Blog-o-Rama

March 30, 2005

eto pa pala ang isang babasahin. pag may oras kayo, imbis na mangulangot eh bakit di kayo magpunta sa “blog-o-rama” – ito yung weekly column sa manila bulletin ni AJay. ang article this week ay interesting – tungkol sa “How Blogging Started in the Philippines“. mayron ngang special mention sa akin si AJay. bwehehe. maraming salamat dahling – nagmukha tuloy akong kagalang galang. sino ba talaga ang nagpauso ng blogging sa pilipinas? nag start akong mag blog formally nung september ng 2001. nalolongkot kasi ako rito sa singapore kaya imbis na magmukmok ay naisipan kong isulat ang mga experiences ko as an OFW. pero even then – marami nang mga pinoy bloggers. some of them are still around and they are the ones who really have interesting things to say. kumbaga, na prune na ng time ang mga bloggers at ang mga natira na ay mga tunay na gems. you can check them out – ate sienna, mona, si ibalik, markmongmukhamo, don manuel. yan mga idol kong gurang na sa pagsusulat online. bwehehehe. sila talaga ang mga masasabi mong – “may asim pa“.

nagpadala sa akin si ajay ng questionnaire tungkol sa blogging at ang mga sagot ang isa sa mga source para sa article niya. sa blogkadahan, may mga questionnaire din kami – ie, mga listahan ng mga tanong na pinagpipilian namin para maging blog topic. heto ang mga suggestions ko:

01. ANO ANG UNA MONG SINASABON PAG NALILIGO?
02. ANG PABORITO KONG SEXUAL POSITION
03. BALAKUBAK AT TUTULI, MAY RELASYON BA ITO?
04. BAKIT WALANG SNOW SA PILIPINAS
05. POGI BA SI BRUCE LEE?
06. BAKIT MASAKIT KUMAGAT ANG SUROT?
07. ANO ANG MAS GUSTO MO ANGHIT OR BAD BREATH?
08. NAGPEPEKLAT BA ANG SUGAT SA PALAD?
09. BAKIT WALANG UNGGOY SA ANTIPOLO
10. SINONG MAS MAGALING SI VOLTES V O SI VOLTRON?
11. BAKIT MASARAP ANG SINIGANG NA BABOY
12. NAKAKABULAG BA TALAGA ANG MASTURBATION
13. ano ang gusto mo: sugat sa gilagid o makating pwet?
14. masarap bang mahalikan ng may bigote?
15. ang buhok ba sa ilong ay sexy?
16. may tutule ba ang mga elepante?
17. bakit di nagsusuot ng panty ang mga kalabaw na babae?
18. lahat ba ng mangga ay dilaw pag nahinog?
19. german weiner or pinoy cocktail hotdog?
20. eh ano ngayon kung supot?
21. bakit walang kwadradong gulong ang mga taxi?

Advertisements

No Responses Yet to “Blog-o-Rama”

  1. ibalik Says:

    ang natitirang pioneer blogger from pinas (nuon) ay si markmomukhamo. madami akong natuklasan pinoy bloggers nuon nung buhay pa yung digitalrice.

  2. tin Says:

    deserving kang ma feature among others na talagang idolo natin sa blogging. kasi ikaw pa lang ang tanging blog na kayang magpatawa with tact. in short, hindi offensive ang mga jokes mo — bihira kayang gumawa nun ha. others go overboard trying to imitate your writing style.

    so, congrats! ikain natin yan ng oyster omelet at hor fun bukas!


  3. teka, ka gerry. tangnenek… nakalimutan kitang isali sa mga idol ko. idadagdag lang kita partner sa listahan ko. teka lang. ayan na edit ko na. isa ka rin pala as mga pioneer na inaydolize ko. salamat sa comment sir.

    mga kapatid – idol ko rin si ibalik. isa yan sa mga ninuno ko.

  4. mona Says:

    kuyang, you are “older” than i am pala (figuratively and akshuli). i started blogging in feb 2002.

    sarap to have on-line friends and see how they’ve changed over the years … and stayed the same. katulad mo, mula pa no’n, hanggang ngayon, napag-iisip mo kami dahil sa mga kalolohan ibina-blog mo. at hanggang ngayon, obsessed ka pa rin sa pototoy. ๐Ÿ˜‰


  5. hi tin! hehehe… maraming salamat sa iyong mabulaklak na pamumuri. at dahil diyan – sige, sagot ko na ang sizzling oyster omelette na large size bukas ng gabi. hehe. sarap yon sa hor fun.

  6. jennipeng Says:

    wala akong ma-say, fafa jay!
    you’re too popular, like freddie aguilar,
    everywhere you go, people say hello,
    you’re a celebrity, thanks to your notoriety!
    you’re full of wisdom, hence, your stardom!

    (o di ba, may future na din ako sa poetry-writing!)

  7. myPrecious Says:

    funny talaga kayo… anyway… yang ajay ba eh nagsusulat din sa peyups.com??? wala lang may nasulat din kasi dun tungkol sa blogging. anyway, i’ll just check blog-o-rama.

  8. roland Says:

    hehehe… okey yang mga questions mo … pang double jeopardy…questions we all like to know but were afraid to ask.

  9. Capt Kupal Says:

    ka roland! hehehehe… double jeopardy. magandang ipasagot yan sa mga walang sense of humor.


  10. hello yourPrecious. di ko alam kung nagsusulat si AJay sa peyups.com. punta ka na lang sa blog-o-rama at email mo siya from there.

  11. ELVIS BATJAY Says:

    wow jennypeng, ang galing mo talaga. artista, peridista, makata pa ngayon. salamat sa tula – galing ah. pwede ka nang pumalit kay pablo neruda.


  12. eh ate mona sa pag-iisip naman at sa pagsusulat, ate kita.

    oo nga, you can see how your online friends have changed over the years – tulad mo, nag shift ka ng blog to semi-fiction (or semi autobiographical?), but the writing is still the same: very good.

  13. Jet Says:

    Sa dami ng napapasaya mo sa mga blog mo mylab, you really deserve to be featured in the write-up. Kahit saan ka talaga dalhin, you shine… and make me proud.

    Labyu! ๐Ÿ™‚

  14. vangie Says:

    you are so creative and imaginative! pinoy cocktail hotdog all the way! ๐Ÿ™‚


  15. pinoy cocktail hotdog rules kasi malasa kahit maliit. BWAHAHAHAHAHAHAHAH!

  16. Haring David Says:

    maraming salamat mylab. ang importante lang naman sa akin ay ang mapasaya ka. lab U

    jay

    ps may mag sha shine siguro ako pag nakalbo na ako. malapit na.

  17. babewolf Says:

    Ibang klase ka po Mr. BatJay! Idol po kita! Ayos na ayos!

    Pinapaligaya mo ng lubusan ang aking mga araw as a domesticated semi-goddess!

  18. Isip Bata Says:

    maraming salamat sa pag comment babewolf. kanino ka ba na link – kay romulus o kay remus?

    gusto ko ring maging katulad mo na domesticated semi-goddess. malaki ba kita sa ganyan?


  19. salamat sa mention ser! sorry at na late. aktuwally, mas madaming Pinoy sa US ang nauna mag-blog. nakakatuwa dahil naghahanap ng kwentong Pinoy sa web. ‘yan is Ibalik madaming rin akong napuntahan na bloggers na Fil-Am. kung naabutan mo si Jodinand, tiyak magugustuhan mo yun. Hayup din sa hirit yung taong yun.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: