ANG MGA BATANG KANING LAMIG

March 17, 2005

ANG ako nga pala si batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk. thirty nine years old na ako (pero tinitigasan pa rin) at labintatlong taon nang kasal (buti na lang talaga, tinitigasan pa rin). kaliwete akong magsulat (pero ang paghugas ng pwet ay kanan) at partially color blind (may mga shades of red and green akong hindi ma distinguish). apat na taon na akong nakatira sa singapore kasama ang misis kong si mylabopmayn jet. ayaw ko sanang umalis sa pilipinas dahil mahal ko ang aking bayang magiliw kaya lang nasilaw ako sa pera.

dahil kyut ako at malakas tumawa ay sinuwerte ako na mapabilang sa isang e-group na walang magawa sa buong magdamag kung hindi magtsismisan at magpatawa sa email. sa sobrang dami ng mga kwento namin sa isa’t isa ay nabuo tuloy ang – “Blogkadahan.com: The Rebels Without Because“. ang title na ito ay galing sa pelikula ni redford white. napaka angkop dahil ang site na ito ay tungkol sa mga kwento ng mga taong matino na walang magawang matino. pero don’t get me wrong, sila ay mga respetado sa kani kanilang mga propesyon and you can never find a more kind hearted, intelligent, funny and not to mention beautiful group of people anywhere else. isa pa, wala silang mga anghit. ito ang pinakadahilan kung bakit ko sila nagustuhan.

pito lang kami nang magsimula last december. si sassy, si cathy, si polo, si doc emer, si mylabopmayn jet, si tito rolly (na pipito na lang ang buhok) at ako. ngayon we are a group of around 33 people. simple lang ang purpose ng blogkadahan.com – each day, two members will blog about a common topic that we have agreed upon previously. ang una naming topic ay pagpapakilala sa mga members – dito pa lang nakakatawa na at engaging ang mga kwento. kakatapos lang namin ngayon at naka blog na lahat ng mga memners. simula bukas naman – tungkol sa pag-ibig ang post. ang title ng thread ng blog ay: “IS PERS LAB NEBER DIES AND HOWKUDYU?”.

o, ano pang hinihintay ninyo, dalaw naman kayo sa aming munting community and say hi to all our members. sinisigurado ko sa inyo na hindi masasayang ang mga oras ninyo.

Advertisements

No Responses Yet to “ANG MGA BATANG KANING LAMIG”

  1. justice Says:

    naku! tatandaan kong mag shake hands sa kaliwang kamay mo hehe hirap na.
    congrats sa inyong entertaining na grupo!


  2. hoy ah, i wash my hands with soap and water. then i put rubbing alcohol. then i make punas with the towel. then i lick it clean. BWAHAHAHA… alam mo naman ang pinoy – OC sa cleanliness.

  3. joey Says:

    hahaha naku batjay nakakalito yung gamit mo ng left at right hand pano kung nagkabaligtad? dadaan ako sa blogkadahn nyo ng matawa naman tong nagluluksa kong puso syet hehe nga pala mukhang malayo ang mararating mo baka maging katulad ka ng lolo ko, meron tuloy akong tito ngayon na 7 yrs old pa lang..


  4. sige, punta ka sa rebel blogkadahan site. mas maraming matatanda kaysa sa akin doon na gumagana pa rin ang plumbing.

  5. roland Says:

    dati rin akong tirador ng kaning lamig kaya ako lumaki ng ganito….tsek ko nga rin yung site nyong bago.

  6. Capt Kupal Says:

    oo pre, puro mga batang kaning lamig ang mga naroon… tulad natin.

    kailan ang uwi mo sir? sabihan mo ako ng schedule mo sa paglapag sa singapore para makalabas tayo.

  7. Jet Says:

    Wow, umpisa na pala ng round 2. Masaya ito… hehe.

  8. bing Says:

    the site is very good… marami ang magaling… i like Polding’s style in writing, too

  9. Lolo Jose Says:

    Salamat ng marami din sa walang sawang pagtulong nyong dalawa ni Ate Sienna. Kung wala din kayo, wala ang Berks. True pillars kayo. =)

  10. Junnie Says:

    marami pala tayong pagkakapareho:
    1. isa kang lagpas kalendaryo na sa edad, pareho tayo.
    2. pero yes, pareho tayong tigasin di lamang sa lamig
    3. at kaliwa magsulat at ang nakakatawa kanan magpunas ng puwet, bakit kaya??? yung kaliwa kasi nasa dingding nakahawak?
    4. at umalis din kami sa Pinas, yun nga lang di lang nasilaw sa pera…wala lang, nainitan lang siguro at gusto makakita rin ng white meat.

    ang ganda ganda ng blogkadahan. di ba kayo tumatanggap ng blogkadang taga Toronto? ang gagaling niyong sumulat, wag na lang. o siya batjay, at natatae na naman ako….everytime na lang when im here i feel that way.

    siyanga pala, di na ako nakasagot. oo masaya ang birdie ko, este, bertday. ikaw talaga, nakakahawa ka!


  11. ka junnie – magagaling talaga ang mga kaliwete ano?

  12. Elvis BatJay Says:

    ikaw ang true pillar doc emer. ako ay isang bubwit lang.


  13. thanks very much bing – dalaw ka parati doon. ingat! jay


  14. masaya talaga mylabopmayn – musta ka na diyan?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: