Don't cry, Don't raise your eye, It's only teenage wasteland

June 15, 2005

heto ang “films to watch” list for the next few days. epekto ito ng mga nabiling binabargeyn na DVD sa on-going great singapore sale.

Heaven Can Wait – ni warren beatty. 1978 nang lumabas ito. i remember watching this with my sisters. great comedy about life, death and should we call it reincarnation, rebirth or reinsertion?

Regarding Henry – ni harrison ford at ni annette benning (ang asawa ni warren beatty na artista sa “heaven can wait”). bad assed lawyer is shot in the head. goes into a coma and is transformed into a kind gentle man when he wakes up. naiyak kami ni jet.

Paper Moon – ng mag amang ryan at tatum o’ neal. isa sa mga classic films na babalik balikan mo. shot in black and white – dito nanalo si tatum ng oscar for best supporting actress. she would eventually grow up, marry (and divorce) tennis superstar john mcenroe. but that’s another story.

Young Sherlock Holmes – produced by steven spielberg. sa harrison plaza ko ito pinanood many years ago. ang pelikula ay tungkol sa pagkabata ni sherlock holmes – ang galing ng pagka explain sa origins ng kanyang pipe, hat at kung papaano pumasok sa picture si watson.

The Who, Thirty Years of Maximum R&B Live – rare find ito sa mga on sale items. di ko alam kung na appreciate ito ng mga taga singapore, pero ako? bwahaha, kinuha ko agad. siguro kaya on sale dahil walang tagahanga ang “the who” dito. mapanood ko lang ulit si keith moon na mag drums ulit eh sulit na para bilhin ang DVD. nasa sydney ako last year when they were on tour. sayang, sana pinanood ko na lang sila. i was there and i had the time. sigh.

Advertisements

No Responses Yet to “Don't cry, Don't raise your eye, It's only teenage wasteland”

  1. toni Says:

    Panalo ‘yang Regarding Henry. One of the first serious movies I watched as a kid. Hehehe.


  2. hi toni.

    pinanood namin yesterday afternoon. naiyak nga si jet doon sa ending. galing talaga mag direct ni mike nichols. i’ve admired his work through the years – from the graduate, working girl, wolf to the recent julia roberts starrer – “closer”.

  3. rolly Says:

    I had seen Papermoon. maganda. I have also seen The Who and the legendary Keith Moon. Sino nga uli yung guitarist nila na nagkakasugat-sugat ang kamay because of the manner he plays his guitar. Sila din yata yung nag-uso ng winawasak yung instrumento pagkatapos, right?


  4. hehey – rocker tito rolly!

    si pete townsend yung lead guitarist ng the who. also the main song writer and heart and soul of the group. mahilig si pete na mag “windmill motion” while playing. i think he has a picture in rolling stone magazine with a close up of his bleeding hand. pareho sila ni keith moon na mahilig magwasak ng mga instruments after the show. parti ito ng magaling nilang showmanship sa mga concert.

    nagustuhan mo rin pala ang paper moon. salamat nga sa DVD, napapanood ko ang mga paborito ko nung bata ako. sana nga pati ang mga classic na pinoy films din – wala kasi akong makita kahit saan.

    sayang.

  5. The Ca t Says:

    napanood ko rin sa wakas yong heaven can wait, noong isang gabi pero ending na.

    nauna ko kasing panoorin yong mga remake.

    yong kay harrison ford, yong kalahati rin ang napanood ko noong isang buwan.

    siguro kong nagbabayad ako sa palabas, magdedemand ako ng refund na kalahati ano.

    salamat pala doon sa binigay mo sa aking tip for upload.
    appreciate it.

  6. Jet Says:

    I did love Regarding Henry. It gave me the same feeling as In America… feel good movies always cut it for me. Parang pag nakaka-birdie si Phil Mickelson… hehehe 😀

  7. tin Says:

    maganda talaga ang regarding henry. i’ve seen several times and it never failed to make me cry.


  8. dami naming bagong DVD tin – nood kayo ni jet sa bahay pag libre ka na. pwede ninyo ulit iyakan ang “regarding henry”.


  9. Ate Ca T!!!

    puro kalahati pala at ending ang mga napanood mo lately. hehehe. mas maganda na yan kaysa manood ka ng paatras ang andar ng pelikula – parang memento.

  10. ELVIS BATJAY Says:

    ayos mylab. maganda yang mga golf metaphor cum figure of speech mo. maganda nga ang regarding henry – enjoy akong panoorin ito kasi kasama kitang manood.

    lab U!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: