You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!

April 22, 2005

last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.

doon lang ako nagpunta sa dentista namin sa talipapa, novaliches (upon the recommendation of my mom who even scheduled the dentist appointment for me). sa tabi lang daw ng paradahan ng tricycle ako magpunta at makikita ko na raw ito. pero hekshuli, naligaw ako kasi yung bungad ng clinic ay isang beauty parlor. may sumalubong nga sa akin na bading with a funny grin and a look na parang kakainin ako.

BATJAY: stupid question darling, pero dito ba sa parlor mo ang clinic ng dentista?

MANGKUKULOT: aaaay! kayo po ba si mr. batjay? ang kisig kisig nyo pala. nagbubuhat po ba kayo ng weights? ako nga pala si estelle, kanina pa po kayo hinihintay ni doctora!

BATJAY: hi estelle. magpapapasta lang sana ako. pero pwede mo bang isabay ang facial at pedicure?

MANGKUKULOT: hehehe… palabiro pala kayo. nagtutuli rin ako. gusto mong magpatuli sa akin? aaaay, ayan na si doc. siya rin nga pala ang may-ari ng parlor kaya pinag isa na niya ang clinic dito.

ang estimate ko eh dalawang pasta lang at linis ng ngipin – mga 30 minutes max. eh pag tingin sa ngipin ko eh kailangan daw ng anim na pasta bukod sa general cleaning (sa tagal ng inabot para akong nagpa detail ng kotse instead na regular car wash). hemingway, dalawang oras ako sa dentist chair. DALAWANG ORAS, bwakanginangyan. nangawit ang bibig ko dahil ang tagal niyang nakabukas. nilagyan na nga ng doctora ng pampabukas ng bibig ang ngala-ngala ko kasi sa sobrang tagal, nakakatulog na ako (lakas ko raw humilik. gagang doktora yan, pinintasan pa ako). kung di lang ako paalis na sa singapore, di ko titiisin ang dalawang oras na naka nganga. ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng bading na callboy na lumagari sa pag bo-blowjob.

Advertisements

No Responses Yet to “You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!”

  1. ajay Says:

    bwahahaha..sana nag pa souvenir picture ka kuya jay with your mouth open.napansin ko, multi-tasking na talaga ang mga establishments dito ngayon. merong laundromat doubling as an internet cafe, beauty parlor na me karinderia etc. i wonder what they will think of next


  2. hi ajay.

    binigyan mo tuloy ako ng idea para sa future topic – kukunan ko ang loob ng bibig ko and will explain kung saan ako napastahan, nabunutan at na root canal. interesting yan.

    ang dami ngang mga dual establishments ngayon ano. yang parlor-dentist clinic ang isa sa mga pinaka weird. ano pa ba ang mga magandang pwedeng combination? massage clinic at doctor na gumagamot ng tulo?

  3. Jet Says:

    Di bale mylab, at least ngayon your dental health is tops… hehe.

    Uhhhrmm… health insurance sa harap, funeral parlor sa likod? hehehe 🙂


  4. pwede rin yan mylab! ang galing ng idea mo – parang yung nagtitinda ng bulalo sa labas ng national orthopedic hospital. pwede ring tindahan ng bopis sa labas ng kidney center or QI.

    ingat ka diyan. lab U!

  5. Joel Says:

    Kala ko pa man si estelle yung dentista mo at side line lang nya yung mag kulot hehehe. Sa panahon ngayon uso na rin kasi yung dala-dalawang trabaho.

    Magandang combination ? Barber shop saka landscaping especialist kaya?

  6. Capt Kupal Says:

    si maricel yung dentista ko at si estelle yung mangkukulot. mayron din silang isang assistant at saka may alaga ring asong 11 years old. mukhang maganda ang business ni doctora – booming ang parlor niya at ang laki ng binayaran ko sa kanya for the anim na pasta.

  7. evi Says:

    i also visited your wife’s site pero nakalimutan ko mag-comment kasi there is a link sa last entry nya sa isang article about you. sikat pala kayo and your blogs. i didn’t know you are all over the web. anyway, did you send me an email or was it an automatic reply? kasi yung message po napunta sa junk folder. by the time i hit empty, dun ko lang napansin ang famous name na batjay but t’was too late. grrr…

  8. tin Says:

    excited na rin kami makauwi ng pinas for our much awaited trip to the dentist! takot din kami dito magpa cleaning e.

    anyhoo, sama ka tomorrow night sa min nila leah, eder, ron and growen? after ng lea-lea concert, beef horfun and oyster omelet tayo! sige na..


  9. hi evi.

    i sent you an email. i try my best to respond to people who write to me. sometimes i get overwhelmed but it’s the least i can do to someone who spends a few minutes to read what i write. you should visit my wife’s site more often – she writes better than i do. a whole lot better.

  10. ELVIS BATJAY Says:

    Tin!!!

    sige sama ako. tagal ko na ngang naghihintay ng mag magiimbita sa akin kumain ng hor fun. hehehe. may craving na naman ako. text lang ninyo ako at diretso na ako doon sa lorong 9. dapat lalabas kami ni eder last night – di natuloy. baka busy. ako rin eh super pagod. 3 weeks na akong straight na walang pahinga.

  11. redjeulle Says:

    hehehe…funny ka talaga. trip to the dentist lang nakuha mo pang gawing funny. anyway, i linked you, sana ok lang. actually matagal tagal na rin pero magpapaalam na rin ako. 🙂

  12. bing Says:

    wala talagang kakupas-kupas… galing ng andar ng utak!

    made a poem for you – here –> http://www.thoughtsinverses.blogspot.com

    pagpasensiyahan mo na…


  13. maraming salamat sa tula, bing. nakakataba ng puso. appreciate ko yung ginawa mo. ingat at salamat ulit.


  14. kamusta na redjeulle? gusto ko ang title ng blog mo. “when the shit has hit the fan” – bwahaha. ok lang ang link habang libre pa. hehehe. ingat!

  15. kat Says:

    wow…jet-setter kapala at back-n-forth ka between Singapore and Philippines! Ilang horas ang flight? Gusto kong pumunta sa Pilipinas, Singapore at Indonesia maybe this year (wala lang nga akong pera! hahah). One day…

    And oh yeah! You like SONIC YOUTH! Very cool Unkel Batjay!


  16. jet setter kuno lang yon. i don’t travel as much as i want to. gusto ko kasi every weekend, nakaka uwi sa manila. hehehe. pero actually, with the advent of the budget airlines here in singapore, it may now be possible to fly every week because the fare is now at an all time low. you can get a ticket home for $56. not bad ano?

    travel time to manila is three hours from singapore. you should visit the region. singapore is a nice place to use as your HUB to travel to indonesia, australia, malaysia and thailand. the travel is cheap because of the budget airlines. you can use singapore as a homebase because it is safe, clean and everything works.

  17. vangie Says:

    fly to manila for $56?!?! nakakainggit ka naman!

    oyster omelet? sounds yummy, even though i don’t like oysters.

    thanks for making me smile again. galeng ng description ng dentist visit, complete with gay greeter

  18. kiwipinay Says:

    kuyang, kahit dito, takot na akong pumunta sa dentist mula nung may nabalitaan ako na isang pinay na humina ang pangangatawan nya after she had her amalgams taken out at wala sa tamang bite ang ngipin nya. she has to go back to manila to detoxify tsaka i-fix ang bite nya. pero hanggang ngayon, di pa rin sya ayos.

    2 hours na nakanganga, kakangawit nga yan. but-buti nga lang kung totoong anim nga ang dapat nyang ayusin instead of dalawa lang. kundi, rip sya noh? hahahaha!!!

    salamat sa tawag mo kuyang. it made my day. (testing ko lang ito kung papasok. )

  19. kiwipinay Says:

    yeheyyyyy!! ayun! hokey na sya! pumasok na nga. galeng! di na nag-error pag-click ko sa “more”. may ginawa ka ba? or sadyang may topak itong pc ko?

  20. Ibis Scarlet Says:

    Ateng!

    Kamusta ka na? buti naman at nakakapag comment ka na. Problema ata yan ng aking Server sa mga ibang ISP. Anyway, salamat naman at nakapag comment ka. Ingatan mo ang sarili mo and I hope you’ll feel a lot better soon.

    Jay

  21. bing Says:

    no problemo…!

  22. Jolog BatJay Says:

    hi vangie.

    we just had oyster omelette tonight. kasama ko sina tintin and ronald. with our other friends leah, eder and owen. great stuff. nakakatawa talaga yung clinic ng dentist – nasa loob ng beauty parlor.

    uso na ang budget airlines sa asia-pacific. i think, it’s going to change how we travel here in the region.

  23. schatzli Says:

    naku mr batjay di ko akalain pwede sa pinas mag pa dentista at the same time mag papedicure.
    ako naman mo I pay 50euro sa cleaning lang, ang prob ko po ay addiction ko sa black tea na ka cause ng stain.
    May service ba sa Pinas na ganito tanggal lang ng stain, sabi ng dentist ko para daw makaipon ako gamitan ko raw ng straw ang hot tea …

  24. toni Says:

    iba talaga mag-joint venture ang mga pinoy ‘no? parang yun laundry shop and mineral water vendor in one. yeah yeah i understand the logic behind it pero naman diba, at first glance. hehehe.


  25. hi toni… laundry shop ang mineral water? i can only guess that the water they use for doing the laundry is recycled as drinking water via their reverse osmosis machines. that’ll work.

  26. Lolo Libog Says:

    ngayon nga lang ako naka experience na magpa dentista sa loob ng beauty parlor. nakaka panibago. hehehe. mahal pala ang dentist sa europe.

    black tea? mayron atang pangtanggal nito. tanong mo sa dentista mo sa pilipinas the next time you come home.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: