The story of life is quicker then the blink of an eye, the story of love is hello, goodbye

June 30, 2005

last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

Advertisements

No Responses Yet to “The story of life is quicker then the blink of an eye, the story of love is hello, goodbye”

  1. DarkBlak Says:

    ingats sa byahe and more blogs to come 🙂

  2. roy Says:

    Hi Jay :

    Good Luck in your stint in the US. I am sure you will also enjoy west coast. Madaming Bands ang tumutugtog doon. Anyway if you are going to Manila before flying to the US, and you have time invite ko kayo ng wife mo para sa isang beer habang tumutugtog ang Jerks. Email me na lang . Again, Good Luck

  3. mari Says:

    hi fafajay!

    good luck sa byahe nyo ni jet. kelan pala kayo ng pinas?

  4. jon Says:

    uy dun pala na-derived un! nung una di ko nga alam relasyon ng rubber shoes na adidas sa paa ng manok hehe… ma natutunan na naman akong bago… anyway, goodluck uli sa pagpunta nyong mag-asawa sa bayan ni unkyel sam… will wait for the “kwentong tambay sa cali”…

  5. airwind Says:

    ingats mo … tagal na rin kong di nakakabisita…

  6. Luchie Says:

    Hello Mr. Batjay! It is sad that you and wife will be leaving Singapore. You were the first one I met in blogosphere who stay here in SG.
    And also the jokes….
    Anyhow, Good luck and God bless!

  7. Jepoiski Says:

    e di mapapalitan na po pala yung nakalagay sa blog heading mo ng Yunayted Isteyts…. ingat po sa bagong chapter ng inyong buhay!

    Rock on!

  8. tin Says:

    na senti ako tito batjay… 😦

  9. transience Says:

    good luck, be well, best wishes and all that jazz.

  10. gail Says:

    hanef sa legacy ah! hehehe

  11. owen Says:

    all the best to you and jet!

    see you!

  12. con Says:

    Godbless sa bagong mundo nyo ni jet! nasenti din ako…

  13. ronn Says:

    Sir kahit na hindi mo po ako kilala, bahagi ka na ng mundo ko kasi weekly kong binubuksan ang webpage mo, fans nyo na po ako hehehe..

    Goodluck po sa inyo..

  14. Jet Says:

    I feel for you mylab. Nung una tayong napadpad dito, the way I felt for Singapore was anything but home. Who would think that 4 years down the road, malulungkot din pala ako sa pagalis natin dito.

    Thank you Singapore. You have been very kind.

  15. rolly Says:

    Nakakalungkot nga yan. I hate goodbyes. Buti walang iyakan, no?

    Teka, di ba kaya “adidas” kasi paa? E ang adidas e sapatos nung umpisa? hindi ko alam na may kinalaman yung logo. May natutunan na naman ako sayo. hehe See you in a couple of days, bosing!

  16. angelito fernandez Says:

    hi nick. i’m sure you won’t remember me but here goes. we went to elementary and high school together. my name’s angelito fernandez. umalis ako papuntang u.s. noong 1981. i think i’m the third guy from the left in the back row of the class picture you have in your yahoo group. i’ve been living here in southern california since ’81 and haven’t had the chance to go back and visit home. nandito na kais kaming lahat. i won’t make this too long. hope you see this and e-mail me if you can or if you remember
    who i am. thanks. take care.

  17. arenar Says:

    Wishing you all the best for the next chapter in your life … God Bless!

  18. auee Says:

    akala ko tumulo ang luha ko sa makabag-damdaming sulat mo… sipon pala…

    goodluck uli!

  19. botchok Says:

    idol, mukhang kelangan mo na din palitan yun sub header (eto ba tawag dun) ng site mo.. dapat yata, “mga kwento ng isang tambay na engineer”.. nde na yata appropriate yun “sa singapore”.. =(

    sige po, goodluck and God bless!

  20. AnP Says:

    goodluck na lang sa inyo ni Jet.


  21. Haring David….Bon Voyage!!!!

    I urge you to continue blogging…kaaliw e. Kahit gabing gabi na e I still visit and catch up sa stories mo….

    By the way based din ako sa Singapore…three years na kami dito ng pamilya…

  22. kiwipinay Says:

    nakakalungkot nga talaga kuyang lalo na yung significance ng pag-surrender ng i.d. (di ka ba naiyak?) 4 years is 4 years. kahit paano, kahit mga kupal mga kasama mo, mami-miss mo rin siguro sila. pero pihado ako, lagi ka nilang maaalala tuwing oorderin nila ang “adidas”. nyehhehehe!! … lapit na…

  23. badz Says:

    Kaya ka siguro di naiyak nung nag-surrender ka ng ID kasi malaki pabaon sa yo ng company ano? =)

    ‘Niweys, good luck sa bagong adventure. Baon ka nga pala ng madaming curry powder, mahal dun yan eh.

  24. kenji Says:

    na alala ko adidas.. betamax.. helmet.. and IUD… mga pinoy talaga creative lolz

  25. evi Says:

    You may be moving here and there but there’s only one place that you will always remain and that’s here — your larger than life cyber corner.

  26. Joel Says:

    Only For A Reason

    People come into your life for a reason, a season, or a lifetime. When you figure out which it is, you know exactly what to do.

    When someone is in your life for a reason, it is usually to meet a need you have expressed outwardly or inwardly. They have come to assist you through a difficulty, to provide you with guidance and support, to aid you physically, emotionally, or spiritually. They may seem like a godsend, and they are. They are there for the reason you need them to be. Then, without any wrongdoing on your part or at an inconvenient time, this person will say or do something to bring the relationship to an end. Sometimes they walk away. Sometimes they act up or out and force you to take a stand. What we must realize is that our need has been met, our desire fulfilled; their work is done.The prayer you sent up has been answered and it is now time to move on.

    When people come into your life for a season, it is because your turn has come to share, grow, or learn. They may bring you an experience of peace or make you laugh. They may teach you something you have never done. They usually give you an unbelievable amount of joy. Believe it. It is real. But, only for a season.

    Lifetime relationships teach you lifetime lessons; those things you must build upon in order to have a solid emotional foundation. Your job is to accept the lesson, love the person; and put what you have learned to use in all other relationships and areas of your life.

    Thank you for Unkel batjay being a part of our cyberlife. God bless you & tita Jet.

  27. BatJay Says:

    thanks for the comment guys.

    i’m sorry if it’s a bit late – medyo busy lang dahil sa big move. i appreciate the feedback as always. sana pag lipat namin ay makapag blog pa rin at sana naroon pa rin kayo na kasama namin.

    sasagot ako ng mas matino sa susunod na comment ninyo. medyo magulo lang talaga ang mundo ngayon.

    ingat and until next time!

  28. len Says:

    Welcome to the US Kuya Jay…i’m sure magkakaroon ka rin ng maraming-maraming friends dito at magugustuhan mo rin dito.Malungkot talagang umalis sa lugar na naging part ng buhay mo for 4 years..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: