A CREAM PUFF INTO A SIGH OF SENSIBILITY

June 28, 2005

isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na “beard papa cream puff” . ito ang type ng cream puff na gusto ko – hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman – sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.

1. punta sa beard papa at bumili ng isang box ng cream puff. pag dito ka sa singapore bumili, may promo: buy five get one.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #1

2. pero siyempe siguraduhin muna kung beard papa ang brand – hanapin ang picture ng unanong dwendeng kulay berde sa box.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #2

3. pag may dumating na kabarkada, mang inggit. pwede ring mang asar – “gusto mo?” sabay dura sa cream puff ng pabiro.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #3

4. ilabas na ang cream puff sa kahon at pagmasdan muna ng sandali at magdasal… ‘bless us o lord for these thy gifts, enso on enso port’.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #4

5. isubo na agad ang cream puff at baka maunahan ka pa.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #5

6. ang lakas talagang makademonyo ng beard papa cream puff. nakaka addict kasi ang lasa.

HOW TO EAT A CREAM PUFF #6

Advertisements

No Responses Yet to “A CREAM PUFF INTO A SIGH OF SENSIBILITY”

  1. fr|day Says:

    wow naman parang ang sarap nyan a.. meron po ba nyan sa pinas? o kaya nagdedeliver ba sila papunta sa pinas? =)

  2. Jet Says:

    Buy 5 get 1? Di kaya lugi ka dun? Aaah… buy 5 get 1 free… hehe. Joke, joke!

    Actually ako lugi e. Dahil bawal saken, you get to eat all the nice things to your hearts’ content. Pero ok lang. Labs naman kita e. šŸ™‚

  3. DarkBlak Says:

    tamang tama nakain ako ngayon ngpanderasyon….. isipin ko na lang “papa beard cream puff” ‘to!! hindi eh, pimiento pa rin, hehehe

  4. dinah Says:

    meron nyan dito sa Robinsons Galleria. P50 each

  5. jon Says:

    parang me nakita kong shop nyan sa basement ng takashimaya… matikman nga yan pag napunta kami ni misis at baby namin sa orchard…

  6. Y Says:

    I’m not too fond of their cream puffs, but I love their eclairs and that other chocolatey muffin thing (silly forgetful me that’s what I buy all the time). They got those great tasting cheese cakes, too.

    Japanese people really comes up with great tasting food! Takashimaya is one good place to go to when you want to have a japanese food binge in Singapore.

  7. trotskybee Says:

    Interesting…merong mga chekwa (baka Singaporean) na nagtitnda niyan dine tuwing open market/flea market days. I don’t have a basis of comparison kung magkasing-lasa sila ng beard papa pero masarap nga – melts in your mouth (oh…wag kung anu-ano isiisip!).

    Tito Batjay – hawig mo si Dennis Padilla (hmmm…ano kay magiging reaction mo?).

  8. Achilles Says:

    Nakatikim na nga ako nyan last month, maihilg sa kung anu-anong pastry ang mga Japanese. Masarap nga sya, di ko lang ma-describe ang lasa…

    Dito sa Pinas, ok na ako sa tortang talong, or sunny side up/scrambled egg, or fried fish, or corned beef w/ egg, samahan na lang ng kanin at coffee. Kakatamad bumili sa bakery sa umaga, hehehe.

  9. Len Says:

    kuya jay, husay mong endorser a!…si efren reyes ang kamukha nya..hehehe…


  10. Masarap ang yan! Pero wag mo patatagalin. Ika nga eat it while it is hot! Pag lumamig na di na sya puff! Meron yan sa Takashimaya basement. Kasabay ko noon si Philys Quek (artista dito sa Singapore) bumili….nasa likod nya ako at libang na libang ako sa pwet este puff!

    Alis ka na pala…punta ka na US of A…am I going to expect another kwentong tambay blog from Southern Cali naman?

  11. Gigi Says:

    My sisters said BP has a branch sa Manila (Robinsons yata), but expensive (at hindi masarap daw).

    My sister here went to the NY branch — and brought home three boxes (but didn’t give me a single piece — suwapang!).

    Good news: They’re opening up 2 branches in So. CA soon; one in Gardena (where there is a large Japanese-American community) and the other in Hollywood & Highland. Now for the not-so-good news: we’ll have to drive to get there. Gardena is nearer to OC, but it’s still about a 45-minute drive. But BP is coming!!!

  12. pamcake Says:

    Hi Jay,

    sarap ng beard papa ah! heheh!

    Tanong ko lng po…may alam ba po kayong murang accomodation sa Singapore. Kasi dadating mga magulang ko sa july 10 para umattend ng graduation ko.

    ~pam~

  13. jacks Says:

    oo nga, meron nga nyan sa robinson’s galleria!hmmmm, matikman nga…

  14. monicai Says:

    pagkakagat pa lang ni jet takam na takam na ako. dapat 6 ways to eat BP cream puff: 6. Post to blog at mang-inggit ng mga readers.

  15. rolly Says:

    Masyado mo naman akong tinatakam. Bawal pa naman sakin kumain ng maraming ganyan. Di bale kontento na kong nabusog ka. Sa sarap, I’ll take your word for it. Hindi ka pa sumablay sa kin kung ano ang tunay na masarap e. Lahat ng ini recommend mo sa kin nagustuhan ko.

  16. kat Says:

    I *love* Papa Beard Cream Puffs!!! I can eat like 3 in 5 minutes! hahaha….


  17. hi kat.

    it’s great with coffee, isn’t it. but i don’t drink coffee anymore so a cold glass of water with beard papa cream puff… heaven.


  18. ayos ba tito rolly. kain tayo pag uwi namin next week. ngyehehe. tamang tama, samahan natin ng masarap na tea. tapos balut naman ulit. tapos carlos uno!

  19. Capt. Kupal Says:

    hi monicai,

    si jet ang asawa ko. ako ang kumagat, ang pangalan ko ay jay. mukhang nakainom ka ata, hehe. six ways naman talaga ang ways to eat the cream puff na nilagay ko. yung ika 7th nga pwedang para mang inggit sa mga readers.

    ingat!

  20. Drakulito Says:

    hi jacks. sige subukan mo, masarap yan. sana pareho yung quality ng katulad ng dito sa singapore.

  21. Engotski Says:

    i pamcake.

    congratulations. galing mo naman – i am supposing you will find employment in singapore as well. good luck! my neice sara is also graduating this july at NUS. she got her masters in international law.

    may mga bed and breakfast hotels all around singapore na pwede silang tumuloy. mayroon ding mga murang hotel in and around china town that are nice and cheap. OR, you can also get a package deal from the travel agents in the philippines. normally malalaki ang mga discounts nila.

    ako? first two weeks ko sa singapore ay sa hotel 81 sa geylang.
    jay

    ps. sarap ng beard papa ano?

  22. myPrecious Says:

    fave ko (na) din yan… my friend is working there kasi (Pinas branch). masarap naman talaga…

  23. Paul Says:

    May branch pa sila sa Greenhills (ang kauna-unahang tindahan nila dito) at sa SM North EDSA.

    Tama si dinah, PHP 50 ang isa, PHP 55 naman kung may chocolate or other coating.

  24. monicai Says:

    sorry po, it was the dyslexia posting sa post. papabili ako sa boylet ko ng papa beard kung gusto niya makascore….sa game ng tongits. harharhar.

  25. toni Says:

    May ganyan din dito sa Greenhills naman. Ako naman na-rich-an masyado! Pero masarap pa rin in small doses. A nice luxury every now and then. šŸ˜€

  26. Ergo Tantum Says:

    sige monicai, pabili ka ng limang beard papa cream puffs para mayron siyang libreng kiss.

  27. Fr. BatJay Says:

    hi toni.

    one or two at a time. mayron nga raw sa greenhills. sana pareho dito sa singapore ang quality. it really is good.


  28. hi paul.

    sa greenhills pala ang unang store. i remember you featured beard papa a while back in your old blog. nag comment pa nga ata ako. at mayroon pa palang coating na chocolate. parang hindi bagay. dapat cream puff lang talaga para unadultered.

  29. Haring David Says:

    hello yourPrecious.

    so your friend works at beard papa. may libre ka bang cream puff once in a while?

  30. Icarus David Says:

    hi saint gigi.

    yes, according to the comments there is a branch in the robinson’s mall and at greenhills. hey, not far from each other. and it’s 50 pesos a pop. that’s expensive expecially if you compare it to the prices of what you can get for that amount in the philippines. but still cheaper than in singapore. over here it’s $10 for a box of 5. so, its about $2 per puff – around 66 pesos.

    i also heard about the california branches to be opened up from ate sienna. so, we can still get it even if we move. that’s great!

  31. Jungian Lord Says:

    hello masteroppuppets.

    i love your call sign. it sounds like a metallica song. sa takashimaya basement nga kami parating bumibili, sabay bili na rin ng octopus balls sa tapat nito. hehe. perfect snacks.

    oo sana makapagblog pa rin pag lipat namin. pag wala nang oras, baka mabawasan na or mawala nang tuluyan ang blog ko.


  32. hi len.

    oo nga endorser ng mga masasarap na pagkain. that’s me. hoy, hindi ko kamukha si efren reyes. ngyehehe. baka si connie reyes pa.

  33. Lord Pogi Says:

    hi achilles.

    mas gusto ko rin ang tortang talong, lalo na yung gawa ng mommy ko.


  34. hi trotskybee.

    hindi ko kamukha si dennis padilla. mas lamang ako sa kanya ng mga tatlong paligo. hehehe. school mate ko siya actually, ahead sa akin ng mga 3 years. classmate ko ang younger brother niyang si glenn simula kinder hanggang high school. kilala ko rin ang mga iba niyang kapatid. medyo mahilig kasi ang tatay nilang si dencio – kaya walo ata silang lahat na magkakapatid. at oo nga pala – mabait ang mommy nila.

    ingat.


  35. hi Y. yes, we go to takashimaya when we crave for japanese food. then we spend a long time at kinukoniya.


  36. hi jon. oo sa basement ng ang takashimaya ang bilihan ng beard papa. subukan mo one of these days.

  37. Pinoy Torero Says:

    hi dinah.

    long time no hear. kamusta ka na? sana ay ok na ok. oo nga, 50 pesos a pop sa pilipinas. ang mahal ano.

  38. Quiroga Says:

    hi DB. ano b ang panderasyon? cheese pimiento sa pandesal? naalala ko tuloy ang hot pandesal sa subdivision namin sa antipolo. super duper sarap man.

  39. Rapu Rapu Says:

    hello mylabopmayn. hehehehe… nagpapatawa ka na ha! ngyahaha. lab U!


  40. Haring David! hilo na ko sa dami ng call sign mo….siguro sa iba ibang chat room mo ginagamit yan nuh?

    Thanks nagustuhan mo…tama ka..metallica song yan…pag dating mo sa US of A mag blog ka pa rin. My suggestion ako…humanap ka ng inspiration sa Malibu beach…dami naka top less dun this summer!

  41. DarkBlak Says:

    BJ, ang halay pala…. BatJay na lang… hehehe… isang uri ng malaman na tinapay ang panderasyon, sabi nung iba halos dito lang daw sa cavite makikita yun, or baka dito lang sa cavite tinatawag na panderasyon yun.

  42. garutay Says:

    meron po sa pinas nyan sa megamall bldg A.. 2F šŸ™‚

  43. ermitonio Says:

    ay oo ok nga yang cream puff nila, meron din nyan sa bugis. minsan isang gabi, pag dating ko dun pasarado na sila, ayun curry puff na lang sa malapit na old chang kee ang napag balingan ng gutom ko. ok din naman …


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: