I feel like letting my freak flag fly

March 7, 2005

early monday morning, may highlight of the day na agad ako. umalis ako ng mga 7 am at nag bisikleta papasok like i do every single working day. nakahinto ako as isang intersection at nakatingin sa stop light nang biglang nakita ko sa gilid ng aking mata na may lalaking nakatayo sa tabi ko. nakahubad siya except for a pair of shorts and he had the silliest grin. tiningnan niya ako ng eye to eye at ngumisi na parang gusto niya akong kainin. eh di siyempre nag good morning ako at ngumiti rin pero nakahawak ako sa backpack kong may laman na computer. pag lumapit pa siya, hahampasin ko sa ulo. ngayon lang ako nakakita ng siraulo sa singapore upclose sa halos apat na taon ko rito. may tendency kasi sa mga singaporean chinese na itago ang mga kamag anak nilang may physical deformities at mental problems kaya bihira ang mga ganito sa kalye. after a while lumakad na rin siyang papaalis. nag babay pa nga ako pero hindi na siya lumingon pabalik.

Advertisements

No Responses Yet to “I feel like letting my freak flag fly”

  1. jessie Says:

    kindred spirits. 🙂

    may sm na nga sa baguio. mukha siyang barko. nandun sa dating pines hotel. nakakainis nga eh. pero in fairness, at least hindi siya mukhang kahon.


  2. perhpas kindred spirits nga dahil malakas din ang baltik sa ulo ko. pero may magnet nga ata talaga ako sa mga may toyo. parang pag nasa vicinity sila, sa akin lumalapit na parang may homing signal.

    para bang barko? sa dati palang pines hotel ang location ng SM. siguro maraming mutlo sa gabi ano? sana mabalik yung lumang uncommercialized baguio city. pero mahirap na itong mabalik.


  3. Baka akala niya you’re his long lost brother 🙂 But, I admire you for having said “good morning” and “bye” to him. Kung ako yan, I’ll leave right away!


  4. my long lost brother rain man.

    i would love to have left right away but i was in a stop light and it was red at the time.

  5. Jet Says:

    WOULD YOU PLEASE GET A PEPPER SPRAY!!!

    Alam ko macho ka at malaki ang katawan mo pero kung may sayad talaga yun, you almost always couldn’t tell what they’ll think of doing. Buti na lang harmless siya. At buti na lang talaga matalas ang pakiramdam mo, kaya you were on your guard just in time.

    Please be careful.

    Labyu!

  6. rolly Says:

    Baka naman swarding yun who was trying to pick you up? Kinalatis mo bang maigi?

  7. tin Says:

    totoo yung sinabi mo na mga locals dito tinatago yung mga mga kamaganak nilang may mental problems. sinabi yan as a fact sa isang orientation ng charity dito na naattendan ko.

    mukha naman di sya mananakit. naghahanap lang siguro ng attention or baka nakatakas sa bahay. kawawa naman.


  8. oo nga tito rolly, may posibilidad na swarding yon dahil malagkit ang tingin sa akin. baka nagbabakasakaling maging potential papa niya ako. ARAY. eh ayoko namang mag iba ang tunog ng utot ko kaya di ako game as mga ganyang activities. pero talagang lukoluko dahil naka short shorts lang siya at nakatapak. kawawa nga eh pero siyempre natakot din ako ng kaunti.


  9. hello mylabopmayn. sige, mag iingat ako. nag iingat naman ako parati eh. at saka may helmet ako. bawal ata ang pepper spray sa singapore. di ako nakakakita nito rito. pwede ba itong gamitin sa pag gawa ng pepper steak, mylab?

    ingat ka – lab U!


  10. hi tin! oo nga, sa tingin ko ay nakatakas lang sa bahay. doon kasi sa kabilang side ng road ng loyang eh puro mga town house. tapos doon sa isang side ay HDB. naawa rin ako.

    bigla nga akong na home sick dahil wala siyang pinagkaiba doon sa taong grasa sa maynila except wala itong grasa.

  11. Major Tom Says:

    This is the very first entry of yours Mr. Batjay, that is devoid of any humoric pretension and I felt that it is a scathing observation about the hidden lives within the ever mysterious Singaporean society. Was he a crazy man? Was he an abandoned person? Or was he a stowaway hungered on the streets of the lion city, and reaching out for hand me downs and throw away food from strangers. Your entry, Mr. Batjay, opens up to me a view of the harshness of the metropolis, in a world that is lacking in sanity.

    Sana, hindi ka mainis, pre. Pre…nandyan ka pa ba?

  12. tin Says:

    yep, pers day of work.. oks naman, nagpa cute nung umaga at nag blog nung hapon.. hahaha.. ang productive no?

  13. bing Says:

    hindi kaya ‘it takes one to know one’? he he he
    can’t find the right words how to describe sam1 who stared eye to eye sa isang sira ulo… kadalasan, one would just look away and pretend na walang nakikita… ‘bang klase talaga, ha… e, how does it feel to stare at him ba?

  14. kat Says:

    buti naman at friendly naman siya. buti rin at ngumiti ka sa kanya. it’s nice to be friendly, di ba?

    one time na pumunta ako sa paris, naghihintay ako to cross the street at sa gilid nang aking mata, may nakita ako na guy na ngumingiti sa akin about 5 feet away. ako naman, very puzzled. feeling ko, “kilala ba niya ako?” until i noticed that his coat was open from the waist down at nakalabas ang kanyang you-know-what.

  15. BatJay san Says:

    oh no! you’ve been flashed, kat. nakakainis naman yon. except for the flashing, that the exact same thing that happened to me. a man lurking in my periphery whom i saw in the corner of my eye. in my case, talagang nagulat ako and was wary even if i was smiling back.


  16. hi bing! tama naman na it takes one to know one. matagal na kasi akong may toyo.


  17. hi tin. hehehehe… sige pakyut ka pa ng isang taon, para pwede nang makabili ng isang dosenang iPod.

  18. Justice Says:

    nay! katakot naman. kung ako, deadma na lang ako. buti, he was one of the harmless ones.


  19. hi justice. natakot din naman ako. kaya nga lang eh ngumiti ako agad.

  20. schatzli Says:

    Mr batjay you touched me.. the fact you said goodmorning and bye bye!
    Maybe he realized that he has the need to meet you the biggest “sira ulo ng singapore!”

  21. auee Says:

    Nakakulong sila?

    They should be let loose para mas colourful ang buhay mo dyan.

    I know i know I am so politically-incorrect

  22. Junnie Says:

    hindi kaya’t di mo natanggal ang brief mo sa ulo and wore instead of your helmet?

    you’re a good man, batjay.

  23. vangie Says:

    natawa lang ako. pati sa pagdating sa taong-grasa, talo pa rin tayo ng singapore – yung sa kanila, malinis!

  24. jop Says:

    bosing,
    alam mo kung sino yung naalala ko nang bigla nung binanggit mo na ngumiti siya ng sumkinofafreaky? naalala ko na lang bigla si corinthian.
    bosing kapag nagkita tayo, alam ko na ang skill na ipapaturo ko sa yo. kay boss jet ako magpapaturo ng pagpapalansta, sa yo… ay kung papano mamisikleta.
    ingat.


  25. well… come tutinkopit, in hindsight, the corinthian comes to mind. hmm… next time na may ngumiti sa akin na stranger, i will make sure na tingnang maigi ang mata niya. he might have a mouth for eyes.

  26. missP Says:

    hahaha, sabi nila: “bird’s of the same feather, flocks together”. kasi naman idol, kita din kita nung morning na yun, u forgot to take off the brief on your head on your way to work,…kaya yun, that almost/half-naked guy thought, he should be nice to people like you, buwahahahahaha!!!

  27. Capt Kupal Says:

    hello msP. welcome back. hayaan mo next time isusuot ko na ng tama ang underwear ko. hehehe. ingat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: