The scornful nostril and the high head gather not the odors that lie on the track of truth

June 13, 2005

GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?

BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta’y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class – bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.

Advertisements

No Responses Yet to “The scornful nostril and the high head gather not the odors that lie on the track of truth”

  1. Gigi Says:

    Naku Sir Batjay, ang lakas ng tawa ko, at walang tigil pa! Tuloy, nagising ang asawa ko na natutulog na mahimbing — at nagalit sa akin!


  2. ikaw kasi ma’am gigi. bakit naman gising ka pa ng ganitong oras ng gabi. it’s midnight in california. kung malakas kang tumawa tulad ni mylabopmayn jet, lagot ka nga sa animal husbandry mo.

  3. Jet Says:

    hehehe… ayos!

    Di naman si Tata ang dahilan at napasadsad ka papalayo sa Pinas mylab no?


  4. hindi mylab.

    umalis din siya after a while. sayang magaling yon. kaya niya yung mga mahihirap na mechanical works sa bundok.

    lab U!

  5. Maria Says:

    kakatawa…nawala ang anumang lungkot sa buhay ko sa araw na ito!

  6. Capt. Kupal Says:

    hi maria.

    maraming salamat sa pagdalaw at welcome to the blogging world.

    ingat!

  7. carol Says:

    lupeettt!! ganyan din yung prof ko nung college ako, halos dko tlga makahinga hahaha, at nagbibilangan p kmi kung ilan beses tumatalsik laway nya hahahah…


  8. may anghit na talsik laway – yan ang text book instructor from hell. kulang na lang ututen siya at may balakubak.

  9. kat Says:

    sheyt! i can only imagine! well actually, i’ve encountered worse (but at least he wasn’t a teacher one had to see daily).

    have a good week! stop by!

  10. con Says:

    naalala ko tuloy nung highschool, nagkaklase kami, at yung practice teacher ay may putok din. Tamang tama, may electric fan sa classroom.. kahit malamig, dahil sa baguio yon. syempre, kumalat ang amoy sa buong klase. naka-barong pa man din yung practice teacher namin. Ang baho naman. sana na-inlove din sya e noh. hehe…

  11. transience Says:

    i guess my teacher in social studies was never in love with her husband then. how sad.

  12. ELVIS BATJAY Says:

    perhaps your social studies teacher fell in love in the time of cholera.


  13. hi con.

    baka hindi siya naliligo dahil malamig. may dati rin akong kaupisina, pag nasa bundok kami, kailangan pa akong magmakaawa bago siya maligo.


  14. hi kat. so where’d you meet this stinky? i loved your post on your friend’s wedding. ingat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: