The other day when I was walking through the woods, I saw a rabbit standing in front of a candle making shadows of people on a tree

August 25, 2005

pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat – isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit’s hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?

Advertisements

No Responses Yet to “The other day when I was walking through the woods, I saw a rabbit standing in front of a candle making shadows of people on a tree”

  1. MarchOne Says:

    Una kong hinanap pagdating ko sa US of A—Epol, Apple…not the bunga but the puno.Nakagat pa nga ako nang langgam! (gettahelloutahere!).

    Wala ba squirrel dyan?

  2. jon Says:

    eh ung kuneho na magasin hehehe…

  3. Toni Says:

    Hahaha ang cute naman ng kwento mo. Marami ka pa sigurong makikita diyan. I heard a story na a deer was in my cousin’s backyard ata, tapos minsan fox naman. Parks and Wildlife right in your backyard!


  4. hi toni.

    i hope you guys are doing ok. alam mo last year, around february, jet and i were here for a visit and there was a mountain lion attack on a jogger just a few miles from where we live now. the person who was attacked died. well, they also killed the lion.

    ingat.
    jay


  5. squirrel? marami rin. ang paborito ko? hummingbird. para kasi silang mga bubuyog on steroids

  6. Capt. Kupal Says:

    hi jon.

    yung kuneho na magasin? oo nag subscribe na ako last week. hehe. $10 a year lang kasi. AHEM, i read it for the articles.

  7. Ninang Says:

    kunehong nasa magasin? kuneho sa upisina?

    Fafa, you’re not in Kansas anymore!

  8. Demonyito Says:

    KEEEEEE-WRECK, ninang. i’m in the rabbit’s hole and i took the red pill.

  9. carol Says:

    naku delikado ang kagwapuhan mo bossing batjay… pati kuneho walang lampas sa charm mu hehehe

  10. vince Sanga Says:

    naku, baka gusto dakmain ang carrot mo…ingat po, hehe

  11. Bong K Says:

    hi Jay,

    congratulations for your new layout (sorry at ngayon lang ako ulit naka bisita sa byutipool blog mo).. ang galing ng design, kaw ba ang nag drawing? (i know kay decoy yung caricature nyo ni jet sa gilid)..

    elibs talaga ako sayo bossing, despite super hectic ang skedyul and activities mo jan sa Ow-C ay nahaharap mo pa din ang yong blog..

    always take care and regards to jet!!!

  12. tony Says:

    aba buti naman at nagse setel na kayo dyan sa kali, balita ko lang me roling blakawts daw ngayon dyan. ganda ng mga postings at ideas mo dito pare, kaya ako naman pinoporward ko sa mga prends and klasmeyts ko site mo, enjoy naman sila sa pagbabasa.
    kung mainit dyan, dito kami sa houston, tx-pati ilalim ng kuko mo me pawis, pati tutuli mo umaagos sa init at humidity..hehehe

    tony

  13. Jop Says:

    bosing, baka kung yung blue pill ang inumin mo, eh baka ibang kuneho wonderland na yan.
    ako din takot sa wabbits, kase natakot ako sa kwento ni Roald Dahl na “Kiss Kiss”.
    saka ang hirap na makyutan nsa mga wabbits na yan. pano mga mukhang addik, pula ang mata!!!
    have a gud weekend bosing!

  14. Tin Says:

    nakakatuwa ang shift ng stories mo from pana, body odor, beef horfun at curry fish head to rabbits. hehe.

    ingatski.


  15. hi tin. hehehe… from body odor to rabbits. pwedeng gawan ng kanta yan.

    lapit na pala kayong dumalaw dito.

  16. Fr. Jakolito Says:

    JOP! may rabbit phobia ka pala. ano ba ang tawag sa mga taong may phobia sa rabbit? KunoBia? yung mga rabbit dito – mahilig sa barkada. nakatambay sila sa labas ng opis sa gabi.


  17. kamusta tony. nagkaroon nga ng rolling blackouts during the middle of last week. buti hindi apektado ang apartment namin.


  18. oh carol. oo, malakas ang appeal ko sa rabbit.

  19. Isip Bagets Says:

    vic sanga – masarap siguro ang carrot ko, kaya malakas ang appeal ko sa rabbit.

  20. Jungle Jay Says:

    bong k – IDOL! kamusta ka na? salamat sa pagdalaw. alam ko busy ka kaya makita lang kita ritong nagparamdam eh masaya na ako. ingat sir.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: