AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE

February 18, 2005

SA WAKAS, TAPOS NA AKONG MAGLABA!!! dear mylabopmayn, siguro naman ay matutuwa ka sa akin. nakapaglaba na ako. hehehe. ayan ang ibidinsya. o, anong say mo ha – nakangiti pa ako habang ang sinapmpay ang nasa background. oo mylab pinaghiwalay ko ang decolor at puti. naglagay rin ng sabon at conditioner, este softener pala according to your instructions. at hindi siya nag amoy kulob. impak, ang bango bango nga niya eh – amoy bagong labang damit! ngyehehe. pwede na siguro akong mag resign bukas, maglalabandera na lang ako. proud talaga ako sa nagawa ko ngayong gabi. at hindi lang yan, may surprise pa ako sa iyo. as promised, isang awitin: batjay’s cover version of “the glory of love“. para sa iyo ito mylabopmayn. ni record ko ito habang hinihintay kong matapos ang washing machine. sana magustuhan mo. at saka, inahit ko nga rin pala yung buhok ko sa dibdib. wala, kursunada ko lang.

Advertisements

No Responses Yet to “AND ALWAYS HAVE THE BLUES A LITTLE”

  1. Linnor Says:

    ang bait naman! parang asawa ko. 🙂
    puro underwear yata yang nakasampay…wala lang. hehehe…


  2. yun lang kasi ang kaya kong labhan linnor – BWAHAHAHAHAHA!

  3. tagahanga Says:

    BAKIT NASA AMERIKA SI JET? BAKIT MAGKAHIWALAY KAYO?, KAKALUNGKOT NAMAN..


  4. dear tagahanga,

    huwag ka na lang magtanong. abangan mo na lang ang susunod na kabanata. o kaya, pakinggan mo yung kantang ni record ko. masisiyahan ka pa.

    nagmamahal,
    batjay

  5. atesienna Says:

    uy ha.. kaganda naman nung kanta mo, fafa!! i’m sure si ateng na-inlababo lalo seyo. (with matching mala-taning na tawa tulad nung entrada mo. hehehe)

  6. Jet Says:

    Mylab, naiiyak ako sabay natatawa. Naiiyak ako kasi nami-miss kita lalo. Natatawa naman ako sa mga pinagga-gagawa mo, just to amuse yourself. Every little thing you do is so endearing. At siyempre natutuwa ako because I can see you can get by on your own while I’m gone.

    Pero mylab, mali pagkasampay mo nung bimpo… madidisfigure yan pagtuyo. Isampay mo sa hanger para pag natuyo, kwadrado pa rin. Otherwise, you’re doing fine and I’m proud of you.

    Nga pala, salamat sa kanta mo ha. I love it! Paulit-ulit kong pinapakinggan.

  7. Je Says:

    Ay may nakalimutan pa pala ako. Ingat ka mylab. Hope you have a nice day today. Labyu! 🙂

  8. Junnie Says:

    pareho tayo ng ginawa kanina. naglaba rin ako. pero de makina at de pindot. sarap maglaba kung pakape kape pa. ingat ka diyan. pareho rin tayong magkalayo ang waswit. pero ang akin pauwi na bukas. sana makayanan niyo. pagdarasal ko ang tibay ng dibdib niyong dalawa. syanawa.

  9. barb Says:

    good for you! did i ever tell you about the time my husband washed underwear…? click here

  10. tin Says:

    kuya jay! proud na proud rin ako sa yo at nakalaba ka na! ganyan din ako kay R kapag iniiwan ko. bilin sa paglaba ng puti at decolor nya, haha.

    paborito ko nga pala ang glory of love. first time ko yan narinig sa “Beaches” movie, yung si Bette Midler and Barbara Hershey.

    nakakakilig kayong 2 talaga. idol!

  11. tagahanga Says:

    sir batjay,
    Dont tell me na she is trying to TNT sa America?
    diba masarap naman ang buhay nyo dyan sa Singgapore? ano va yannnnnnnnn, ano pa ba ang gusto nyo sa buhay? hiwalay? ikaw din, sige, maraming luko luko sa america, ngekk

  12. misispi Says:

    oh no, accross the miles pala kayo ngayon na mag-asawa 😦

    never mind, batjay, ika nga eh ‘parting is such sweet sorrow’ … kaunting tiis lang yan. at least by the time umuwi si jet, ikaw na ang designated lavender. good for jet 🙂

    cheers!

    misispi

  13. Sassy Says:

    Wow, ang galing-galing. Hiniwalay de color sa puti. Eh brief hiniwalay mo rin sa maong? hehehe

  14. kwan Says:

    ibang Glory of Love ang ine expect ko… yung kay peter cetera (ba yun?)… Glory of Love, themesong sa karate kid…. sensya na…. 80s baby kasi ako… pero, mas ok, theme from beaches.


  15. ang idol kong si blues boy – BB King also has a cover version of “glory of love” and this is my personal favorite altough i also like bette midler’s version. yung kay peter cetera naman na song of the same title but completely different – i hate that song. i HATE it.

  16. The Ca t Says:

    bat,
    gumamit ka rin ng panty liner pala hindi ka na maglaba. palit ng palit lang . bwahahahaa


  17. ate Ca T!!!

    oo nga ano. tama yang sinabi mo. o kaya bili na lang ako ng adult pampers. or better yet – huwag na lang kaya akong mag underwear.


  18. eh ate sassy – paano ba yan, mayron akong mga brief na gawa sa maong. kadena pa ang tahi. hehehehe.


  19. temprary lang naman misis p. tama ka. it makes the heart grow fonder and all that other cliches associated with parting. i’m sure the return would be very satisfying.

    thanks for dropping by.

  20. batjay Says:

    dear tagahanga,

    hindi naman ako humihingi sa iyo ng respeto pero huwag mo naman akong kausapin nang ganyan. hindi ka naman malapit sa akin para umasta ka ng medyo presko.

    sa susunod, kaunting pino lang.

    ingat,
    jay


  21. hi tin – sa beaches ko rin unang narinig yon. pero yung ngang version ni BB king ang paborito ko.ang galing ko nang maglaba ngayon. pero ayaw ko talagang mag plantsa. never ever, if i had the power.

  22. Sassy Says:

    shucks, paano mo pa naipapatong pantalon mo sa brief na de-kadena?

  23. g Says:

    Jay, you have a very nice voice 🙂 that is a nice version of “the glory of love” thanks for sharing it with us…


  24. no worries g. glad you liked it. next time, we’ll do it live with jet and the rest of the gang. let’s do a karaoke special group party.

  25. Junnie Says:

    batjay, naiyak ako sa kanta mo. seryoso. naalala ko lang yung sakripisyo namin 4 years ago. mahirap nga, pero sa dulo ang saya….tapos na akong magdasal. kasama kayo ni jet.

    pinatugtog ko yung kanta mo ngayong madaling araw lang…nakakarelaks yung pagkanta, damang dama mo


  26. ayos ba sir junnie? maraming salamat, sana di ka inantok sa kanta. para sa ating lahat na mga dreamers at mga romantics.

    ingat!
    jay


  27. hey barb – i loved the story about your husband’s underwear. it’s really funny. but of course it isn’t funny to you when it happened. i couldn’t imagine why some people would steal boxers but not briefs. hehehe. loved your blog’s contents by the way.

  28. jenn Says:

    ang kyut naman ng kulay ng mga brip mo! kumukuti-kutitap! bumubusi-busilak!


  29. ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!

    maraming salamat, buti naman at nagustuhan mo ang kanta. next time karaoke tayo ha? para makapag song and dance tayo na group. galing galing.

    ingat!
    jay


  30. dear mylabopmayn,

    buti naman at na enjoy mo ang kanta ko. pinipilit ko ngang hindi maubo habang kumakanta ako. kaya nga medyo understated siguro ang kanta eh. hehehe. ok lang ako rito at nakpagtitiis pa. inaaliw ko ang sarili ko kaya huwag kang mag-alala.

    ang alagaan mo na lang ay ang iyong sarili. sandali na lang naman ang hihintayin natin.

    ingat – lab U!
    jay

  31. shakira Says:

    hello there, ganda ng boses mo sir batjay sounds like jessa, buti ka marunong maglaba pero bakit parang may bra yata gumagamit ka na rin ba? naks dalaga na si batjay.


  32. jessa? never heard of him.

  33. Belle Says:

    Kuya Jay! LOL. Tagal kong di nakapag-ikot sa mga blogs. Pero da best talaga dito sa ‘yo. Tingnan mo naman ang bumulaga sa akin. Wala lang. Siempre, natatawa talaga ako. Haha.

    Ang bait mo naman. Am sure, very proud si Jet sa ‘yo! Hehe. Musta na lang po sa inyo! You’re doing a great job, ika nga. 😛

  34. Ed Says:

    Yo dude, paDL lang, narinig ko nung nistream ko. Ganda ng boses mo. 😀

  35. rolly Says:

    Parang di ko pa narinig yung version ni BB King. Ang ganda. BAgay sa boses mo.

  36. vangie Says:

    yikes, ako rin akala ko yung song ni peter cetera (na hindi ko rin gusto), when i listened, i got a pleasant surprise. i love this song, hindi ko lang alam na ito pala ang title. ang ganda pala ng boses mo! at naggigitara pa – wow, multitalented, lalo akong napahanga!

    ang sweet ninyong mag-asawa 🙂

  37. karla Says:

    congrats batjay! hehe

  38. schatzli Says:

    galing ni batjay dumating na pala mr ko fr the karibean eh ang mga puting medyas ay grey na 3 yata wala piraso, nakalimutan mag spray ng stain remover! turuan mo nga,

  39. Don Lorenzo Says:

    galing talaga ng boses mo idol kaya naman bitin kami at hindi tayo nakapag sing a song, hindi bale at sa pagbalik mo nalang natin ituloy ang katahan. naka set up na rin yung audition mo sa american idol, ituloy mo na sanpit habang nasa tamang edad ka pa ng 26 anyos, iyan kasi ang kat-op na edad. natutuwa naman ako at saksespul ang awtkam ng pagsagupa mo sa larangan ng paglalaba. pagbutihin mong maigi para pagbalik mo ay matulungan mo naman akong maglaba ng lampin ng inaanak mo. tsaka nga pala ipapasyal namin si batjet pag hindi na siya abala, okey? O sige at ingat sa biyahe.

  40. Paul Says:

    I don’t know if you’ve mentioned it elsewhere in your site pero huwag mong plantsahin ang waistband ng mga kijax mo – actually if you can live with unironed underwear mas tatagal ito. Maiiwasan mo what a friend calls the “bacon effect” – ang hitsura ng wakwak na elastic.

  41. Major Tom Says:

    Greetings From Mars…Whistling a Bread Song while wshing the clothes is one of the most sublime experience I have ever had. Sayang nga at me washing machine ka, kung wala, the experience would have been more profound and earth-shaking.More Power!


  42. g’day major tom. no thank you. i never did hand washing clothes. i don’t like ironing them either. make me cook anytime but spare me washing and ironing.


  43. thanks for the tip paul.

    no i never iron my underwear. i especially don’t iron the garter to avoid what you say as “the bacon effect”. besides, it is very uncomfortable when your underwear falls off and your “you know what” starts “waving in the wind”, so to speak. well, come to think of it, i do iron my underwear – but only if i have to attend a formal function.

    BWAHAHAHAHAHA.


  44. buenas dias don lorenzo and prada mama.

    honga – sana nag magic mic tayo ano kahit isang oras lang. di bale, next time na lang. babalik naman ako diyan eh. o kaya, si jet na lang ang pakantahin ninyo. maganda rin naman ang boses niya.

    ayoko nang sumali sa american idol kasi di ako marunong sumayaw. maglalaba na lang ako ng damit namin.

    ingat na lang at kamusta kay baby reanna at kina troy at lance.

    jay


  45. dear scatzli,

    huwag kang mag-alala, tuturuan ko ang asawma mong maglaba ng medyas. pero turuan mo muna siyang mag tagalog para maintindihan niya pag sinabi kong – “hiwalay kung hiwalay… ang decolor at puti”. 3 na lang ang naiwan sa medyas niya at nawawala ang isa??? alam mo kasi, kailangang pag ingatan ang medyas. mayron kasing mysterious black hole that sucks in unaware socks. di na makikita ulit yon.


  46. thanks carla. baka gusto mong magpalaba? punta ka rito sa singapore, ipaglalaba kita ng libre.

  47. karla Says:

    hahaha
    di ko pa afford pamasahe papuntang singapore hehe
    exchange students dyan dati yung dalawa kong blockmate eh. 🙂


  48. hi vangie. oo nga. i hate that peter cetera song. i hate almost all his songs asamateropak. salamat sa papuri mo. may website ako ng mga kanta ko, baka gusto mong magpunta – visit: http://www.nicanordavid.com/awit/ – at sakay may poetry site din ako at saka spiderman site. hehehehe. i’ll tell you more about it if you’re interested.


  49. hi ulit karla. marami ngang mga exchange students dito at mga may scholarships. my niece sara is here taking up her masters in intl. law.


  50. gagawa ako ulit ng cd para sa iyo tito rolly. isasama ko yung blues version ng “glory of love” ni bb king. ayos ba sa cover? halata ang sipon ko ano – nag dagdag sa pagiging “exotic” ng boses ko. BWAHAHA.

  51. mona Says:

    brief lang, nag-washing machine ka pa? dapat sinama mo na yung kurtina nyo para sulit …

    i always read your site via kinja at ang tagal nang wala kang post based on the feed. ngayon ko lang nalaman na ako’y nagkamali. wonder what happened? may iniba ka ba?


  52. hi mona.

    nag switch lang ako ng server but other than that nothing’s changed, my site still is http://www.kwentongtambay.nicanordavid.com/

    uy ha. hindi lang brief yung nilabhan ko.. pati panty at bra ni jet. and 1 week’s worth of clothes. naka 3 batches nga all in all. well, 5 dahil nilabhan ko rin ang bed sheets and all the foot rugs.galing ko ano?

    love the new theme in your site – why’s you change, btw: you have trouble telling stories about real people? do they give you a hard time? hehehe.


  53. maraming salamat Ed sa pagbisita at sa papuri mo. hanggang sa muli mong pagbalik. ingat, Jay


  54. hi belle. long time no hear… kamusta ka na? maraming salamat sa pagbisita. magaling na ako ngayong maglaba, kala mo! pwede na akong mag-apply na labandera. punta ka rito – ipaglalaba kita!

  55. schatzli Says:

    Ibig mong sabihin turuan ko muna mag tagalog ang mr ko bago matuto mag laba 😉 eh ang alam lang po at AKO AY POGI AT BUSOG NA BUSOG. am sure si jet very proud sa yo, pakakainin ko pala ng munggo ngayon para maging Pinoy na rin.


  56. AKO AY POGI at BUSOG NA BUSOG… hehehe. yon na lahat ang kailangan niyang matutunan na pinoy words. huag mo nang turuan. ok sige – turo mo rin yung SIRA!

  57. bongk Says:

    wow Jay, ang galing galing mo, di lang sa pagkanta kundi sa paglaba din.. kakainggit ka at kahit dyslexic ka eh nahiwalay mo ang puti sa de color.. i am very sure Jet is soo proud of you, kami din na mga kapatid mo sa berks ay prawd na prawd syo.. request lang ha, pwede mo ba ako turuan mag laba? hehehehhehe


  58. gandang umaga ka BongK. hayaan mo sa susunod, kakanta ako habang naglalaba. ituturo ko rin sa inyo ito pag uwi ko sa april. hehehe. kita kita tayo ulit.


Leave a Reply to Belle Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: