MGA KASALUKUYAN

February 19, 2005

KASALUKUYANG NILALARO: ang pototoy ko. kaya puro kalyo nang kaliwang kamay ko eh. “Oddworld Stranger’s Wrath” for the XBOX. walastic, nabighani ako rito. ang galing at bagay na bagay sa aking sick personality. sa larong ito, ikaw ay si “stranger”, isang bounty hunter sa oddworld (na kung saan, ang mga inhabitants ay mga taong manok). kailangan mong hanapin ang mga wanted na mga characters all over oddworld to get enough bounty money for stranger’s operation. ano ang parte ng katawan niya na ooperahan? di ko pa alam. wala pa ako sa kalagitanaan ng kwento sa game eh.

KASALAKUYANG BINABASANG COMICS: “Alias” 1, 2, 3 and 4 ni Brian Michael Bendis at Michael Gaydos. kwento ni jessica jones, isang superhero na nagsawa from being a superhero kaya nag decide na lang siyang maging isang detective. marami siyang hang ups sa buhay. her life is shitty, she sleeps with the wrong people, she drinks and smokes a lot at malutong pa siya kaysa sa akin kung magmura. my kind of hero.

KASALUKUYANG BINABASANG LIBRO: “Come away with me”, edited by Sarah Macdonald. mga kwentong tambay ng mga australians all over the world. a great travel companion at ok para sa mga long flights. maganda ang mga storya – nakakatawa, nakakaiyak, exciting, may action at may drama. pampamilya na at pang sports pa. parang pelikula ni dolphy.

KASALUKUYANG PINANOOD: “Ray” ni Jamie Foxx. ang pelikulang ito na based sa buhay ng idol kong si ray charles. isa ito sa pinakamagandang pelikula tungkol sa musikero na napanood ko in a long time. sabi nga ni the artist formerly known as prince who is now known again as prince eh – “jamie foxx didn’t just play ray charles. he became ray charles“. yon na siguro ang ultimate tribute that you can give an actor. the DVD is even better dahil may mga extended footages at maraming mga extra goodies.

KASALUKUYANG PINAKIKINGAN: “Genius loves company” ni Ray Charles. nagkakape kami isang malamig na gabi nina jet at ate sienna sa isa sa mga starbucks malapit sa bahay nila sa los angeles. biglang nakita ko ito sa counter. sabi ko kay jet, bilhin niya at iregalo sa akin. which she did. the next week, this very same CD that jet got for me won a gazillon grammy awards. and with good reason. the music will take you to places you haven’t been before. kung di ka fan ni ray charles and you want to sample his music, this would be a good place to start. get the CD and be captivated.

Advertisements

No Responses Yet to “MGA KASALUKUYAN”

  1. rolly Says:

    Hmm marami ka naman palang napaglilibangan sa ngayon e. Before you know it, nasa States ka na ulit.


  2. oo nga ano – tapos may nabili pa ako ngayong hapon na mga bagong libro.


  3. fafa… yung oddworld ba na yan, successor nung oddworld munch’s odyssey? kasi kung yan yun, hehehe.. alam ko na ibig mong sabihin. naloka ako sa oddworld nun eh. tinapos ko ng tatlong araw. hehehe


  4. fafa, ako yung nag-comment sa itaas.. pwede mo pa bang baguhin pangalan ko dun??? hehehe

    pag-type ko kasi sa comment box mo, ikaw pa rin ang default dun sa name and url. hehehe 🙂


  5. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    huwag na nating palitan dahil naglagay ka na naman ng disclaimer eh. oo nga, “Ang Talipandas” ang isa sa mga Alias ko.

    Ang “Oddworld Stranger’s Wrath” ay hindi direct successor ng “Oddworld Munch’s Odyssey” pero the game revolves around the same universe kaya pareho ang feel ng game. Kaya lang in this case – more action and less puzzle solving. Basahin mo yung review that I’ve linked, baka sapat ito para ikaw ay bumalik sa paglaro ng XBOX.

  6. schatzli Says:

    may I link you? but I need an exciting word or words to put sa links ko….parang header sa blog mo.


  7. go ahead and link. here are some possible titles. take your pick:

    1. kyut guy tales
    2. the funny kyut guy
    3. nautot ako sa kakatawa
    4. lumobo ang sipon ko sa kakatawa
    5. ang makulit
    6. batjay and the jakolites
    7. batjay, now a name soon a legend
    8. batjay, the rebel without because
    9. malandi si batjay
    10. donita kampuput
    11. darnita, ang pandak na darna
    12. mahinhing talipandas
    13. batjay, ang elvis ng quiapo
    14. batjay, ang dating supot
    15. the circumcised cook

  8. bongk Says:

    ayan, dami mo pala happenings sa sarili mong pugad, at least hindi mo napupuna na nag iisa ka ngayon… ang dami mo na palang titulo, ano ba ang pinaka peyborit mo? “the circumised cook”?

    cute yung “Darnita, ang pandak na darna” hehehehe

    magandang umaga, (medyo minamaximize ko na posting at himalang naka access ako sa blog mo ngayon… kaya lang di ko mabuksan blog ko eh yung kay tito Rolly na-access ko na.. di ba parehas lang kaming blogspot?)


  9. marami lang mga material for entertainment ka BongK. pero di naman ito mapupuno ng pagkamiss ko kay jet kaya napupuna ko pa rin na mag-isa ako. yon nga lang eh naaaliw ako.

    ang paborito kong title ay – “BatJay, Ang Dating Supot”.

    gandang araw din sa iyo sir. nasa pilipinas ka ba ngayon? medyo nakapagtataka nga na nakukuha mo ang site ni tito rolly pero ang sa iyo ay hindi. baka blinock ang site mo mismo ng IT ninyo.

  10. lui Says:

    hello! pasensya na kung medyo off topic. palagi akong nagbabasa ng blogs n’yo at dito ko nalaman na mapuan kayo. curious lang ako kung anong comment n’yo sa pagpapalit ng pangalan ng inyong alma mater from MIT to Malayan Colleges. 1 week na kasing gumagawa ng protest activities ang mga students at faculty at pati mga alumni.


  11. hi lui.

    narinig ko na nga na “malayan university” (malayan colleges ba? ang baduy naman) na ang itatawag sa mapua institute of technology. sana man lang ay “malayan institute of technology” ano para “MIT” pa rin ang initials. siyempre tutol din ako for the following reasons:

    1. baduy na yung mga references sa “malayan” as in we are part of the malayan race or that jose rizal was “the great malayan”. ang alam ko lang na may reference na malayan na gusto ko ay yung “malayan tiger”. eh balita ko, malapit na itong maging extinct.

    2. baka gusto lang ng mga bagong owners ng school na mag break away from the school’s past completely. i think this is wrong as well dahil mayaman ang history ng MIT as a school at sa NCAA. maraming mga sikat na tao ang nanggaling sa MIT. sana man lang kung papalitan niya ay malapit pa rin sa original name. halimbawa… “MaFua Institute of Technology” o kaya “Maf-wah Institute of Technology” na lang.

    3. mas papayag pa ako actually kung “Manila Institute of Technology” na lang. at least doon, binigiyang pugay niya ang siyudad ng maynila at ang intramuros kung saan siya nakatayo ngayon.

    siguro gumugulong na sa mga kabaong nila sina don oscar mapua at ang kanyang tatay ano? student ka pa ba sa mapua? buhay pa ba si mr. sison?

  12. Jet Says:

    Aba, at may bago ka na naman palang xbox game. Hmmm… do you miss me less then because of it? Hehehe… joke lang mylab. Labyu! 🙂


  13. hindi mylab, yon yung game na binili ko before we left for the states. aliw ako siyempre pero miss pa rin kita. di naman nila mapupuno ang pagkawala mo.

    lab u 2.

  14. lui Says:

    hindi po ako student ng mapua kundi yung anak ko. lagi nga ako naglalaba ng 2 pirasong black t-shirt nya dahil yun ang lagi nilang suot as a sign daw of protest kaya po napapost ng comment dito dahil sa previous blog nyong paglalaba. hehehe.

    they’d rather be called mapuans daw at hindi malayans. share ko lang website ng protest activities nila kung interested ka: http://www.notomalayan.tk

    namayapa na raw si mr. sison.


  15. ah, anak mo pala. malamang ay magkaidad tayo kung nag-asawa ka ng maaga. hehehe. patay na pala si mr. sison. what a character – siya ang naiisip ko kasi pag mapua ang pinaguusapan. siya ang epitomy ng quirkiness at eccentricity na napamahal sa akin. pag napalitan ang pangalan ng mapua – mawawala yung legacy at ala-ala nila. what a pity.

    iinggitin kita, ok… nung nag-aaral ako sa mapua, ang average tuiton ko ay 900 pesos per sem. nag graduate ako ng 1988.

  16. vangie Says:

    ibig sabihin, may time left ka pa after all your blogs? curious lang ako, do you manually change your alias in your comments or does your commenting system allow you to do that? sobrang bilib kasi ako sa time-management mo, may post pa nga ako na dedicated sa iyo (i’ll send it to you kapag naalala ko).

    i love genius loves company too, and i also bought it from starbucks. 🙂


  17. hi vangie.

    oo may time pa rin ako. it’s not that difficult. lemme see…

    books i read when i’m travelling or before i sleep. music, i put in my iPod and play while i ride my bike, when i’m travelling and when my PC is on. movies, i watch during weekends or before i sleep. sometimes i read while i watch movies. games, i play during weekends or before i sleep. sometimes i read while playing games. hehe.

    naka save na yung mga iba’t ibang pangalan ko and i just call them up when i comment. i try hard to reply to all the people who comment. paniwala ko kasi – if people can waste their time reading my blog AND leave a comment, the least i can do is respond. medyo mahirap na nga lately kasi dumarami ang naglalagay ng comment at dumarami rin ang trabaho ko.

    cheers,
    jay

  18. Mitayka Says:

    Hi Unkyel Batjay,

    Adik ka rin sa X-Box? Pareho kayo ng anak ko ha…subukan mo rin ‘yung FABLE, ganda ‘nun. “For Every Choice, A Consequence” RPG action and adventure. Tyak, didiligan ka na lang sa kinauupuan mo para ka lumago, hehe!

    Regards.


  19. hi mitayka.

    actually, naka pila na ang fable sa mga susunod kong lalaruin. i’ve seen it and read a lot of good feed back. tinatapos ko lang ang dalawang on going games ko na “oddworld” at “halo 2”. i expect to finish them around april so by may – i will be playing “fable”. unless i get to buy “doom 3” first. salamat sa recommendation, lalo tuloy akong naghangad na malaro na ang “fable” agad. salamat din sa pagdalaw at pag comment.

    ingat,
    jay


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: