I wouldn't presume to tell you what to do with your past, sir. Just know there are those of us who haven't given up on your future

June 20, 2005

pinanood namin ang “Batman Begins” nung sabado. matagal ko nang hinihintay ito, hindi lang dahil sa hype, pero dahil din sa ako’y tagahanga ng director nito na si chris nolan na siya ring nag direct ng paborito kong “memento“. under his care, at least alam kong hindi magiging corny ang pelikula. hindi naman ako nadisappoint – “Batman Begins” is the best batman movie ever. heto ang aking mga puna sa pelikula (WARNING: MAY MGA SPOILERS SA PAGPAPATULOY)… mamamatay ang love interest ni batman. hehehe. ay sorry.

1. ang galing ng cast ng pelikula – ginaya ni chris nolan ang style ng unang superman movie by casting great actors to play supporting roles. while superman had brando and gene hackman, “batman begins” had Gary Oldman, Morgan Freeman and Michael Caine. yung tatlong yon added credibility to the movie. disente rin ang pag arte ni christian bale as batman. nakuha niya yung tormented soul on the inside, playboy millionaire on the outside persona ni bruce wayne. sayang sana idinagdag nila si jack nicholson to reprise the joker role – that would have been cool.

2. ok naman ang pag arte ng girlfriend ni tom cruise na si Katie Holmes. kaya lang, kung ako ang tatanungin, sana wala na lang love interest si batman sa movie. personally, nakaka distract yung romantic angle kasi dark knight nga si batman – puno ng angst. kung mayron siyang relationship, it would have to be twisted as well. not with a goodie goodie lawyer but perhaps with a hooker. pwede sanang hiramin ang “Batman: Year One” ni frank miller kung saan pinalabas sa story na si catwoman originally was a pokpok na nakilala ni batman through the course of the story – they did not become lovers though which is how it should be.

3. sana na explain ding maigi ang relationship ni batman at ng future commissioner gordon. nandoon na si Gary Oldman who played jim gordon, sana mas pinalawak ang character niya ng husto. sa “Batman: Year One” ni frank miller, ipinakita roon yung transformation ni commissioner gordon from a young idealistic policeman to a realist cop. siyempre sa story, hindi mo na lang basta basta paniniwalaan na ok para kay jim gordon na isang matinong pulis tanggapin ang violent at vigilante methods ni batman. there has to be a compelling reason why he got converted into the dark side.

4. panay ang banggit ko sa “Batman: Year One” ni frank miller. itong graphic novel kasi ang isa sa mga influence ng film. not only on the subject matter (ie. batman’s origins), but also on the treatment of the story of batman’s origins – dark, dystopian, desolate, grim. buti na lang ginawa nila ang ganitong approach. kasi kung hindi, lalabas itong parang joel schumacher na walang kwentang “batman na may utong” story.

5. magaling mang agaw ng eksensa si Michael Caine – nakakatawa, steady and believable. buti na lang siya ang kinuha as alfred. siyempre sina Morgan Freeman at Gary Oldman din ay magaling. kahit ano yatang role ang ibigay mo sa kanila, wala silang hindi kayang gawin.

6. ok rin ang idol kong Ken Watanabe at Liam Neeson. pero yung part ng movie na lumabas sila medyo gumulo ang storya. oo nga at mabuti na mayroong explanation kung papaano natuto si batman ng mga martial arts at mga judo karate, atras abante techniques. pero ano ba talaga yung “league of shadows” ek-ek? paano napunta si bruce wayne sa isang chinese jail? bakit siya na rescue? medyo stretching yung suspension ng disbelief sa part na ito lalo na yung end ng scene – paano nangyari na bigla na lang na lumabas si alfred para sunduin si bruce wayne in the middle of nowhere after itong makipag kalas sa group nina Liam Neeson? it would have been nice if they made this part of the story more believeable.

7. sa batman universe, ang Arkham Asylum ay parang character din ng story kahit na ito ay isang lugar lamang para sa mga may tuliling. dito makakulong ang mga sira ulong kriminal ng gotham city tulad nina joker at penguin. but in “batman begins” that is still sometime in the future. buti na lang isinama nila ang Arkham Asylum sa story. ang hula ko ay kung magpapatuloy ang batman franchise, gagamitin din nila ito sa mga future movies. yung paglagay din kay Cillian Murphy as the scarecrow cum deranged doctor of arkham was good. although parang bading ang dating niya rito kasi sobrang gandang lalaki. sana kumuha na lang sila ng character actor (euphemism ito for great actor who is not too good looking). sana si liam neeson na lang si scarecrow ano? baka mas maganda pa siya rito instead of playing a jedi master reprise as ate mona correctly pointed out in the comment section of this post.

8. what made the film work? ang magaling na pag direk ni chris nolan. ang intelligent na script. except for the kung fu crap, ginawa nilang kapani paniwala ang mga characters. nilagyan nila ng magaling na dialog. at higit sa lahat maganda talaga ang story – gusto ko ang pagka explain nila kung bakit naging batman si bruce wayne, kung paano niya na discover ang bat cave. magaling din ang pagkwento nila ang simula ng pagiging twisted ni bruce wayne. oo alam natin na pinatay yung parents niya in front of him. pero yung pagkakapasok ng pagkakapatay sa mga magulang niya sa storya at kung papaano ito nakaapekto sa kanya later in his life was nicely done.

Advertisements

No Responses Yet to “I wouldn't presume to tell you what to do with your past, sir. Just know there are those of us who haven't given up on your future”

  1. con Says:

    ako din pinanood ko nung saturday yung batman begins. naenjoy ko naman po. at ok at inexplain nyo po dito ang iba, at may mga added info pa. di ko kasi masyado kilala si batman. =p ngayon may mga alam na ko… =p


  2. maganda yan, may natutunan ka kahit papaano. malaking bagay yang mga trivia na pwede mong iquote pag may kausap kang type mo. hahanga sila at maa-attract sa iyo.

  3. monicai Says:

    hindi ang pumatay ng parents ni batman ay si joker or haka-haka ko lang to?

    ganda ng movie pala btw. Ayaw ko sana umalis para ulitin ulet yung sine pero naiinip ang mga deyt ko.

  4. ayeen Says:

    nice nga ng movie medyo kakatawa lang boses ni bruce pag naging batman na sya…dala ba un ng sobrang sikip na bat outfit *lol*?


  5. palagay ko. o kaya, baka walang underwear si batman.

  6. Capt. Kupal Says:

    hi monicai, sana inisnab mo na lang ang mga ka date mo at nagpaiwan sa sinehan.

  7. Jet Says:

    Wow mylab, talagang ninamnam mo ang movie ha. And I thought that half the time, you were just missing your nachos… hehehe. Seriously though, did you even notice that at the end of the movie, there was a plain of green grass surrounding the burned down home of the Waynes? I never saw green in Gotham City except now. I think I like that touch too, among other things. 😀

  8. gari Says:

    lolz! namatay nga love interest ni batman…ahihihi.
    pero mahalaga, brick by brick itatayo uli ang wayne mansion at mas malakas ang foundation sa South East…di ko alam kung fengshui. hehehe

  9. abster Says:

    I agree…da best talaga itong Batman Begins compared to the other Batman movies. May istorya kasi…at hindi lang puro pagpapasabog ng kung anu-anong high-tech gadgets.

    Namiss ko nga lang ang batmobile na sleek…pero in fairness, astig din itong mukhang tangke. Hehehe!

  10. owen Says:

    sir, buti na lan di ko pa napapanood.mas ok na ngayong panoorin kase may analysis na from you.mas madali nang intindihin.

    tenkyu po!

  11. CAROL Says:

    ako bukas ko plng sya mapapanood, ako ang magbubukas ng sinehan bwahahahahah!!!!

  12. tin Says:

    ako naman, di ko type si katie holmes in that movie. she’s too cute-sy for the role. or siguro her association with tom cruise turned me off. hahaha.

    overall, great watch pa rin!

  13. botchok Says:

    di ko pa po napapanuod ang batman kaya wala po akong masabi.. post na lang po ako kapag napanuod ko na.. pwede naman po bumalik dito di ba?!? hehehe..=D

    nga po pala, ni add ko po yun link nyo sa blog ko.. sana po ay ok lang sa inyo.. ginawa ko po yun para matawa naman yun mga ka opisina ko na nayayamot din sa mundo!.. =D

    nga po pala, na special mention ko kayo sa comment ko sa post ko today.. ang topic ko po kase ay tungkol sa term na “jackologist”.. kayo po kagad pumasok sa isip ko dahil sa mga nababasa ko dito sa site nyo.. hehehe.. =D

    sige po, idol! sa uulitin.. =)

  14. trotskybee Says:

    Tito Batjay na-miss ko entries mo – nagkasakit ako eh and nahihilo ako pag nakatitig nang matagal sa monitor. Di ko naman ma-print out kse nasira printer ko. Bawi ako ngayon! Kaya lang, nampusa oo, sakit ng operasyon ko kakatawa!

  15. gail Says:

    nagustuhan ko din siya kasi nasagot na ang tanong ko kung bakit puro baliw ang tao sa gotham city. siguro ung mga nakalaban ni batman ung mga nakatakas na criminals.
    nakakatawa din ang dialogues ni michael caine. gusto ko din nung unang beses na nagpatalon-talon si batman sa mga bubong at nahulog siya sa fire escape. nakakatuwa kasi pinakita na nagsimula pa lang din siyang matuto.

  16. mona Says:

    i think casting liam neeson in that role was a bad idea. sword-wielding mentor? hello? di kaya napanood ko na yon sa ‘star wars’?


  17. tama ka ate mona. you hit the hammer in the head of the nail (or something to that effect – hehehe).

    yung nga ang isa ko pang issue sa movie. of all the great actors to pick, they had to choose a dead jedi knight from a movie that had an annoying character called jarjar. it was very very wrong choice.

    i had daniel day lewis in mind. he would have been a great.

  18. rolly Says:

    Ay babae pala loveinterest ni Batman? Akala ko si Robin.

  19. Elvis BatJay Says:

    si robin nga ang type ni batman kasi closet pedophile na homosexual siya. or is it closet homosexual na pedophile? which is which?


  20. hi gail.

    nagsisimula pa nga lang si batman – kita rin sa costume niya. hindi pa ito masyadong developed indicating that batman was just starting out. yung helmet din had a primitive look – parang african mask nga. siguro they pursposely did it this way.

  21. Haring David Says:

    hi trosky. ano bang operasyon ang ginawa sa iyo? nagpa operasyon din ako last year kaya naiintindihan ko ang hirap mo – oo nagpatuli ako. bakit ka nahihilo pag nagbabasa?

    sige, ingat na lang at pagaling ka agad.

  22. Isip Bata Says:

    ok lang mag link botchok, sige lang.

  23. Jay The Vid Says:

    hi tin. sana nga wala na si katie holmes. di naman dapat na may love interest parati. in fact, sa comics, walang nilalanding babae si batman. si robin lang ang jowa niya. ngyehehe.


  24. hi carol – wala ka bang pasok, anak?

  25. Libag King Says:

    growen – kung ano ano kasi ang iniintindi mo kaya hindi ka nakasama.

  26. Mr. Uranus Says:

    hi abichang.

    actually – yung batmobile na mukhang humvee ang one and only na batmobile na may bilis na over 100 miles per hour. it’s almost the real deal (i think). masarap ngang ulitin para makita ko pa ang ibang details ng pelikula.


  27. ayos gari – mag feng shui siguro sa bagong wayne manor pati na rin sa bat cave.


  28. hello mylab.

    baka yung gangrene grass na yon represents hope. nice touch nga. panoorin ulit natin with nanchos and extra cheese.

    lab U!

  29. transience Says:

    i liked the film, too. surprising. since i only really loved tim burton’s directions. tim burton has some twisted shit in his head.

  30. sachiko Says:

    I don’t really go for the SFX, super hero type of movies but I can’t wait to see this one coz of Ken Watanabe..It’s gonna be shown sa summer pa, mid July maybe,we are always late here in showing foreign made films.

  31. mona Says:

    if not liam neeson, sana si yoda na lang — a binatilyong yoda. hehe …

  32. toni Says:

    I LOVED the movie. I went into the cinema not bringing any expectations with me. What happened? The movie blew me away.

    Now I understand Batman. Dennis (my hubby) would always tell me how dark and twisted Batman was but I never really understood how dark this Dark Knight really was till the movie.

    You’re right, ang daming loose ends. Medyo naguluhan ako sa League of Shadows and how Bruce Wayne ended up in that area.

    I didn’t like the romantic angle either. Sana wala nalang ‘yon, it still would’ve worked.

    Christian Bale is the best Batman. Mahal ko naman si Christian Bale dati pa, pero I loved him more after this movie. Hehehe. My gaaaz, his biceps should be considered a country of its own.

    Anyway, ayun, sobra kong nagustuhan ‘to. I’d watch it again. I can’t wait for the DVD to come out. Exciting!

    P.S. Nagpalit na ako ng blog address. 🙂 FYI!


  33. hi toni.

    christian bale – i remember steven spielberg’s “empire of the sun”. he was the small boy there. and now many years later, siya na pala si batman. it really is a great film kahit may mga kakulangan. enjoy ako dahil matagal na rin akong batman fan – sa mga super heroes, he is the most interesting. his character is dark and twisted (as you say) – oh and he doesn’t have any super powers.

    hihintayin ko rin ang special edition DVD.

  34. Mik Says:

    Halloo! love ko rin yung movie 🙂 Re: chinese jail, aren’t there scenes showing how after Bruce ran away, he got involved in a life of crime –stealing for food at first, hanggang bigtime stealing na? The time he was caught by the chinese and ended up in jail, I think he was caught with a chinese smuggling/theft gang, which was why he ended up there… could be wrong, but i remembered those scenes… may mga boxes pa nga dun (that they were trying to steal) stamped with the Wayne Enterprises logo…

    btw, natawa lang ako sa requisite superhero “who are you/what’s your name” scene, hehe nung tinanong kasi ni Katie Holmes “what’s your name?” naisip ko lang yung old corny joke :D:D hehe di ba name ni batman si junjun?

  35. Quatog Says:

    hi mik.

    ang galing ng batman ano? i understand your explanation about bruce wayne’s trip abroad. ok na sana, kaya lang nga, yung mga premise doon eh mahirap paniwalaan, nasayang tuloy ang acting ni ken watanabe.

    pero other than that, the movie was really good. sabi ko nga – the best batman movie ever dahil it’s so close to what i expect batman to be.

  36. Mik Says:

    Hehe baka super gullible lang ako!! 😀


  37. gullible? hindi naman siguro.

  38. jop Says:

    bosing,
    P and i saw it this sunday. we thought it’s the best batmat movie yet. excitement akong mabasa itong post mo para malaman ang iyong take sa pelikula dahil ikaw siempre ang batjay.
    bosing, lumabas na sa amzon yung miyazaki 6 pack special, $130 lang. naku, kelangang nang pag-ipunan yan!

  39. Super Supot Says:

    hi jop.

    ang galing ng batman begins ano? nabasa mo na ba ang batman: year one ni frank miller? maraming mga eksena sa pelikula ang kinuha rito. you should try to read this. tapos pag may extra money ka, bilhim mo yung “dark knight returns”, also by frank miller. sulit yon.

    may miyazaki special ba na 6 packs? wow. 3 pack lang ang nakita ko dati. i am sure ok ito.


  40. hi again ate mona.

    binatilyong yoda? hehehehe… he’d probably look like gonzo from the muppet show.

  41. yuhao Says:

    napanood ko din batman last saturday with my sister and my mom.. and i agree with you, di man ako ganun ka fan ni batman pero i really liked the movie.. of all batman movie, this one is the best for me..

    and keep up the good work po with your site.. really nice.. ^_^

  42. Uranus Man Says:

    hi yuhao.

    yeah, batman begins rocks. i hope they follow it up with an even better movie using the same dark theme.

    thanks for the greetings – until next time.

  43. Voltes Four Says:

    HI SACHIKO SAN.

    oo nga, i love ken watanabe. such a presence in front of the camera. you can’t take your eyes off him. but i think he was under utilized in batman. mas maganda sana if he had a better role para talagang litaw ang talents niya.

    aabangan ko ang next film niya.

    ingat!


  44. hi transience.

    i love the director, chris nolan. the same guy who did the memento film. have you seen this guy pierce movie? one of my favorites. tim burton is another favorite – i got his book at a book sale recently – ”
    The Melancholy Death of Oyster Boy & Other Stories

    great book.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: