TWO VIRGINS

May 13, 2005

MUKHA SIYANG DRAGON malapit nang matapos ang album ko. may mga ilang kanta akong ni record ngayon kasali rito at ipaparinig ko sa inyo. siguro buwan na lang ang bibilangin at lalabas na ang unang collection na tatawagin kong “Songs from Ma Mon Luk”. nakapag conceptualize na ako ng album cover. iniisip ko eh gagayahin ko si john lennon at yoko ono doon sa kanilang “Two Virgins” na record. pinagawa ko na nga ang album cover sa aking kaibigang designer na si master polo. isa na siya ngayong sikat na artist at in demand ang trabaho niya sa buong mundo. kaya lang medyo malabo na yata ang mata. nilagay niya ang mukha ko doon sa katawan ni yoko ono. para tuloy akong transvestite na may LBM sa litrato. pero initial layout lang naman yan. hemingway, here are the four new songs i’ve recorded. sana ay magustuhan ninyo.

1. HAY BILANGIN MO CHIPMUNK VERSION – ito ay isang classic na kanta nung 1970’s. hindi ko na nga alam kung sino ang may original nito. parati itong kinakanta sa mga tambayan nung araw lalo na pag medyo nakainom na ang barkada. here is my “kinapon” version. PAKINGGAN NINYO.

2. BIRDS – memorable ang kantang ito ni neil young dahil ito parati ang kinakanta ng kuya ko everytime he closes a pinoy rock concert nung araw. his fans know that this is his signature song. tuwing naririnig ko ito, naaalala ko siya. PAKINGGAN NINYO.

3. HOW YOU GONNA SEE ME NOW – in 1979, alice cooper released an LP called “from the inside”. the songs there tell of his struggle with alcoholism. in this song, he’s about to come out of rehab and he’s not sure if his wife will accept him again. ang dami niya kasing atraso at medyo apprehensive siya na papalayasin na siyang tuluyan. PAKINGGAN NINYO.

4. HAY BILANGIN MO REPRISE – ito yung original version ng kanta. walang putol betlog epeks dito – straight forward kanta lang. PAKINGGAN NINYO.

Advertisements

No Responses Yet to “TWO VIRGINS”

  1. Bato Says:

    Batjay,

    Ayaw ang mga kanta mo ah, da best! puwede na bang mag pa reserve ng copy? Hayaan mo pag nakakuha ako ng copy ng album mo i paparinig ko sa mga taga rito sa Canada.

    Sana lumabas na!!!!

  2. Bato Says:

    oopps sorry mali ibig kong sabihing Ayos hindi Ayaw hehe pasensya pasmado kasi kamay ko eh..alam mo na..:)


  3. maraming salamat sa pagdalaw kaibigang bato. sige – ipapareserba kita ng kopya. lagyan pa natin ng dedication. tamang tama, canadian si neil young – yung kumanta ng “birds”.

  4. g Says:

    hehehe you are always a delight Jay…love the picture..as always courtesy ofour official photo lab – Pololab… together you 2 are deadly…

    keep safe in Indonesia..

  5. niwre Says:

    ingat lang kayo sa paglaunch ng album nyo kasi sure yan pipiratahin … wihihi

  6. ka uro Says:

    batjay, ako rin ireserb mo ng advans copy. galing ng banat mo sa Birds, talo pa original. sabi nga ni Simon ng american idol, “you made the song your own”.

  7. rolly Says:

    hehe, lumabo na mata ni master polo. Kay Yoko Ono nalagay mukha mo.. sagabay parang ayos na rin, kasi kasama mo sa picture ang idol kong si John Lennon.

  8. Jet Says:

    Ganda ng mga kanta mo mylab. Enjoy na enjoy talaga ako dun sa Haybilangin mo, Chipmunks version. At gumawa ka pa pala ng Mr. Suave version… hehe. Baka naman pag sikat ka na, di na kita ma-reach… hehe.

    Labyu! 🙂

  9. divine Says:

    sana di ka makalimot pg nag hit album mo… naka2tuwa tlgang bumisita sa blog mo…. idol.. hehehe

  10. evi Says:

    tuwa talaga ako sa album cover. unique talaga. natatawa ako sa chipmunk. talagang talented. bow!

  11. bing Says:

    at long last, i was able to listen to THE VOICE with the distorted and orig versions. madamdamin ang birds – liked the rendition beri much. naaliw nang husto sa hay bilangin mo reprise, di patas ang hatian ha ha. but eneweiz, how do i avail of d copy? baka mahal yan,a!

  12. kengkeng Says:

    kuya jay, gusto ko sana iyong akin, pirmahan mo ha… tawa-tawa ko ng tawa don sa chipmunk version…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: