Why does Sea World have a seafood restaurant?? I'm halfway through my fish burger and I realize, Oh my God….I could be eating a slow learner

August 3, 2005

ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago – balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin – nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.

if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don’t have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.

Advertisements

No Responses Yet to “Why does Sea World have a seafood restaurant?? I'm halfway through my fish burger and I realize, Oh my God….I could be eating a slow learner”

  1. Paul Says:

    Nagulat din ako sa mahal ng upa sa bahay diyan. Ilang square feet ba ang typical apartment sa Orange County?

    I suppose the next step for you is to get a driver’s license.

    Good luck sa house-hunting! Ingat kayo.

  2. kenji Says:

    bakit po pati legs naka crossed? dahil ba dun sa bading? ahehehehe Good Luck sa Apartment Search!

  3. Toni Says:

    sige i’ll cross my eyes din for you!

  4. kat Says:

    good luck on the apartment-hunting! hope you get the news digs!


  5. hi kat. thanks. its so hard to get housing when you’ve just arrived and you don’t have any history – credit or otherwise.


  6. AYOS toni. maganda yan. dadami ang pera mo kasi doble ang kita.

  7. Capt. Kupal Says:

    bakit naka cross pati legs? para double swerte at saka para ipitin.

  8. Demonyito Says:

    hi paul.

    depende sa size ng apartment. malalaki naman. yung mga over 1000 sq ft ay medyo mahal. depende rin sa area. as you move closer to the coast, nag mamahal ang halaga. pag mas bago, mas mahal. kaya mag malaking bahay na bago na malapit sa dagat – milyong milyon ang halaga.

    kung alam lang namin na ganito ang magiging situation sa california, sana nagpunta tayo rito nung mga 1970’s ang nagspeculate sa land.

  9. kathy Says:

    Goodluck sana makuha niyo yung apartment.

  10. Jet Says:

    Hello mylab. Tagal ko na din hindi nagco-comment dito. And I expect magiging busy pa din in the coming days. Pero pag nakuha natin yung apartment at nakalipat tayo this weekend, next weekend, pwede na tayo magrelax ng konti. Excited na nga ako lumipat at mamili ng mga gamit para sa flat natin e. Magiging paboritong pasyalan ko nga ata ang Target… hehehe. 🙂

    Labyu mylab!

  11. Engr. BatJay Says:

    hi kathy. thank you – sana nga ay makuha ang apartment by the weekend.

  12. Fr. BatJay Says:

    helloy mylabopmayn.

    may kaunting problema raw sa application. as usual, naghahanap na naman sila ng reference in the absence of a social security number. pinakausap ko na sa HR and i hope they can do something about it.

    we’ll find out this afternoon. huwag kang mag-alala, maayos rin lahat ito soon enough.

    lab U!

  13. rolly Says:

    Sana nga makapag-settle na kayo agad. Mas masarap ng magpahinga pag alam mong wala ka ng iniintindi pa e.

    hehe patio – duck. Natawa ko dun ah. Never expected that.


  14. hehehe… ang aga ng gising ni tito rolly. almost 5 am in your part of the world.

    yung “patio” parang homosexual duck ano?

  15. bongk Says:

    Sir, i know soon you’ll be settled in your new “home”, walang pinoy na hindi marunong dumiskarte sa ibang bansa, eh ikaw pa, isang pitik lang ng kulangot bibiyayaan ka agad ng “swerti”.

    i wish you and jet the most comfortable abode you both deserve.

  16. tsupaeng_69 Says:

    Batjay,
    Tuwang tuwa talaga ako sa blog mo. Kagabi eh napadaan kami ni misis sa takashimaya at napabili na naman kami ng Beard Papa Cream Puff na ifineature mo dito dati. Hinde naman masarap pero parang masarap na rin dahil ikaw ang nagrecommend.

    Goodluck sa inyo ni Jet dyan sa US. Nabasa ko rin ang blog ni Jet at nakita mga pics nyo. Ang sweet nyo talaga.. Bigla ko tuloy inaya wife ko for a date last night at medyo napuyat na rin maaga.. ehehe… Salamat sa inspirasyon.. Idol!!!

    Humahanga,
    Tio Paeng

  17. Haba ng Dila Says:

    buti naman at nakakain kayo ng beard papa sa takashimaya. buti at nag date din kayo ng asawa mo. tama yan, para dumami ang pogi points mo sa kanya.

  18. Isip Bata Says:

    Ka Bong K!!!

    maraming salamat sa iyong magandang salita sa aming mag-asawa. nakakita na kami ng place to stay. isang maliit na apartment na malapit sa opis. sana mag enjoy si jet dito ng husto.

    ingat na lang diyan sir at kamusta na lang sa inang mo.

    Jay

  19. Lynne Says:

    Shocking naman ang renta dyan halos one year salary ko na yon a….yong mama siguro akala bading ka din kaya mabait sa iyo….sabi ko na nga sa iyo mukha kang bading hindi macho e….sige ingat na lang kayo ni Jet, tatawag na ako kay Mommy…nagbasa muna ako para may makwento ako…

  20. Jakolito Says:

    salamat lynne. pakisabi na lang sa mommy ko na ok kami rito at baka makatawag na kami sa weekend. hoy, lalaking lalaki ata akow… ngehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: