"So she poured out the liquid music of her voice to quench the thirst of his spirit."

August 5, 2005

nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti – $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako – credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito… maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.

ano ba ang “luslos” sa english? “hernia”, di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation… bakit “hernia” ang tawag sa “luslos”? di ba dapat “himnia”, kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw “doberman” ang tawag sa “doberman”. bakit daw hindi “doberdog”. ayun simula noon, “doberdog tirik” na tuloy ang tawag namin sa kanya.

Advertisements

No Responses Yet to “"So she poured out the liquid music of her voice to quench the thirst of his spirit."”

  1. Anna Says:

    Meron po akng nakitang sagot sa tanong ninyo.
    See http://www.medicinenet.com/hernia/article.htm

    Pero hindi rin po nila sinagot bakit Hernia at hindi himnia or hisnia (pwede rin ba yon?).

    Sino ba kse ang nag iimbento ng mga salita? meron po ba kayong sagot don Unkyel BatJay?

  2. sis Says:

    picture this: during the UNenlightened period (btw i didn’t say that that period has already ended), one UNenlighted guy woke up to a HUGE, uhm, betlog. in a flash he remembered what happened to him last night, and panic-stricken, pointed at the woman in bed and went– ‘HER!…nyaaaaahhhhhhhhhh’.

    so there. maybe because some UNenlightened guy at one point thought it was partly HERfault.

  3. herminia Says:

    I know why its called hernia. The medical field recognized that there are more women with anus hernia than men’s betlog hernia ergo that name. Just a trivia, NOT.


  4. did you mean “NUTS”? i am saying this because you know that we gentlemen are full of it.

  5. The Ca t Says:

    bat,
    masaya ito,
    kuwento mo lahat ang mga bagong salta mong expweryens. let’s compare notes. hehehe

  6. Barb Says:

    Congrations on getting an apartment! 🙂

  7. kat Says:

    Congrats sa inyong first apartment!! Glad everything went through!

    At least your rent over there is decent. NYC apartment prices are horrendous. $1250 is considered a steal for a 350 sq ft. studio! Don’t worry! It gets better!

  8. haydee Says:

    glad you found an apartment. that’s not bad for a 1 bedroom, may washer and dryer na yan in unit dapat tama?

  9. rolly Says:

    Di bale, ang kasaysayan naman ng lahi, satin nakapangalan – history!

    My sister was operated on for hernia when she was a young girl. Hindi lang lalake ang meron nyan.

  10. AYEZA Says:

    yehey happy lipat hehehe

    totoo ba yun sabi nila pag unang araw ng paglilipat kelangan number 8 tapos madaling araw tapos kelangan asin at bigas ang unang ipapasok sa bahay hehehe

    ba ewan ko.

    basta hapi lipat 🙂

  11. owen Says:

    tuloy-tuloy na yan sir! you can start a home now in orins kawnti!

  12. gil Says:

    Sir Batjay,
    natanong din ako ng anak kong 4yo, may aso akong doberman babae,
    bakit daw Doberman eh babae? dapat daw doberwoman

    nakikisali lang…


  13. sige na nga. sabihin mo na lang eh pag lalaki – dobermandog, pag babae – doberwomandog.

  14. Capt. Kupal Says:

    oo nga growen. sana nga tuloy tuloy na. at least as far as i can see, we’re moving along nicely.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: