Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened

June 1, 2005

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.

Advertisements

No Responses Yet to “Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened”

  1. fan ni batjay Says:

    naku, batjay!! ay poging pogi nga pala talaga si bong pogi no!! pero ikaw syempre, cute na cute!!

  2. Jet Says:

    E di ba nga mylab, kaya naman pati mga asa-asawa e magkakaibigan. Sad nga lang na sa tinakbo ng mga buhay-buhay natin e we had to separate ways. Naalala mo ba nun, kada bday may gimmick. Pag long weekend or summer, outing. Ang saya saya talaga.

    Pero alam mo mylab, lumaki nga kayong halos molded sa iisang hubog, yung karakter nyo, mga trip ninyo, mga paniniwala, paninindigan. Ngayon sa pagtanda ninyo, kahit sanga sangang daan na ang pinagdalhan senyo ng buhay, makikita mo pa rin yun pagkakapare-pareho ninyo. Halos daig pa nga ang magkakapatid. 🙂


  3. si bong pogi? oo pogi yon. pinagkakaguluhan nga yan sa school namin ng mga matronang teacher at mga menor de edad na students. nahawa lang ako ng kaunti sa kanya


  4. di bale mylab. kahit separate ways na ang group, we still make time whenever somebody is in town. hindi na nga lang complete pero at least mayroon pa rin communication. buti nga nausa na ang email at egroups. at least, even if were miles apart, we can still chat and tell the same old stories again and again.

    marami nga kaming mga similarities ano? parang all those years together was a common mold. paglabas namin – pare pareho kami ng mga pananaw sa buhay.

  5. favel Says:

    it’s always to read about friendships that last for so long. nakaka-inspire 🙂
    ang bilis magkaroon ng kaibigan, pero to keep one, ang hirap. lalo na kung malayo, at may sari-sarili na kayong buhay.

  6. favel Says:

    ahehe. correction po. it’s always “nice” to read about friendships that last for so long…


  7. ayan, sana hindi mo na lang pinansin favel. nakita ko tuloy ang “nice” na kulang. hehehe. mahirap ngang mag maintain ng friendships lalo na kung magkakalayo na kayo ng mga kaibigan mo. maswerte nga kami at malapit pa rin kami sa isa’t isa kahit kung saan saan na kami sa mundo naka base..

  8. rolly Says:

    35 years!!! Wow, that’s practically your age. NO doubt para na nga kayong magkapatid.

    nakakatuwa naman yung naging girlfriend nya. At hindi mo pinatulan ha. Any hot-blooded teen ager would have. saludo ko sayo bosing.

  9. DarkBlak Says:

    35 years… grbe… sana umabot din kami ng mga barkada ko ng ganyang katagal.


  10. yes, 35 years. yung mga kaibigan ko ay classmates ko since kindergarten. nagkakilala kami ng 1970 as 5 year olds. some of us even went to the same school from kinder to college. we went to martial law to pinoy rock to punk to EDSA revolutions, crappy girlfriends, marriage, sons and daughters, ERAP, GMA, bagyo, lindol at tsunami. hanggang ngayon nagkikita kita pa rin kami at ang mga misis namin at mga anak ay magkakaibigan din.

  11. Elvis BatJay Says:

    tito rolly!

    oo nga. practically my age. yung barkada ko kasi mga kindergarten classmates. magkakasama kami sa notre dame from 1970 onwards. this year is our 35 year na magkakaibigan. it’s also the year most of us will turn 40.

    yung GF ni bong pogi? gusto lang siguro ng good time like we wanted a good time back then. eh hindi talaga feel. hehe.

  12. monicai Says:

    nasaan na kaya yung uhugin kong kababata nung bubot pa ako? makikilala pa ba niya ako ngayon. sniff.

  13. roy Says:

    yes… i understand what BatJay feels. It was really nice growing up in the 70s thru the 80s. There were no “distractions” then (i.e., computer games, internet,karaoke, cellphones). It was pure barkadahan. DZRJ and the “mas sikat and mas pogi ” na utol ni Batjay, ang sole source of our music. I remember our classmates gathering together singing our lungs out with guitar accompaniment. Those were the days….and you know what? our classmates in HS will have our reunion on June 11, 2005 ….we will see each other again for the first time after our graduation back in March 1980 in the Juan Dela Cruz Band Reunion Concert….Rock and Roll

  14. Fr. BatJay Says:

    hi roy. it was great living in the 70’s wasn’t it? we lived in novaliches and during that period, there were still a lot of forests around where we lived. we would picnic and play games at night. my parents group would go dancing, my brother’s group would rock and you know what, and we would play patintero in the moonlight every night during summer vacation.

    sige sasabihin ko kay dante na mas sikat at mas pogi siya kaysa sa akin. matutuwa iyon. hehehe. sabagay, tutuo naman.


  15. monica – baka uhugin pa rin siya hanggang ngayon.

  16. kat Says:

    Ang galing naman nung title nang post mo!
    Here’s to continuing friendships over the decades (and over the hills…)

  17. Haring David Says:

    hi kat. somebody sent me a list of funny zen one liners. i use some of them as my blog entry titles. cheers to all the places where everybody knows your name!

  18. g Says:

    kasi cute os better than pogi that is why hehehehe maybe your friend vic is cute too 😀


  19. well vic is cute too. like me.

  20. niker Says:

    kwento ko lng yng pag b-day ng friend ko grbii sobrang nakktwa at memorable pra sa akin imagine..title (((utots utots))hahahahaha sa title palng matatawa ka na grbiii…b-day ng friend ko kc syempre d maiiwasan n wlang inuman d2..uminon kmi ngyn pero apt lng kmi c amy teresa paping ko at ako..uminom kmi ng ng imperador ng may halong milo at gatas..twag daw dn eh ( BORACAY ) ok ngyn uminon n kmi dn pulutan nmn mangga saka ihaw na tilapya at bangus wow sarap grbii saka yng ininom nmn n boracay grbii super sarap ang lasa..hmm lasang milo na may gatas n pag ininum mainit sa lalamunan pero masarap nmn…sarap nga pero d m nmn pala alam yng epekto non grbiii..hehhehehe mattwa ka na ssbhn muna m sa sarili m ayw muna uminom..dhl kina umgahn non eh..sumakit na yng tiyan nmn panay utot na ng mga kaibgn ko hehhehe..nakktwa tlga sobra kc kht nsa nsasakyn kmi panay utot ng mga kaibgn ko grbiii hehehe..alm m ba kht nsa sasakyn wla kming kibuan..nakkramdmaan kng cnong gumalaw..hahahhaha syempre once na gmlaw ka ibg sbhn kw umtot db?nahrapn nga ako noong arw na yn kc nag wowork pa ako sa internt syempre aircon yn..tlgng amoy na amoy yn hehhehe kaya gngwa ko labas ng labas nlng ako kc nkkhya nmn ….kaya ayoko ng pla uminom ng boracay nkksama pla sa tiyan..d lng yn nakkhya pa dhl panay utot mo pa.hahhaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: