A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION: 20 questions on blogging and life in general
May 26, 2005
1. kailan ka nagsimulang mag blog? nagsimula ako nung september 2001, right before the 9/11 tragedy. first time kong mag abroad para magtrabaho, kakadating ko pa lang sa singapore at inabutan bigla ng matinding lungkot. naisip ko, imbes na mag-iiyak ako ng buong magdamag, eh di isulat ko na lang ang aking mga experiences bilang isang OFW. baka kako, pwedeng pagkakwartahan someday.
2. ano ang nakukuha mo sa pagsulat ng blog? sanity. dito ko kasi nilalabas ang mga demonyo ko para pag balik ko sa real world ay patuloy akong makapamuhay ng maligaya at matino.
3. sino-sino bang nagbabasa ng blog mo? nanay ko at si jet. mga kapatid ko rin paminsan minsan.
4. sinong mga hinahangaan mong bloggers? naku marami. sa talent ng pagsusulat, nariyan sina mona, sassy, Mrs. P, si Cat, lara, si doc emer, jop, yasmin, si tito rolly, ate sienna at siyempre si jet. lahat sila ay magagaling magsulat at pag hinambing ko sila sa akin, parang garapata lang ko.
5. kung hindi ka magblog, ano ang alternative mo? ewan ko, mga ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol. pangungulangot at pambubwisit sa mga baby na nakasakay sa bus.
6. kung may malunod na synchronized swimmer, malulunod din kaya ang mga kasama niya? gago.
7. Is the “human voice” a defining characteristic of weblogs, or merely desirable in most cases? in a lot of cases the human voice is an essential and defining characteristic of a weblog. i know in my case it is. i write what happens to my life in a personal and very human way. there is no other alternative.
8. ano ang pinaka driving force kung bakit ka may blog? nung una nga gusto ko lang gawing diversion dahil nalulungkot nga ako rito sa singapore. nung panahong iyon nagsusulat ako para may history ako ng struggling years ko as an OFW. pero nang lumaon, naging interactive na. may bumibisita na kasi bukod sa mga kamag anak ko. nagsusulat ako, hindi naman para sumikat. gusto ko lang sabihin sa mundo na – hoy, mga ulul, narito ako! oo virginia, parang “Kilroy Was Here” ang dating.
9. Why do people point to their wrist when asking for the time, but don’t point to their crotch when they ask where the bathroom is? i don’t know.
10. Ano ang Blogkadahan? group ito ng mga pinoy bloggers from all over the world. mayron silang website and they post entries based on a particular agreed upon topic. iba ibang personalities kaya sigurado ka na mayrong diversity sa opinion, sa point of view at sa paraan at style ng pagsusulat. for that alone, the website is an interesting read. karamihan sa mga members ay nasa 30 to 50 years old. pero mayron ding tulad ko na nasa early 20’s. twenty years nang namamasukan.
11. Why do people look into tissues after they blow their nose ? What are they expecting to see? ewan ko. tinitingnan nila siguro kung may free.
12. What’s the best thing that blogging has brought you since you started? naging sikat ako at maraming nga babae ang pumipila sa labas ng bahay para dugasin ang underwear ko. dumami rin ang mga kaibigan ko na pwedeng utangan. paminsan minsan nababanggit sa newspaper kaya huwag kayong magtaka kung minsan makita ninyo ang mukha ko sa pinagbalutan ng tinapa.
13. what do you hate most about blogging? visiting blog sites that don’t have any content. ang mga blog sites na walang content ay parang mga empty shells. simple lang naman ang sikreto para bumalik ang mga tao sa site mo parati. here’s the secret: write interesting and compelling posts. it doesn’t have to be about “deep topics”. as long as it is written very well, it will stand out.
14. what is the most you like about blogging? na panabla ito. you can be the simplest person in the world, but if you’ve published a good enough post, people will notice and your visitors will increase. you don’t need to be the heavyweight champion of the world (ika nga ni dylan), if you’ve got a great site, people will come. hindi ba napakasarap marining ang “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, I’M COMING”.
15. May is national masturbation month, what are you going to do about it? wala na. retired na ako sa masturbation for now.
16. anong masasabi mo sa mga taong ngayon lang balak mag blog? pakabait kayo’t magsulat ng mga interesting na post. tama na yung mga entry na “today, i have nothing to say, that’s why i want to talk about how my dirty socks smell”.
17. ano ba ang advise mo tungkol sa appearance ng mga template? ah yan importante rin – kailangan simple lang. hindi cluttered. dapat din walang mga lumilipad na animation. dapat walang automatic music na tutugtog. dapat hindi rin masakit sa mata ang color combination – walang purple text on orange background. yung mga pictures dapat maliliit lang ang file size para hindi matagal mag load. ano pa ba? ah, kailangan simple lang. ay – nabanggit ko na pala. paandarin parati ang pilosopiya ng “Occam’s Razor“. inaderwords, KISS – ie, keep it simple stupid.
18. anong nagpapasaya sa iyo sa pagblog? pag may OFW na sumulat sa akin at sinasabing nakakapag identify siya sa mga kinukwento ko.
19. may standard practices ba sa pag blog para maging successful ito at maraming bumisita? wala. anything goes basta interesting at hindi nakakasakit ng ibang tao.
20. ano ang mangyayari pag nag ahit kayo ng kilay sa kaliwang mata? magmumukha kang mataray
May 27, 2005 at 6:17 pm
natatawa ako sa mga sundot sundot mong hirit e! napangiti mo ako, pareng batjay. maraming salamat! ๐
May 27, 2005 at 7:26 pm
“ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol”
panalo hahahahaha
May 27, 2005 at 8:06 pm
Idol talaga kita bosing. Ang galing mong mag-hook ng reader para patuloy na basahin ang isinulat mo. Hindi mo alam king kelan dadating yung punchline. And through all that, obvious pa rin yung wit mo. Keep on blogging and make us happy.
May 27, 2005 at 8:45 pm
Magandang umaga saiyo unkle batjay,
kaya nga ba hindi sko nakakalimot dumalaw saiyo kahit minsan ay nakakalimutang sagutin ako dahil bisi ka sa ibang “kasindikatuhan” mo. (kunwari make tampo). Hindi puwedeng hindi ako maut–ermm matawa pala.:) ๐ ๐
May 27, 2005 at 8:45 pm
tabi tabi po, makikiraan lang ho..
sa item #3 po ninyo, gusto ko po sabihin na araw araw ko din binabasa ang blog nyo.. lalo na po kapag yamot ako sa mundo (at sa trabaho), ako po’y napapangiti (bawal po tumawa ng malakas sa opis) ng mga sinusulat nyo..
gagawin ko po kayong idolo sa blog ko..
salamat po..
May 27, 2005 at 9:03 pm
one more question: saan sa antipolo kayo nakatira? nasa antipolo rin and bahay nang aking lolo at lola.
May 28, 2005 at 12:20 am
dunno where you get ur ideas… galing mo talaga idol…
May 28, 2005 at 1:53 am
Tyong Jay, sa pagjajakol po, di ba kumakapal ang inyong kalyo o nagpapalipat-lipat kayo ng kamay? Di po ba ito nakakakomang? Bakit yung pari po sa amin, samantalang yung sakristan ang nagjajakol?
May 28, 2005 at 9:03 am
panalo ka talaga sa mga hirit batjay! hehe! ako araw-araw bumubisita dito, pero yun nga lang bihira ako magcomment, di ko n akasi magawa sa katatawa matapos magbasa ng post mo. hehe!
May 28, 2005 at 11:04 am
natuwa ako sa synchronize swimmer… pero, malulunod nga ba ng sabay? ahehehehe
May 28, 2005 at 11:51 am
uy na-late ako ng bati (greeting, ehehe)! happy anniversary to you and jet!
May 28, 2005 at 2:14 pm
ALIW! BRAVO! Love the answers!
May 28, 2005 at 6:37 pm
Sino ba yang nagtatanong na yan? Ang kulit ha! Kakatuwa… ehehehe
May 28, 2005 at 6:49 pm
pinulot ko lang sa internet ang mga tanong mylab tapos sinamahan ko rin ng mga tanong na galing sa aking makulit na pag-iisip. kaya the questions are from all over but the answers are all mine. buti nag enjoy ka. pag nagsusulat kasi ako, iniisip ko muna if this is the type of post that will make you smile. ingat.
lab U!
May 28, 2005 at 6:54 pm
thank you toni. aliw na bravo pa. palakpak tenga ko tuloy. hehehe. ingat!
May 28, 2005 at 6:56 pm
uy linnor, daghang salamat sa bati (greeting, hehehe). thank you, thank you. best regards sa inyong pamilya lalo na kay jake.
May 28, 2005 at 6:59 pm
malulunod nga ba ng sabay? yan ang tanong ka kenji. itanong natin sa barangay.
May 28, 2005 at 7:05 pm
hi lara.
kamusta ka na? mabuti naman at natawa kahit sa pasundot sundot lang. magandang balita na maligaya ang mommy na buntis sa belgium. sana tuloy tuloy na pag ngiti kahit mabigat ang tiyan. kamusta na lang kay s at mikka. ingat! jay
May 28, 2005 at 7:07 pm
panalo ka rin ka apol. maraming salamat sa pag dalaw at sa pag comment. ingat na lang at isang halik para kay sophia.
May 28, 2005 at 7:11 pm
TATANG! hehehehe. kaliwete kasi ako kaya mas maraming kalyo ang kaliwang kamay ko. ingat ka diyan sa ALA-EH.
May 28, 2005 at 7:13 pm
hey jon. thanks for dropping by and commenting. di ko rin alam kung saan galing ang mga ideas pero yung mga questions, marami diyan ay available online. ingat.
May 28, 2005 at 11:12 pm
hi kat. we live in a subdivision just 10 minutes away from the church. jet and i love our small house – and i love my little garden. do you have plans of coming home for a visit? salamat nga pala sa dalaw. ingat!
May 28, 2005 at 11:15 pm
hi botchok. buti naman at nagparamdam ka. sana minsan matawa ka ng malakas sa opisina. masarap paminsan minsan mag release. kaya lang huwag masyado at baka mabwisit ang boss mo sa iyo. ingat at salamat.
May 29, 2005 at 12:12 am
magandang umaga rin galing ng singapore ate ca t. pasensya ka na kung minsan di ako nakakasagot agad sa mga comments. medyo magulo ang mundo ko itong mga nakaraang buwan dahil wala si jet at dahil na rin sa trabaho. oo maraming sindikatong activities. hehehe. saka ko na lang ibabalita pag natuloy na. ingat na lang diyan.
May 29, 2005 at 12:18 am
idol din kita bossing tito rolly, kaya ang susunod nating gagawin ay gagawa ng mutual admiration society. ngyahaha. ako rin di ko alam kung kailan darating ang punchline, BWAHAHA. ang tagal kong sinulat ito dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko. buti may lumabas na medyo coherent na post dedicated to blogging. ingat diyan sir and see you soon.
May 29, 2005 at 12:21 am
galing ng tunog ano, ate sassy – “intellectual na pagjajakol”. i kind of like it myself. hehehehe. iniisip ko nga, this would be a great name for a blog site.
May 29, 2005 at 4:19 am
oohh that is how I can be mataray ….
good thing I have a shaver for sensitive skin…
๐
May 29, 2005 at 6:51 am
hehe this is so funny! ๐
May 29, 2005 at 9:49 am
hi christine. welcome back! kamusta na sa christchurch? i always love to say “christchurch” what a great name for a place. i love new zealand!!!!!!
May 29, 2005 at 9:51 am
that’s correct g – you’ll look mataray if you shave your left kilay. kaya lang you have to shave the whole thing. kailangan walang matira.
May 29, 2005 at 10:22 am
hehehehehe that is scary looking Jay if I shave both huh? but I can settle for mataray looking
May 29, 2005 at 10:32 am
well now if you shave both, your eyesight will go bad. kasi your sweat will go directly to your eyes when you’re working out.
May 29, 2005 at 3:52 pm
panalo ka talaga koyang batjay! matagal na akong lurker dito sa site mo. just want you to know that you always make my day!
belated happy anni nga pala sa inyo in atcheng batjet!
(o diva, feeling close ako sa inyo?)
May 29, 2005 at 4:00 pm
hi jacks. thank you sa pagpaparamdam sa wakas. pangit maging lurker forever. hehehe. salamat din sa pagbati mo. made din ang day ko pag nakakatanggap ng email sa mga katulad mo kaya panalo tayong lahat.
ingat at have a great weekend diyan sa pilipinas.
May 29, 2005 at 4:17 pm
uy manong Batjay mega agree ako sa advise mo pagdating sa appearance ng mga templates. di ko rin gusto yung may mga kanta sa background tapos ang kulay orange o itim. o kaya ang liliit ng fonts.
ngapala, belated happy anniv sa inyo ni ate Jet. Sana kami rin ni mister na malusog mahawa sa inyo. ๐
May 29, 2005 at 4:40 pm
Bilib talaga ako sa yo perskasin. How can you sustain it? Hindi ko yata kayang mag-post araw-araw while maintaining the same freshness and high-quality of writing. So I beg to disagree with you: you can count yourself among the best in the business.
Hats off to you. ๐
May 29, 2005 at 5:15 pm
unkyel batjay, ano ba yung “human voice”? paki-elaborate naman.
May 29, 2005 at 7:40 pm
sabi sa wikipedia eh – the “Human voice consists of sound made by a person using the vocal folds for talking, singing, laughing, screaming or crying. The vocal folds in combination with the teeth, the tongue, and the lips, are capable of producing highly intricate arrays of sound, and vast differences in meaning can often be achieved through highly subtle manipulation of the sounds produced (especially in the expression of language). These differences can be in the individual noises produced, or in the overall tone in which they are uttered”.
pero siyempre literal translation, ang ibig sabihin siguro sa tanong eh yung pag blog in a personal way. as opposed, for instance to writing in a formal manner as journalists and writers do when they publish articles.
May 29, 2005 at 7:56 pm
hi pradamama pinsang renee. it’s been getting harder to post on a daily basis lately. work gets in the way. i’ve been having a hard time responding to comments as well. kamusta na lang kay don lorenzo at sa mga bata. chairs! jay
May 29, 2005 at 8:10 pm
INA ASUSKI! kamustaski? nanganak ka na ba? hindi pa ata…ngyahaha. yung kanta sa background ang pinaka ayaw ko – una eskandalosa yon at pag nasa opis nakakahiya kasi halatang hindi ka nagtatrabaho. pangalawa, yung ibang kanta eh hindi ko type – iinit lang ang ulo ko. isa pa yang kulay – partially color blind kasi ako, kaya may mga shades ng kulay na talagang nagkakanda duling ako.
LASTLY, hindi ko nabanggit ay yung use of space – maximize the use of the screen to display text. ibig kong sabihin, huwag mong ilalagay sa isang maliit na column yung blog entry where you need to scroll down to read entries. maximize space para magaan sa mata at less key strokes.
haba ng sagot ko. hehehe. ingat!
May 30, 2005 at 8:55 am
hey bloggers should know how to deal with negative comments too… but I do believe a good blog has content….
May 30, 2005 at 9:11 am
YUP, that’s true too. i’ve received a lot of negative comments since i started blogging. kung ano ano ang tinatawag sa akin. some of them keep referring to certain parts of my anatomy. yung iba naman, porke nakakatawa ang mga sinusulat ko, akala nila pwede na agad maging intimate at nagiging presko immediately. when this happens, i just ignore and forget. hindi na ako nagrereply.
May 30, 2005 at 9:44 am
alam naman namin na dinibdib mo ang May as Masturbation Month eh ๐
May 30, 2005 at 9:46 am
correction please. february to early may, araw araw na ginawa ng diyos. minsan three times a day pa.
May 30, 2005 at 11:57 am
LOL!! wala akong say ๐ You’ve said it all, and then some ๐
May 30, 2005 at 1:08 pm
hi jmom. after answering the 20 questions, wala na rin akong ma say. pero teka actually mayron pa rin pero saka na lang yon. ingat!
May 30, 2005 at 9:33 pm
I’m so humbled, Batjay, to be mentioned in the same sentence as those famous bloggers, especially Jet who writes so well and gracefully. Thanks so much for visiting my blog, having the Philippines’ most famous blogger is more than enough and I hope to see you and Jet soon!
On your most recent post, naalala ko yung post na yun nung pumutok ang appendicitis mo. Grabe, isang taon na pala! How time flies fast.
May 30, 2005 at 9:50 pm
hi yasmin. huwag kang magsasabi ng “Philippines’ most famous blogger” baka may magalit sa atin. hehehehehe. magaling ka naman talaga magsulat and i love reading your posts.
OO nga pala, i want to inform you that i too got a DVD of “the spanish apartment”. sa wakas. it was on sale sa HMV last week and jet and i got a copy. naalala kita dahil sa love affair mo with barcelona.
cheers!
jay
June 1, 2005 at 6:07 am
Interesting set of question and answers!
June 1, 2005 at 9:55 pm
as usual, huli na naman ako… pero salamat sa pag-extra din ng pangalan ko. wait ako sa inyo sa june ๐
June 1, 2005 at 11:45 pm
NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
miss ka na namin. maraming salamat sa pag comment. ikaw ba naman eh mawawala sa pag extra eh wala kang ka kupas kupas. malapit na malapit na ang end of june.
ingat.
jay
June 1, 2005 at 11:46 pm
thanks for dropping by tintin. i’m glad you found them interesting.