You haven't lived until you've died in California

August 22, 2005

interview with a friend after coming to america for the first time…

KAIBIGAN: nagpunta ka ba sa amerika?

BATJAY: oo pre, kakarating ko nga lang.

KAIBIGAN: saan sa amerika ka nagpunta?

BATJAY: sa california.

KAIBIGAN: ano nakita mo roon?

BATJAY: kalye pare, putangina, puro kalye.


dahil nga puro kalye rito sa california eh kailangan may kotse ka kung gusto mong mabuhay. para makabili ka ng kotse, kailangan mayroon kang insurance. para makakuha ka ng insurance, kailangan mayroon kang california driver’s license. para makakuha ka ng california driver’s license, kailangan mayroon kang social security number. nakuha ko na ang aking social security number last thursday. ito ang ginamit ko para makakuha ng driver’s exam kanina. dalawa ang mali ko sa written exam pero, aleluya preys bitugad dyeee-suz, pasado naman. may license number na ako na pwede kong gamitin para makakuha ng insurance. may nakausap na akong insurance company kaya kapag may available nang kotse this week, mai-uwi na namin ito. kapag nakuha yung kotse – ayan, masaabi ko ng tunay na kaming residente ng kalipornya. AMEN.pinoy nga yung nag check ng exam ko sa DMV. mabait ito at matulungin. tinanong pa nga niya sa akin kung taga saan ako sa pilipinas. medyo natulala ako kasi di ko agad ma-associate ang bayang magiliw sa empleyado ng department of motor vehicles ng america. it took me a while to say na taga antipolo ako. isang dahilan kung bakit masarap dito sa california? kahit saang sulok may noypi at yung iba sa kanila ay matulungin.

mahirap ba yung driving exam? hindi naman. may mga trick questions pero karamihan ay practical at common sense questions. may online pa na tutorial sa DMV website at karamihan sa mga tanong dito ay lumabas doon sa actual test. halimbawa ng tanong:

kung ikaw ang liliko sa kanan at may tumatawid na matanda, ano ang gagawin mo?

A. sasagasaan mo tapos aatrasan para siguradong patay at pagkatapos ay tatakbo ng mabilis para di mahuli ng pulis

B. hihinto ka sa harap ng matanda, bubusinahan, sisigawan at mumurahin para maglakad ito ng mas mabilis

C. hihinto ka dahil ang pedestrian ang may right of way at all times.

no brainer ano?

Advertisements

No Responses Yet to “You haven't lived until you've died in California”

  1. DarkBlak Says:

    gud luck!!!

    sa dami ng kalye malamang walang traffic na kagaya ng sa Manila 🙂


  2. believe me, parang malaking parking lot ang mga freeway minsan dahil bumper to bumper ang traffic. buti na lang 5 minutes away lang ako sa opis.

  3. MarchOne Says:

    Kainis!Living the american life na!Kami dito livin la vida loco loco na sa manila!Basta! hapi ako walang rally dito sa neigborhood namin sa Ayala Avenue lately. Feeling Amerika din dito sa salcedo village…daming expats.


  4. minsan nami miss ko ang ingay at traffic ng maynila. minsan lang naman. feeling pilipinas din dito sa orange county… daming pinoy.

  5. kulotski Says:

    Subukan mo pumunta sa Glendale Mall one weekend. Para kang na-twilight zone. Akala mo nasa Megamall ka sa dami ng masasalubong mong Pinoy.

  6. jeff in va Says:

    You’re daily experiences is “THE REAL O.C.” !

  7. tin Says:

    very neat site kuya batjay! ayos ha!

  8. Jet Says:

    Congratulations mylab!

    Isa ka nang tunay na drayber dito ngayon… hehehe

    Labyu!

  9. Junnie Says:

    wow! 2 rin mali ko….1 sa skills, 1 sa signs…

    eto mali ko sa signs – alam mo na siempre sagot ko…malamang yun din sagot mo??? heheh

    Eto o.

    Di rin ako nakakaikot diyan. Ala akong tsikot. Buti na lang napahiram ako ng opisina, mamahalin naman , at panay silip ko sa Parking Lot at baka natangay na….ingat tsong, kitakits!

  10. Mrs.A Says:

    Did you take the driving test? I mean, pinagmaneho ka ba nila? Madali lang ba?

    Baka kasi mag-take na rin ako within the next two weeks…

  11. herminia Says:

    Just a little advice. Guard your social security number with your life. I hope you did not make your SSS# as your driver’s license number. Don’t ever give your SSS# unless it is really required for example, health/car insurance, employment, banks, simply put, security of your personal info because of identity theft. Ask what other ID you can provide other than your SSS#. Just my two cents advice. America is land of opportunity for both good guys and bad guys as well. Protect yourself.

  12. hazel Says:

    was in california for a month, and i just have to say na when i got back home, sobrang natetensyon ako sa mga kalye ng pilipinas.

  13. gail Says:

    bwahahaha. no-brainer nga… eh, di B. tunay na pinoy ako eh. tapos sasabihin pa ang mapagmaliit na “Asians…”

    congrats sa pagpasa, kuya batjay. si ate jet, nagtake rin ba?

  14. jenggay Says:

    batjay,,,
    ingat sa kalsada…gudlak mental blak sa “car chase” mala hollywood movies sa South!

  15. rolly Says:

    Anong kotse ba bibilhin mo? Sana yung at least kasya tatlo ha. Kasi pihadong isa ka sa magpapasyal sakin pag napunta ko ng tate. Hindi ko nga lang alam kung kelan. Teka, anong araw ba ngayon, Tuesday…Wednesday.. Thursday — aha, mga 15 years from now!

  16. roselle Says:

    bago na pala ang layout!tagal ko nawala napaka-efficient kase ng mga tao sa pilipinas tagal sira ng linya ng telepono namin (at ako pa ang nag-ayos kanina lintek na buhay ito)…

  17. Venus2005 Says:

    Hi BatJay,

    Wala ka na pala sa singapore..ako nandito pa rin at nabuburo na.. Pero salamat at patuloy pa rin ang blogs mo dyaan sa California.
    Nawa eh patuloy pa rin ito dahil nakaka aliw ang mga articles mo at the same time talagang beneficial.
    Dyaan ko din gusto mag settle in the future so ano ba ang maipapayo mo para makarating din ako dyaan.. ang linya ko is IT-client server analyst programmer at 5 taon na ako sa singapore.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: