SHOOT TO KILL

April 14, 2005

isa sa mga masarap kainan sa cebu ang SUTUKIL sa mactan island ng cebu. tulad ng mga tagalog (TAPSILOG, LONGSILOG, etc), may mga acronym din ang mga cebuano sa mga pagkain. ang ibig sabihin ng SUTUKIL ay SUgba (ihaw), TUwa (tinolang isda) at KILaw (kinilaw sa suka). nung araw pa ako nagpupunta rito kaya nagulat ako’t medyo maganda na rito ngayon. mas marami nang kainan at na develop na nang husto ang shrine ni magellan at ni lapu-lapu. yung SUTUKIL place kasi sa mactan ay right beside the actual site kung saan pinatay nina lapu-lapu ang dayuhang si ferdinand magellan (ika nga ni pareng yoyoy eh “in march siktin piptin-handred-tweynteewan, wen pilipin was diskowberd by mahdye-lahn”). medyo mahirap lang nga mag explain ng history sa mga foreigner.

BATJAY: this is mactan island and we are at the actual site where magellan was killed.

FOREIGNER BISITA: really? all along i though magellan was the first person to circumnavigate the globe.

BATJAY: o, that is just a BS story. the truth is that in 1521, magellan was killed in this very spot by the warrior king lapu-lapu. it marked the first time foreigners were repulsed on philippine land.

FOREIGNER BISITA: so what happened to lapu-lapu?

BATJAY: he became a fish. you’ll see later on, i will order tinolang lapu-lapu. has beri-beri good taste, ay tell yu!

Advertisements

No Responses Yet to “SHOOT TO KILL”

  1. ann Says:

    hi! “lurker” ako dito sa blog mo, hope you don’t mind…nagkakandahagalpak ako sa tawa sa mga posts mo…anyways, super-miss ko na yang sutukil ‘no…buhay pa rin ba yung manukan country? pakikain naman ako ng isol at saka isang puso…

  2. bambit Says:

    bossing batjay! sandamukal na tao na ang inaway ko sa PLDT pero hanggang ngayon weder-weder parin ang pagkonek ko sa site mo 😦 buti nalang nakatsamba ako ngayon, and to think you’re on what used to be MY island (Opon, aka Mactan) hehehe matagal din ako nakatira jan, bahay namin nasa likod ng city hall. enjoy ka ng husto sa Cebu! 😀

  3. rolly Says:

    Sutukil- parang panahon pa ng cowboy ko naririnig yan a. Yung mga ginagawa sa mga outlaws. Sa Cebu pala kinakain yan?

  4. rene Says:

    opo tito rolly, ganun kalupit mga cebuano. kumakain ng death threats. lalo na kung “sutukil”. hehe. biro lang po.

    batjay, sa’n na tindahan ka kumain dun? mas maganda kung sa “NO PROBLEM”. pag-tinanong mo sila dun kung masarap ba pagkain nila, sasagutin ka ng “no problem!”. later you’d realize na “no problem” ang sagot nila palagi sa mga tanong mo. tapos tanungin mo kaagad kung pwede bang hindi ka na magbayad sa kinain mo. pakinggan mo kung “no problem” pa rin ba ang sagot. hehe! kakaaliw dun!

    pinuntahan mo na ba ang Larsian? orgasmic din ang kain dun! Sa Fuente Osmeña pala yun. Malapit sa Chong Hua Hospital.

    for a nice nightscape view of the city while eating dinner, sa Mr. A ka punta. high above nivel hills yun. 🙂

  5. Jet Says:

    Hehehe… you and your adorable stories. Pakiss nga! 🙂

    Labyu!

  6. toni Says:

    Crazy ka talaga! *LOL*

    Favorite ko rin yun SUTUKIL. 🙂


  7. hi toni.

    dami ko nang inorder. starters: kilaw at seaweed salad. main course: tinolang isda, sugba na tanigue at adobong pusit. ang sarap. ang laki na ng pinagbako ng sutukil. modern na. last time i was there – maliliit na stalls pa lang yon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: