When cheese gets its picture taken, what does it say?

June 7, 2005

GENTLE READER: dear unkyel batjay, di po ba sa pilipinas pag pinapakain ang mga baby, gumagamit tayo ng maliliit na kutsara at tinidor. ano po ba ang ginagamit ng mga intsik diyan sa singapore pag pinapakain nila ang kanilang mga baby? toothpick? biro lang po. itatanong ko lang hekshuli kung ano ang paborito mong singaporean dessert.

BATJAY: dear gentle reader, nagpakalbo ka na naman siguro ano? nagpapatawa ka kasi eh. hindi toothpick ang ginagamit ng mga intsik na baby – chopsticks din na normal size. doon naman sa ikalawa mong tanong, ang paborito ko ay “CHNG TNG”, ang dessert na walang vowel. ewan ko nga ba kung bakit yan ang pangalan pero masarap. dati ang paborito ko ay “BOBO CHACHA with durian” pero nagsawa na ako rito. may gusto sana akong tikman na dessert kanina during lunch kasi naintriga ako sa pangalan – “white fungus with jelly“. parang alipunga ano? hehehe.

Advertisements

No Responses Yet to “When cheese gets its picture taken, what does it say?”

  1. DarkBlak Says:

    sana lang hindi lasang alipunga, hehehe… saka pano bigkasin yung “CHNG TNG”?

  2. Jet Says:

    Yuck!

    Yan na nga ba sinasabi ko dyan sa adventurous palate mo e. Ano na naman yang titikman mo? Buti na lang at dyabetic na ko at baka pag nasarapan ka e pilitin mo pa akong tikman… hehe.

  3. carol Says:

    anong lasa ng bobo chaha with durian?? eh di mejo may amoy ang desert nyan..hehehe..amoy anghit na hindi mo maintindihan ahay, ano nga naman ang bigkas ng desrt na alang vowels? tunog ngongo ata ah?

  4. transience Says:

    you will never ruin my appetite. NEVER!


  5. i just found out that “white fungus” is really a classic chinese dessert. it just doesn’t sound like something you would eat when translated into english.


  6. oh carol

    yung bobo chacha hekshuli ay ginataan with milk, crushed ice, camote at camoteng kahoy. pag “with durian”, nilalagyan nila ito ng toppings na durian paste. sarap yon. hindi naman amoy anghit ang durian. strong smelling lang pero not body odor smelling tulad ng langka.


  7. darkblak, ano ba ang lasa ng alipunga?

    paano bigkasin ang CHNG TNG, ang dessert na walang vowel? CHUNG-TUNG.

  8. DarkBlak Says:

    di ko alam lasa ng alipunga at ayoko na ring alamin, heheheh…

  9. Elvis BatJay Says:

    mas magandang pakinggan ang alipunga sa english – “athlete’s foot”. parang brand ng sapatos.

  10. con Says:

    ano po itsura ng CHG TNG. interesting. bakit walang vowels? may connection ba ito sa lasa?

  11. Fr. BatJay Says:

    hi con.

    simple lang ito na dessert. ang cold version ay crushed ice, sugar, ‘fungus’ na parang lumot lumot, red dates, dried longan fruits and barley. lasang samalamig.

    bakit walang vowel? baka nagtitipid sila sa spelling. minsan though it is spelled as Cheng Tng. walang connection sa lasa. ganyan lang talaga mag spell ang mga intsik.


  12. di bale mylabopmayn,

    ide-describe ko na lang sa iyo kung ano ang lasa. sayang di ka na pwedeng mag TAU SUAN. peborit mo pa naman yon. ako na lang, next time tayong kumain sa labas.

    lab U!

  13. lornadahl Says:

    Whoa. Haven’t tried those yet. Just when I thought my ice cream buffet as of late is adventurous enough!

    It’s good to be semi-back. =)

  14. monicai Says:

    Kaya bang gawin ng CHG TNG ng nagtitinda ng Halo Halo sa kanto namin?

  15. Haring David Says:

    hi monicai. pwede gawin ng nagtitinda ng halohalo sa kanto ninyo ang CHNG TNG. mahirap nga lang siguro para sa kanya i-pronounce ito.

    problema rin pala ang mga ingredients. may mga fungus din na parang lumot lumot na kasali rito, plus yung barley at dates na bihira sa pilipinas.

  16. Jenny Says:

    Dito sa Taiwan, sikat na dessert yang white fungus. Masustansya yan at tamang tama pag summer kasi feel refreshed ka pagkatapos mo kumain niyan. Ang lasa nya ay manamis namis dahil siguro sa syrup na isasama, absorb lang nya kung ano ang hinalo na panlasa. try mo next time, guaranteed it is good for your health.

  17. Isip Bata Says:

    maraming salamat ms. jenny. isa kang henyo sa white fungus. hayaan mo’t titikman ko ito the next time maligaw ako sa dessert turo turo dito sa singapore. hmm… why not this weekend.

  18. Jack Magic Says:

    ho lornadahl. theks for the comment. medyo matagal ka ngang nawala.

    so there’s an ice cream buffet in manila? makapunta nga when we come home.

  19. jon Says:

    miss ko na haluhalo… purga na ko sa ice kachang dito…


  20. hehehehe…

    mag bobochacha ka na lang muna para di ka magsawa o kaya chendol, tau suan or CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.

  21. vangie Says:

    kung nagtitipid sila sa spelling eh sana tinawag na lang nilang “CT”. ang galing, education on singaporean desserts. looking forward to more!

  22. Jay The Vid Says:

    hi vangie.

    welcome back. maraming desserts dito sa singapore – a lot of them taste and look like our desserts. a lot of them as coconut based which is common with the rest of south east asia. we are related with the other coutries in so many ways. thanks for the suggestion – maka feature nga ng iba pang desserts on later posts. but, i have to take a photo of them first.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: