Stood up, walked across to the joint in a cloud of mist. Couldn't resist

February 23, 2005

simula nung sabado, nagtaas na naman ang presyo ng sigarillo sa singapore. ang isang kaha ng marlboro ngayon ay $11 na (mga humigit kulang na 330 pesoses). tumaas ng $1.50 mula sa dating $8.50 (280 pesoses). nung una akong dumating sa singapore nung 2001, ang presyo ng isang kaha ay $ 4.50 (mga 148 pesoses). ang laki ng tinaas sa apat na taon, ano? maghihirap ka talaga rito sa singapore pag may bisyo ka. buti na lang nahinto na ako.

i used to be a one pack a day smoker at tumigil lang ako pagtapos sumabog ang appendix ko. teka lang ha… gumawa ulit tayo ng computation kung magkano ang natitipid ko sa isang buwan dahil sa aking paghinto: 330 pesos/pack taymis 30 days equals 9900 pesoses. pakingsheet. samakatwid, based on the facts which cannot be denied, sa isang taon, ang matitipid ko ay umaatikabong 118,800 pesoses. pwede na itong gawing pang down sa bahay sa pilipinas. double packingsheet.

gaano ito kamahal? gagawa ako ng comparison… ang halaga ngayon ng budget airline ticket from singapore to thailand ay S$20. samakatwid kung smoker pa ako, huwag lang akong manigarillo ng dalawang araw ay makakapag bakasyon ako sa phuket. magandang magpunta roon ngayon dahil mura pa rin gawa ng tsunami fears. eto ngayon ang tanong: kung silent “T” ang tamang pronounciation ng tsunami, silent “T” din ba ang pronounciation ng phuket?

Advertisements

No Responses Yet to “Stood up, walked across to the joint in a cloud of mist. Couldn't resist”

  1. Jet Says:

    Ano naman ang kinalaman ng silent ‘T’ sa presyo ng sigarilyo sa Singapore mylab?

    Ako din mylab, malapit na. Tingin ko lang… hehe.

    Labyu!


  2. wala lang mylab. naalala ko lang yung joke sa DZRH nung umuwi tayo ng pasko.

    $11 na ang sigarillo rito kaya kailangan ka na talagang huminto.

    lab U!

  3. jon Says:

    batjay, before nakakaubos din ako ng 1 pack per day but now tigil na ko (cold turkey ginawa ko)… 2 months na kong smoke free… buti na lang nakaya ko lintek kasi ang presyo ng yosi dito sa sing…


  4. good for you jonathan. nag cold turkey rin ako at 9 months na akong smoke free. basta, eto na lang gawin mo, pag natutukso kang manigarillo, isipin mo na lang na 118,000 pesos per year ang matitipid mo. aba, pwede mo na itong pang downpayment sa bahay sa pilipinas.

  5. niwre Says:

    tsong batjay is it true na lollipop helps u quit smokin? tulong po!!!!!!!!


  6. kahit anong candy para mawala ang craving sa smoking ay pwede. medyo babantayan mo lang dahil sweets and food normally ang kapalit ng sigarillo. nakakataba ito. baka sa obesity ka mamatay at hindi sa lung cancer.

    at saka nga pala, hindi ako tsong.

  7. rolly Says:

    E kung dyan pala ko bumibili ng sigarilyo e ang laki na pala ng natipid ko simula ng huminto ako ano? Dito sa Pilipinas mura lang sigarilyo e. P25.00 lang kada araw. Hindi pa rin pala ko makakapunta ng Phuket with a pronounced T.

  8. misispi Says:

    hi unkle batjay,

    when you put it that way, wow, ang laki na pala ng savings ko kasi 18 months na akong di nagyo-yo. yay!

  9. miel Says:

    Dear Jay and Jet,
    isang short paramdam lang–hehee! medyo busy lang dahil sa sobrang daming tarbaho.henewi, kailangang matupad na ang ating deacon blues weekend 🙂

  10. Junnie Says:

    tama yan. at least diyan tumataas ang presyo. dito sa toronto, alta-presyon ang mga nagsisigarilyo at wala na silang lugar na magawa ang kanilang pagbubuga….bawal sa lahat ng lugar na may bubong at may ibang tao. hindi tulad ng pinas, bawal ang sigarilyo sa ibang bars…pero ang cigar ok lang daw.

  11. barb Says:

    nag hinto ako more than 6 years ago, pero broke na broke ako! congratulations to all for quitting! ^_^


  12. hi barb. congratulations. 6 years already. that’s really good. how long were you a smoker and what made you quit? di ko maintindihan – what does “broke na broke ako” mean? cheers, Jay.


  13. mahigpit din dito sa singapore ka junnie at bawal din sa lugar na may bubong. pero wala pa ring ban doon sa mataong lugar outside. naririnig ko na maghihigpit na rin sila rito. tama yon – hehehe. porke ex smoker na ako ano?

  14. Major Tom Says:

    It would be for all the best. Jumpin’ Jupiter Batjay! that’s a whole lot of money spent for cigarretes.


  15. BOSS DENGX!!!

    kamusta ka na sir – long time no hear. medyo mag-isa ako ngayon at nasa US si jet. kaya pwede mo akong hilahin anytime for ourdeacon blues weekend. miss ka na namin sir. pero actually hindi masyado kasi nakikita ko ang mga art work mo all over the city – kahit saan ako tumingin ay may gawa ka. sa bus stop, sa bus, sa mall, sa toilet at kung saan saan pa.

    ingat sir at timbrehan mo lang ako pag ready ka na!


  16. yes major tom. 118 thousand pesos a year is big bucks.


  17. oo nga tito rolly. marami kang matitipid kung dito ka smoker. alam mo, ang nakikita ko rito ay maraming nagshift sa hand rolled cigarettes. uyng guard namin sa ibaba – pag tinitingnan ko siya eh parang may joint na nakasalpak sa bibig niya. para tuloy gusto kong sumigaw ng “sindihan na yan!”


  18. wow misis pi – 18 months since your last cigarette? not bad. not bad at all. what made you quit? your kids?

  19. lui Says:

    basta ako, gusto kong ipaalam sa inyo na “z” ang last letter ng last name ko at hindi “s”. Otherwise, pwede nyo ko tawaging “mrs. plural”. hehehe.

    bilib ako sa inyo mr. batjay. ako kasi hanggang 1 week lang ang tibay ko sa pagkuquit.

    lui poquiz


  20. alam mo, you really need to quit soon. the possibility na magkasakit ka dahil sa smoking ay malaki. you may enjoy it now pero sisingilin ka niyan when you get older.

    ayan, ang galing kong manakot ano?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: