CROUCHING TIGER, HIDDEN BETLOG

March 14, 2005

ISANG bago ako magsalita, isa munang update at thank you: yung dati kong shaolin master pose ay nasa version 2 na ngayon. nilagyan ni master polo ng maliit na animation ang aking kung fu piktyur. ayan tuloy ang epekto – pwede na siguro akong mag apply sa karate kid part 5. ok back to my kwento: actually observation lang ito – yung mga tea bag namin sa pantry ay puro walang mga cover. nasa isang malaking kahon lang siya naka store dahil bulk kaming bumili. ibig sabihin kuha ka lang sa kahon ng tea bag at diretso sawsaw na sa hot water. naisip ko eh subject na subject ito sa contamination. WHAT IF, yung last na kumuha ng tea sa kahon ay nagkamot ng betlog before siya kumuha ng tea bag – eh di contaminated na ang buong box? BWAKANGINA, bigla tuloy akong nandiri. the same thing goes with peanuts and chips and all the other stuff that you put on the table na mga similar snacks. what more kung ikaw ay nasa isang bar somewhere – tapos may nuts or pretzels sa counter na walang balot. WHAT IF galing sa CR yung last na kumuha doon? para mo na ring natikman yung kanyang…. UGH. i hate to even contemplate it.

Advertisements

No Responses Yet to “CROUCHING TIGER, HIDDEN BETLOG”

  1. myPrecious Says:

    haha. i’ve been reading your entries for the past month. I even link(ed) you sa blog ko. funny ka lang talaga… your pictures & entries. hehe. ;p
    yun lang po.


  2. hello yourprecious. para kang ex-hobbit na mahilig sa singsing.

    thank you for dropping by and commenting. i haven’t seen your blog because it doesn’t load (baka mali ang fung sui or down ang site mo this time). funny lang? hindi ba kyut and funny?

    ingat.


  3. ay grabe! winner ka talaga fafa jay!!!!!!!! lalong nakakainlab yang pics nyo! di ba pag nakita na ang pics eh usually hindi na ganon kalakas ang pagtawa dapat? eh bat ngayon halos hikain ako sa ver.2 mo????? grabe! naiiyak na ko sa ligaya!


  4. Crouching Jenn – Ang Kicking Filipina ng Orchard Road!

    Hehehehe. Alam ko, hindi na rin sana ako matatawa kaya lang naaliw ako doon sa subtle kicking movement ng paa ko na nakataas. That did it for me. Pero mas mabuti nang maiyak sa kakatawa kaysa mautot sa opisinang puno ng tao.

  5. lina Says:

    Hahaha! this blog is one of my favorites…You deserve the best blogger award for 2004!

    Galing mong magpatawa! Actually, I always visit ur blog esp. last month ng depressed ako. At least I found a remedy to mend my broken heart…


  6. why thank you. i’m glad that you’ve found some entertainment when you were nursing your broken heart. kung nasa singapore ka lang sana eh di nag song and dance number ako para talagang nautot ka sa kakatawa. pero di ako pwede na mag dance na naka brief – may bayad na yon. BWAHAHAHAHAHAHA. enjoy!

  7. Gulaman Girl Says:

    kuya batjay!! ate batjay!!
    nasa singapore po ako ng apr 10-14!!!! sa hotel 1929 ako.

  8. linda Says:

    Hi,
    Just curious, are u by any chance a graduate of Quezon City Science Hi-skul class ’81?
    Are u d same, d one & only, Nicanor David of Edison- IV…?

  9. The Ca t Says:

    bat,
    when i was working in this nonprofit org. we have a very big kitchen that is open kahit sa visitors kaya, i never used the coffee, tea and water.
    may sirang ulo lang na pumasok doon puwede na kaming i-poison.

    ang mga pumapasok lang naman ay ang mga nagnanakaw ng baon na nilalagay sa ref.

  10. CAM Says:

    Hi, BatJay.

    Sobrang nakakatawa ang blog mo. Taga-QueSci ka nga ba, gaya ng tanong ni Linda? Taga-roon din ako pero lower batch.

    Anyhoo, tungkol sa phobia mo sa contamination: kung iisipin mo ang lahat ng klase ng mikrobyong nakapalibot sa atin araw-araw, hindi ka na kakain, di ka na hihiga o uupo, di ka na hihinga. There are germs even in the shower head! Pero mas malinis pa rin daw yon kesa sa pagtatampisaw sa bathtub kung saan humahalo ang iyong poopoo sa tubig na siya mo ring nilalanguyan. Yuk di ba? So di ka na rin maliligo, ganon? Magiging si Howard Hughes ka, sige.

    Buy tea in individually wrapped packets. That should solve your dilemma. At magbaon ng alkohol araw-araw. Kasi di mo rin alam kung ang pumindot sa elevator button bago sa iyo ay may kurikong, di bala?

    Warmest regards! Keep us laughing!

  11. vangie Says:

    mas cute sana kung gumagalaw din yung yosi 🙂

    na-shock ako sa ibang kaopisina kong kano rito. hindi nagwa-wash after they do their business. kadiri to death! (circa ’84)

  12. jessie Says:

    ang cute ng paa mo!!!! hehehe.

    galing naman ng gumawa.

    magbaon ka na lang araw araw. o di kaya, pag dating nung isang box ng tea, itago mo na. personal consumption ba.

    salamat sa kakatawang blog. 😀

  13. toni Says:

    Okay, this wins the funniest picture award!


  14. hi toni. funnier than the other pictures in my 1001 site?


  15. bakit paa lang ang kyut? paano na yung sexy kong katawan at guwapong pagmumukha? si master polo ang gumawa nito. mayron na nga akong personal tea. 3 in 1 na powdered. pwede na yon. maraming salamat din sa pagbisita jessie.


  16. aha vangie… mga non washable din pala sila ha. pano yan pag nag shake hands sila? BWAHAHAHAHAHA.

  17. missP Says:

    buwahahahaha! nahulog ako sa upuan ko after seeing your pics, idol! alala ko tuloy i watched the filmCrouching Tiger in original version…chinese! hahahhaa! nahulog din ako sa upuan nun, kaka pigil ng tawa ko because hubby was so upset about it!

  18. schatzli Says:

    talo yata ang animation ng crouching tigers dito, mas effective ito.

  19. Jet Says:

    Magbaon ka na lang ng sarili mong tea mylab. Baon ka na rin ng sarili mong peanuts. Yung chips and biscuits, sa bahay ka na lang kumain.

    Tsk! Kung andyan alng ako, di mo na problema ito’ng mga baon baon na to.


  20. hey g-girl. thank you sa pagsulat. naku, napakasama naman ng timing mo. sa april 9 to 17, nasa pilipinas ako. sayang naman. pag naiba ang schedule mo, email mo lang ako.

  21. Haring David Says:

    hello linda.

    no i am not that nicanor david of edison 4 quezon city science high school. but i have heard of him all my growing up years. we went to the same college and there were times when he failed to pay his tuition and the registrar’s office would call me instead. i’d be pissed off of course. hehehe. there was also one time when i was applying for an NBI certificate and i think the same guy had a case in court and was wanted. pissed me off even more. hehehehe. i’ve thought about what this phantom namesake looked like all these years. hindi ko alam kung kukutusan ko siya or kakamayan pag nagkita kami. BWAHAHA.

  22. linda Says:

    Haring David,

    Thnx 4 ur reply, there’s 1 thing clear…ur not my skulmate. But ur blog is much more than entertaining
    & ur award simply put d icing on d cake–sheer recognition of ur fine work.
    Kudos 2 ur talent!

  23. Isip Bata Says:

    yun nga ate Ca T – common pantry at open sa isang wing ng floor namin. medyo delikado nga. baon na lang ako ng tea.


  24. hindi ako taga QC science high. kapangalan ko lang yon na kung saan saan kong nakikita. pareho kami ng college at minsan di siya nagbayad ng tuition, ako ang nasisi. hehehe.

    maraming salamat sa payo mo. kamag anak ka ba ni tiya delly?

  25. Isip Bata Says:

    uy, dahan dahan lang missP. masakit yon.


  26. siyempre schatzli. kita mo pa yung paa ko – up and down, up and down. hehehe, galing ano?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: