Is it time to go home yet? I keep clicking these damn shoes, but nothing happens

August 11, 2005

kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin – may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na’t novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we’ve gone a long way – ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it’s really cool.

yan pa ang isang salitang medyo napapangiwi ako pag naririnig ko rito sa amerika – “cool”. tumitindig nga ang balahibo ko pag naririnig ko ang sarili kong magsabi ng “cool”. parang “jakol” ang naririnig ko at gusto kong matawa ng malakas. anyway, malapit nang matapos ang home improvement namin: tatlong cabinet na lang at isang TV shelf ang gagawin. so far, mukhang bodega pa rin ang apartment namin dahil puro kahon sa living room. pero marami na talagang nadagdag – yung kitchen namin ay kumpleto na. si jet halos lahat ang nag-ayos nito. bukas may mga darating pang mga ibang furniture. in two weeks this apartment will feel like home. i swear, (ala scarlett o’hara na may hawak na lupa) as god is my witness.

Advertisements

No Responses Yet to “Is it time to go home yet? I keep clicking these damn shoes, but nothing happens”

  1. GMARC Says:

    Ka Batjay,
    may ususerang kapitbahay ka bang nakaencounter? di ba dito sa pinas pag bagong lipat may mga kapitbahay na lalapit kaagad at tutulong o bubuwisit agad sa iyo?

    God bless
    isa mong tagahanga

  2. glo Says:

    hi manong batjay!

    good to hear that you your labs jet are starting to “get the feel of home” dyan sa USA. i still look forward to the good, funny posts in this blog. palagay ko, kahit saan kayo mapadpad na dalawa, masaya at mbilis maka-adapt.

    God bless sa inyo!

  3. lukin4gf Says:

    unkle alam ko sa states pag me bagong kapitbahay eh parang me thanksgiving he he he.. madami na ba pumupunta sa inyo at nagpapamudmod ng madaming fuds mostly cakes.. maKIKIkain sana ako he he he.

  4. usagi Says:

    manong batjay
    kamusta naman ang neighbors sa isang apartment may naghatid na ba ng apple pie para iwelcome kayo?

  5. The Ca t Says:

    bat,
    ibig mong sabihin, walang ref. yan?
    Hindi ba semi-furnished, na may ref at may stove?
    di bale ang washer at dryer. pero standard yata yan dito. don’t know.

  6. Jet Says:

    Talagang starting to feel like home na mylab. Lalo ngayon we have a dining table. We can have our meals in luxury in full view of our still-packed boxes… hehehe.

    Basta, nakikita ko na. This will be a great place for us and our friends. And I’m hoping we’ll have a lot of them here.

    Labyu!

  7. Rey Says:

    batjay welkome,mag fishing tayo nang tilapia dito sa Salton sea pag may fishing pole kana, ako net ang gamit ko mas madali huwag lang mahuli nagn warden .

  8. sis Says:

    kewl! palakpakan for bat & jet! 🙂

  9. kathy Says:

    mura na nga yan. dito sa oc hindi talaga kasama ang ref sa upa kaya bibili ka o mag lelease ka sa management mga $35 to$40 din a month. kasama pa ang washer and dryer good deal nga talaga yan.brand new pa wow.


  10. hi kathy.

    mayroon kaming nakita na mga apartments na included na ang ref and washer/dryer. but you’re correct, most of the apartments rent it out. ang average ay around $70 a month for all three. kaya nga when these items were offered to us, binili na namin.


  11. hi sis. thank you, thank you. bakit ka nga pala pumapalakpak.

  12. Capt Kupal Says:

    hi rey.

    bakit hindi. gusto ko ngang makita ang salton sea dahil na feature ito sa national geographic a few months ago. nabasa ko nung nasa singapore pa kami. i know it’s dying and unless somebody does something, magiging giant imburnal ito soon.

  13. Demonyito Says:

    hi ate Ca T.

    mayroong mga furnished, mayroong wala. yung nakita namin ay walang washer/dryer at ref, pero may microwave, stove at dishwasher. iba iba ang deals sa orange county, i guess.


  14. epols pie? wala. di ata uso rito ang welcome to the neighborhood. pero ok lang dahil tahimik naman ang kapitbahay namin sa ibaba.

  15. Fr. Jakolito Says:

    thanksgiving? sa november pa yon. hehe. di na uso ang welcome sa kapitbahay. pero sa kaibigan, ok. we’ve had welcome lunches and dinners already from our close friends from here.


  16. hello ate glo.

    musta na sa mundo mo? maraming salamat sa bati mo. i too look forward to your comments dito. sana nga maging at house na kami rito agad. masaya naman kasi excited kaming mag-asawa sa lahat ng bagong nangyayari sa buhay namin.

    yung ice maker nga lang ng ref namin, napagtripan ko pa.babaw talaga kaligayahan ko.


  17. usaserang kapitbahay? wala. pretty much, bahala ka sa buhay mo. pero i like the hi, hello and good morning greetings with strangers. at least refreshing kaysa sa shy people from asia na hindi bumabati.

  18. Isip Bagets Says:

    hello mylabopmayn!!!

    na enjoy mo ba ang dining table ang chairs? sana maka buena mano tayong kain this weekend. may darating nga pala ngayon na mga gamit.

    ingat ka. lab U!

  19. haydee Says:

    Cool! hehehe
    ang sarap ng mga bagong gamit. Pero high tech nga ang ref nyo. kasi ang ref dito sa apartment namin walang sariling ice maker e hehehe


  20. hello haydee from do you know the way to san jose. kung gusto mo ng yelo, ipapadala ko sa iyo by mail. bigyan mo lang ako ng self addressed envelope with stamp. ingat!

  21. vangie Says:

    sayang walang pictures! sige, pag-nakumpleto na lang. have fun furnishing your new abode!


  22. hi vangie.

    i do have some pictures. well, i have a lot of pictures – i just haven’t found the time to work on them. perhaps once we fix everything and are settled.

    ingat!

  23. Crispee Says:

    Manong Batjay ohayo gozaimasu. Nabasa somewhere na nakarating na rin pala sa Tokyo. Kaya pala medyo nakaka-relate kayo ng nihonggo. BTW, alam niyo na rin ba ang site na ito? http://barangaywireless.net/ Regards kay manang Jet

  24. Yasmin Says:

    Kewl!

    Sabi ng pinsan ko dati, di daw siya nagkakakulangot sa Amerika. Ikaw din ba? Hahaha.


  25. asamateropak, nangungulangot pa rin ako rito sa amerika. sarap nga eh. hehe.


  26. hi crispee. nasa japan ka ba ngayon? i love japan. lalo na ang tokyo at osaka. great place to visit. i love the food and the people.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: