overacting pag uma-atras..kailangan naka-hawak ka pa sa passenger’s seat habang nakalingon sa likod…the new car is so cool! shempre iba talaga ang may sense of pride and ownership..kaya bumili ka na ng kotche mo! hahaha. baybayin na ang “ventura hi-way” habang nakikinig sa awit ng ‘america’! ang sarap. try nyo!

  4. sis Says:

    wag mag alala mr batjay– kasi yung mga taga dmv are scared for their life, too. so hindi ka nila ipapagawa ng kung ano anong stunts 🙂 at yung parallel park–ipapagawa nila sa kalsada na walang ibang naka park o di kaya may 100m ka to maneuver. at mababait mga taga-orange county.

    (sa palagay ko ang pinaka importante ay magmukha kang alam mo kung ano ang ginagawa mo– at least ikaw ay matalagang nang nagmamaneho. i took mine at a time when i did not know too much– ginawa ko, pangiti ngiti na serious na ngiti, pinigilan ang panginginig, pagpawis, at ang pag tae. nagmukhang relaks. yung kasama ko sa lab na marunong magmaneho, eh masyadong tense at nanginginig at nautot– he had to take the exam again).

    tamang tama mr batjay–pang long drive sa long weekend!


  5. pareng ibalik.

    malapit na malapit na kaming magpunta ng vegas para sa test drive ng kotse. kita kita tayo roon bossing – email kita. sana makasama si ate sienna para masaya ang kwentuhan natin. gusto ko, kunan mo rin ako ng litrato ng nakahubo. BWAHAHAHA.

  6. haydee Says:

    ok yan. ako din dito na lang natuto mag drive. so at least whenever we drive down there sa so cal e salit na kami.

    kung di masyadong busy yung area around DMV sa santa ana, malamang walang parallel parking test 🙂 ingat lang sa right turn red, make sure you make a complete STOP. dyan ako nadali kasi yung turo ng asawa ko e yield lang. Ewan ko ba, wala namang humihinto talaga sa right turn red sa real life driving.

  7. lukin4gf Says:

    ankel, ha ha ha… ebersins ba eh indi mo na mabigkas ang parallel? signs yan ng adulthood he he he.. good luck sa driving.

  8. Junnie Says:

    eto tip: mag inarte ka lang sa pagtingin sa kaliwat kanan, para bagang i OA mo…gusto nila yan…

    seryus yang tip na yan…good luck pare…sana makuha mo yan…

    pagkakuha mo, after 2 days, pwede mong iverify dito kung pasado ka…

  9. Jet Says:

    CONGRATULATIONS MYLAB!!!

    galing galing! hehehe…

    turuan mo ko pag turn ko na ha

    labyu!

  10. Linnor Says:

    congrats!!! 😀 post a pic of your new car. 🙂


  11. thank you linnor – baka sa weekend, kuhanan ko ng picture pagkatapos kong linisin. medyo madumi na eh.

  12. Crispee Says:

    Nakakarelate po ako dito sa driving test na entry nyo. Dito rin po kasi sa japan eh hindi na valid ang Int’l Drivers License sa mga long term residents. Kailangan na rin itong i-convert to Japanese local license at obligadong pumasa sa written at actual driving tests. Eh talaga naman pong dadaan ka sa ‘butas ng karayom’ sa higpit at dami ng kaartehan sa testing center. Nandiyan yung halos mag-180 degree ang aking leeg para lang makumbinsi yung officer na ako nga ay lumingon muna sa sides bago lumiko…Sometimes over acting is the key to success. Good luck po

  13. Capt. Kupal Says:

    180 degrees? ano yon, exorcist?

  14. Demonyito Says:

    kahit di mo pa turn mylab, tuturuan kita.


  15. ka junnie – alam mo bang muntik na akong bumagsak dahil sa bwisit na OA na yan. paano eh nakalimutan ko ang payo mo at hindi ako nag OA, ayun – akala ng DMV rep eh hindi ako tumitingin. doon lang sa hindi pag OA – mga 10 mistakes na. i almost failed. hehehe.

  16. Fr. Jakolito Says:

    ang pag pronounce ng palaler? oo matagal ko nang di ito masabi – bulol ako eh.


  17. hi haydee. ako nadali sa mga intersection – hindi raw ako tumitingin eh halos mahilo na nga ako sa kakatingin. hindi nga lang OA. dapat sinunod ko ang payo ni junnie na mag over acting.


  18. hindi naman ako kinabahan, sis. pero marami pa ring nakita sa pag drive ko. pero pasado naman kaya yon ang importante.

  19. Isip Bagets Says:

    hi jenggay – nasubukan ko nang mag drive sa PCH ng tumutugtog ang “good vibrations” ng beach boys. it was kyul. salamat sa payo mo. hindi ko sinunod yung mag OA kaya muntik na akong bumagsak. next time, pag si jet na – ipapa alala ko ito sa kanya.


  20. hi jop,

    ang pangalan ng kotse ko? di ko alam. actually kay jet yon kaya siya na lang siguro ang magpapangalan. binilihan ko na rin siya ng GPS system para mayroong navigator sa kotse. mahina kasi ang sense of direction ni jet. naalala ko eh bumili ka nito – ano ba ang nabili mo?

    ingat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: