Sailing heart-ships thru broken harbors, out on the waves in the night

February 17, 2005

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta nang sipon at ubo mo? guminhawa na ba simula nang dumating ka ng singapore? nag aalala lang ako dahil wala ang mylab mong si jet diyan at nag-iisa ka. alam mo namang careful ako sa iyo.

BATJAY: maraming salamat sa pag-alala mo gentle reader. all things considered ay OK naman ako. kaya lang for the second straight day, pag gising ko sa umaga ay barado ang kaliwang butas ng ilong ko. can anybody tell me why this is so? wala pa rin akong panlasa kaya lahat ng pagkain ay masarap para sa akin. wala pa rin akong pangamoy kaya kahit itabi mo sa akin ang isang baranggay ng naghahabulan na bumbay sa tanghaling tapat ay ok lang sa akin. pawala na yung ubo ko pero bedroom voice pa rin. nakakalibog ngang pakinggan eh. siguro, lahat ng nakakausap ko ngayon ay naa-arouse. balak ko ngang mag record mamaya ng kanta. baka mayron kayong request, sabihin nyo lang sa akin.

Advertisements

No Responses Yet to “Sailing heart-ships thru broken harbors, out on the waves in the night”

  1. rolly Says:

    Ewan ko kung alam mo na to pero sasabihin ko rin sayo. Kung ikaw ay matutulog at ang ilong mo ay barado sa kaliwa, ang gawin mo ay humiga kang nakaharap sa kanan para yung bara ay bumagsak sa kanan. Pag lumuwag ang kaliwa at nalipat sa kanan, bumaling ka naman para lumipat uli sa kaliwa. Gawin mo lang ito paulit-ulit at magsasawa na yang sipon at maninigas, kinabukasan ang sarap linisin ng ilong mo. hehe

    Request – pwede mo bang kantahin yung Someone to watch over me na kinanta uli ni Sting sa isang Awards night? Mukhang bagay sayo yun.


  2. ang galing ng recommendation mo tito rolly. magawa nga yan mamaya. parang wild sex yang description mo eh pagulong gulong ba dapat? ano kaya kung matulog akong nakadapa, tapos yung kaliwang paa at kanang kamay ko ang naka taas?

    sige – ok nga yon. may chords ka ba ay lyrics nito? baka pwede mong ipadala by email.

  3. Major Tom Says:

    Greetings From Mars…sabi ng mga matatanda noong ako’y bata pa, pag nagbarado and ilong, malamang masama ang panahon. Kaya pagbarado talaga ang ilong ko, bumabagyo pag medyo barado lang, kakaunting ulang lamang.

    Baka masama lang ang weather diyan sa Singapore Mr. BatJay.

  4. g Says:

    hope you get back to “normal” soon…and feel better 😛


  5. hi g. hopefully by the end of the week, i’ll be back 100%. my bike needs to see the road again.


  6. pano yan marjor tom – pag barado ang kaliwang ilong ko, does that mean na masama ang panahon sa west coast ng singapore?

  7. Jet Says:

    I should be there.

    Tingnan mo nga naman, hanggang sa pagkakasakit, sabay tayo mylab. Que malamig, que mainit, pareho tayong may sipon at ubo.

    Pease take care of yourself. Pag nagbike ka, wag mong pabayaan na soot mo ang t-shirt mong basa sa pawis ha. Magpalit ka kagad.

    I love you.

  8. mari Says:

    ganyan din sakit ko fafajay. bukas di na ko papasok. rest na lang.


  9. hi mari… ang ibig mong sabihin ay barado rin ang kaliwang butas ng ilong mo? wow! hehehe. pagaling ka at huwag tatakbo sa ulan.


  10. ok lang ako mylab. basta galingan mo lang diyan para mabilis kang makabalik. masama pa rin ba ang katawan mo? huwag kang masyadong magpupuyat. ingat ka rin sa sarili mo. Lab U!

  11. jenn Says:

    hey bat! dahil bedroom voice ka naman kamo eh bumanat ka ng barry white na kanta! o di ba.. can’t get enough of your love, babe!

  12. tin Says:

    nakakatuwa talaga basahin ang exchanges ninyo ni jet. mabilis lang ang panahon, before you know it, abril na!

    i hope you’re both feeling better, dear friends.


  13. hi jenn. musta ka na? sige… kakanta ako ng barry white. kaya lang baka barry whit na umuubo. hintayin mo – bukas may kanta na ako.

    ingat!
    Jay


  14. Hi TIN!!! Miss na namin kayo ni Ronald. Nasa Pilipinas ka pa ba? Pag libre kayo, kain tayo ng Beef Hor Fun sa Geylang.

    Tawagan mo lang ako.

    Ingat,
    Jay

  15. Jah Says:

    nako kawawa naman si fafa jay. ang gawin mo fafa jay, pag matutulog kana, lagyan mo ng bandana or anything na pedeng pantakip sa ulo mo. para inde daw malagyan ng hangin ang ulo mo. ewan ko kung totoo yun pero yun ang ginagawa ko pag may sipon at ako at barado ang ilong ko.

    pedeng mag request? abut-tsi-ki (tama ba ang spelling?) by yoyoy villame.

    thank you!

    pagaling ka a!

    jah

  16. barb Says:

    yung kaliwang butas ko barado din! pumunta ako sa ENT doctor on Monday–he prescribed Nasonex, Sinclair, and Medrol (prednisolone), but meron ako ng chronic sinusitis and had surgery in that butas noon pa.


  17. HI BARB – sa tingin mo kaya, dapat ko nang ipaopera ang kaliwang butas ng ilong ko?


  18. hi Jah. sige lalagyan ko ng bandana ang ulo ko bago matulog para maging kamukha ko si robin padilla doon sa kanyang pelikulang – “ang anak ng apo ng titong ampon ni baby ama”.

  19. tin Says:

    call, kuya batjay! nandito kaya si leah leah? let us know lang kelan nyo gusto. ilang bus stops away lang kami sa beef hor fun. haha.

    magkuhanan din tayo ng pics para may mapadala tayo kay jet. miss na namin kayo! huhu..


  20. hi tin. kakadating lang ni leah the other day. sige schedule natin. malapit na akong magka hur fun craving.

  21. vangie Says:

    pwedeng mag-request? the warrior by patti smythe. kahit yung refrain lang, he he.

    hope you’re all better now.


  22. i’ll send the song later this week. i am much better now. slight cold but nothing i can’t handle. thanks. i hope everything’s ok in your part of the world.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: