THE DIARY OF A WEEKEND HOUSE HUSBAND

February 26, 2005

NAGPAGUPIT dear mylabopmayn, matutuwa ka na naman sa akin. marami na kasi akong nagawa ngayong sabado and it’s not even lunch time. una, nagpunta ako sa barberong malay para magpagupit. ayan, tingnan mo ang bago kong hairdo. bagay ba? huwag kang mag-alala mylab, buhay pa siya. pagkatapos magpagupit ay dumiretso ako sa turo-turo para mag brunch. nag order ako ng paborito nating chicken chops with rice. may nakatabi akong matanda na tingin ng tingin sa akin. na conscious tuloy ako at medyo nag dekwatro. mahirap na at baka bigla niyang dakmain ang betlog ko. dumiretso ako sa grocery after the meal. marami nga akong napamili. bigas, kang-kong, liempo at tatlong bote ng juice (na bininyagan kong juice ama, juice anak at juice espirito santo). naawa ako doon sa isang bata na nakasabay kong mamimili. medyo masikip kasi sa bilihan ng karne at sa pag-iwas ko sa mga tao ay nasiko ko sa ulo ang bata. tapos nung nagbabayad ako, bigla akong napabaling sa tindera. nasiko ko na naman ang ulo nung bata ng ikalawang beses. siguro nahihilo pa rin siya hanggang ngayon. pero nag sorry naman ako ng dalawang beses.

mahirap palang bitbitin ang limang kilong bigas at tatlong 2 liter bottles ng isang kilometro. nangawit ang dalawang kamay ko sa kakabuhat. to add insult to injury pa eh habang naglalakad ako ay nalaglag ang maluwag kong shorts. di ko naman agad naitaas dahil nga may hawak akong mga grocery sa dalawang kamay. tumingin agad ako sa kaliwa’t kanan para alamin kung may nakapansin sa akin. parang wala namang nakakita dahil wala akong narinig na tumatawa. mahirap pala ang ginagawa mong pag grocery mylab: punong puno ng excitement. pakiramdam ko nga eh para akong action star sa isang pelikulang bumbay. o siya sige, bukas ko naman ulit itutuloy ang aking kwento. ingat ka na lang mylab at huwag mo akong alalahanin dito. everything is under control. lab U!

Advertisements

No Responses Yet to “THE DIARY OF A WEEKEND HOUSE HUSBAND”

  1. Jet Says:

    Everything is under control except your shorts… hehe. Mylab, di kaya yan e karma sa pagkakasiko mo sa ulo ng bata? Pero ok lang yan mylab… pinakapogi ka pa rin. 🙂

    Maaksyon talaga mamili dyan sa Singapore mylab. Buti nga sa supermarket ka namimili. E kung sa palengke ka pupunta, baka matanong ka pa ng ‘WACHAWAAAANT?!?!’ Matanong ko lang mylab, ano ang gagawin mo sa kangkong at liempo? Mag-aattempt ka ba magluto ng sinigang? Wow… aggressive ka na talaga sa kusina… hehe. Hay ham sow frowd op yu!!!

    Miss na kita sobra sobra. But I do hope you enjoy your weekend. 🙂 Labyu!

  2. leah Says:

    sige…luto ka sinigang! we’ll bring the…uh..eh..our appetites! hyuk hyuk hyuk!! ano ba terno ng sinigang?

  3. vangie Says:

    wow, usually pagdating ko dito mga 24 comments na, hehehe. ako rin, akala ko nung una, yung bata ang naghila ng shorts mo pababa.

    –vhangie (joks lang, kakabasa ko lang nung kinaiinisan mo eh)

  4. tin Says:

    aha! nakapag sinigang ka nga ba? pwede ba dyan maki dinner?? ehehehe.


  5. hi vangie. nagsawa na yung mga dumadalaw dito. hehehehe.

    maganda nga sana ano kung yung bata ang naghila ng shorts ko pababa. at least nakaganti siya. pero kung nakita niya akong naglalakad na lawlaw ang pantalon para na rin siyang nakaganti sa pagsiko ko sa kanya.


  6. hi leah.

    ikaw naman – nakakita ka lang ng kangkong, sinigang na agad ang nasa isip mo. hindi ako marunong gumawa non. hehehe. ang binabalak ko sana ay lechon kawali with sitr fried kangkong with garlic. masarap yon!

    punta kayo rito, pwedeng makikain.


  7. o tin, para ka namang si leah. nakakita lang ng kangkong, akala na eh magluluto ako ng sinigang. bwahahaha. ginisang kangkong lang sana ang balak kong lutuin tapos sasabayan ko ng lechon kawali na may sawsawang suka-toyo-sili. sarap din yon. halika. punta kayo rito sa flat at papakainin ko kayo.


  8. hello mylabopmayn. hehehehe…

    ikaw pala ang nagpasimuno ng sinigang. hindi ako magluluto nito. igigisa ko lang sa bawang tapos magluluto ako ng lechon kawali. sarap yon na combination. luto ko siguro for dinner. baka nga kaya nahulog ang pantalon ko ay baka nakarma ako ng bata. di ko naman sinasadya. hirap lang kasi mag grocery pag maraming tao dahil di mo nakikita ang mga bata.

    miss na rin kita. lab U!

  9. sachiko Says:

    Maybe you mean to tell us pumayat ka ng 5 kilos mula ng mag isa ka na lang..kaya nahubo ang short mo?! haha! joke! baka biglang sumakay ng jet si jet, sa pag aalala.. 🙂

    Nice to know you’re doing well,batman. Maybe now,you know better how housework and a “simple task” (as my hubby always say) as shopping can be really tiring,never mind the adventure! Whenever I’m back from a long stay from the Philippines,laging extra mabait ang mister ko, he appreciates my role as a homemaker better after my long absence. gudlak!

  10. jop Says:

    bosing,
    tiyak na proud na proud sa yo si jet niyan. she trained you well, hehe. kawawa naman yung bata sa supermarket, hehe you scarred him for life. hala ka, napapaginipan ka noon.

    natawa naman ako sa juice trinity mo. juice ko po!

    nga pala bosing, dalaw ka sa blog ko, andun yung pics ng bagong graphic novels na binili ko according to your suggestions. galing!

    bosing, ikaw ba ay marunong magplansta? kasi ako hindi marunong, si P ang nagpaplantsa ng shirts ko, kapag bored ka magblog ka about how to iron a shirt hehe.

    o siya, enjoy your weekend!

  11. The Ca t Says:

    di kasama si juicekoday? kwekkwekwek

  12. jenn Says:

    grabe, halakhak ako dito mag isa sa juice ama, juice anak at juice espirito santo mo!!! tas dumating si amor nakihalakhak nalang din dahil nakakatawa talaga ichura ko habang binabasa ko blog mo… lintek na bata yan, pakalat kalat ang ulo!

    at yang shorts mo.. hala lumuwag na.. mali ang paglalaba mo!

  13. juds Says:

    Kuya, ni-add kita sa link ko ha! Wag kang aayaw. Salamat!

  14. Angela Says:

    Tito BatJay, dapat kung bida ka sa action film ng mga bumbay dapat may dance number di ba? Kasi ganoon yung lahat ng films na napapanood ko, parang may isang malaking production number ng That’s Entertainment. Hehehe.


  15. kamusta na riyan sa malamig na lugar angela! may dance number talaga kahit anong bumbay film. yung ibang pelikula nga eh bago magpatayan eh gagawa muna ng song and dance number na walang relation sa pelikula. dapat ipauso rin yan sa mga pelikula sa pilipinas.


  16. walang problema juds. saka na lang kita sisingilin ng isang kanta.


  17. gandang gabi sa iyo jenn, ang sexy superstar ng orchard road. hehehehe.

    gusto ko lang ipaalam sa iyo na naubos ko na ang juice ama at nangangalahati na ang juice anak. kaya heto, ihi ako ng ihi. paki kamusta mo na rin ako kay baby face amor. buti naman at nag community laugh kayo. malas talaga ang ulo nung batang yon – kung saan saan kasi sumusuot. yung shorts ko – maong kasi kaya mabigat. bumabagsak talaga pag naglalakad ako. tatalian ko na lang sa susunod na pagsuot ko rito.

    kamusta nang periodista?


  18. hi The Ca T – juicekopo! BWAHAHAHAHA.


  19. hi jop. nabalitaan ko ang comics splurge mo. bwahaha. inggit ako, sana mabisita ko rin yang comic paradise sa new york someday. nasimulan ko nang inumin ang juice trinity. ang comics ko ngayon na binabasa ay alias at lucifer morningstar. great reads.

    marunong akong mag plantsa pero di ko ginagawa as much as possible. pinaka nakakainis ito sa lahat ng mga house chores. magluluto ako anytime pero ayaw ko ng ironing.


  20. hi sachiko.

    maluwag ata talaga ang shorts na nabili ko. pero maganda naman ang tindig kaya ok pa ring isuot. na appreciate ko naman parati ang ginagawa ni jet sa akin. but more now kasi wala siya.

    ingat sa japan!

  21. delish Says:

    lam mo batjay

    you make your wife proud 🙂


  22. thank you mec. i make her laugh too!

  23. Yupki Says:

    Batjay, baka wala kang nadinig na tawa kasi pinipigil ng mga tao na humagikhik ng malakas; wala ka ding bang nadinig na umuutot? Sabi kasi ng isang kaibigan ko, wag pigilin ang pagtawa at lalabas siyang utot.

    Hay juicekopo, this is classic.


  24. hi yasmin. kamusta ka na? oo nga, come to think of it, dapat binuksan ko ang tenga ko para sa farting sounds din. you are correct people who stifle their laughter end up farting instead. mas nakakahiya. either that or lolobo ang sipon nila. which is what happened to me sa isang dinner, a long long time ago.

  25. rolly Says:

    Bosing, next time make sure na tama nag fit ng pantalon mo. Kung hindi, lagyan mo ng pardible. Kasi nakakahiya kung ipatataas mo pa yang pantalon mo sa isang naglalakad sa kalye. Sige ka, baka mapagkamalan kang pervert dyan. hehe


  26. kanina ko pa pinagiisipan ito tito rolly. ano kaya kung talian ko na lang ng sangkatutak na lobo ang shorts ko. siguro naman di na ito bababa.

  27. ron Says:

    hahhaaaa…

    nice…great website…dito ako ngayon sa taiwan.
    nag search ako website mo ang lumabas..

    nakakatawa…nakaka-alis ng homesick.

    sana maging part ako ng website mo…

    ronnie guanzing
    Taiwan


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: