My life has been a tapestry of rich and royal hue

February 16, 2005

home alone ako ngayon hanggang april (or possibly even may – araguy). mga two months din na wala si jet sa tabi ko. ang laki laki pa naman ng flat namin dito sa singapore. four rooms, one big hall at spacious kitchen… at isang kupal na kakalog kalog (ako yon). may pupunta naman once a week para gawin ang housework. pero ako pa rin sa pagluto (which i really enjoy) at paglabada (na hindi ko kabisado). spoiled kasi ako. all my life, mayrong mga nag aayos ng mga pangangailangan ko sa bahay habang ako’y naghahanap buhay. nung bata ako, ang mommy ko. nung nag-asawa naman ako ay si jet ang siyang naging house manager. bagay na gusto niyang gawin at siyempre ok na ok para sa akin. ang problema lang niyan ay pag dumarating ang mga pagkakataon tulad ngayon – dalawang buwan kaming hindi magkikita. oo, siguradong kakapal ang kalyo ko sa kamay kaya nagbaon na nga ako ng maraming lotion eh. pero actually hindi naman yon ang problema ko… ang major problem ko ay ito (sana ay matulungan ninyo ako rito): pag ang t-shirt mo ay puti tapos ang kwelyo niya ang dark blue, saan siya babagsak – sa puti o sa decolor?

Advertisements

No Responses Yet to “My life has been a tapestry of rich and royal hue”

  1. kups Says:

    gupitin mo ung kwelyo… pagkalaba saka mo uli tahiin… solve ang problema… heheh


  2. yan na nga ang iniisip ko eh. sige susubukan ko para magulpi ako ng asawa ko pagbalik niya. wala ka na bang iba pang mga twisted na suggestions… gusto ko yan. hehe.

  3. Jet Says:

    Wala kang t-shirt na puti na naghahawa ang kwelyo mylab, unless bumili ka ng bago sa airport. So basta puting t-shirt mo, puwede mong isama sa ibang puti.

    Yan na nga ba sinasabi ko e. Uwi na kaya ako?

    Miss na kita, sobra sobra.

    Labyu mylab. 🙂


  4. yung binigay na t-shirt ni simon mylab. colored ang kwelyo eh. nalilito tuloy ako. hehehehe. miss na miss na rin kita lalo na’t may labada problem ako. hehehe. pero di bale, i will overcome this. o kaya uwi ka muna para tulungan ako sa labada tapos alis ka ulit. balik balik hanggang matapos ang 2 months.

    lab U!

  5. g Says:

    if new- wash separately or soak in water overnight then if you are sure the collar isn’t bleeding you may put it with the whites just remember not to bleach your whites if they are mixed with a colored collar 🙂 if it bleeds – wash alone 🙂

    you will miss Jet more each passing day … as much as she is missing you…


  6. Hi G.

    Thanks very much. That was the same advise Jet gave me just a while ago. Hmmm…. laundry expert ka pala ha!

    take care,
    Jay

  7. jop Says:

    bosing,
    tatagan mo ang iyong puso. sorpresahin mo na lang si jet pagdating niya, expert labandera ka na niyan…

  8. karampot Says:

    yehey! pwede na kong mag-comment..

    uhurm… well, since nasabi na sayo ang tamang paraan ni ate g at ate jet, meron nang solution

    or kaya taking the advice of kuya kups (uy parang chupa chups) pagkatanggal mo ng kwelyo, i-bleach mo ng white, tapos tahiin mo pabalik kasama ng puti. Eh di white na lahat at di ka na magkakaproblema ever…

    sigurado babalik ako dito kasi maraming tips na makukuha… laba dami, laba-ngo, sa mister clean, puti na rin! hehehe

  9. sachiko Says:

    If I were you, di ko sya lalabhan. 2 months lang naman,di ba? Or kung maselan ka at ayaw mo syang itambak na hindi labada, wag mo na lang kayang isuot?! Joke,hahaha!

    Really,you and your wife Jet, and Renee and her Lorenzo are the sweetest couples on earth.
    Care to share some tips? (not on the laundry,ha!):)

  10. barb Says:

    “ang tunay na lalaki” knows how to solve his own laundry problems. heehee.

  11. Gigi Says:

    Naku, napapaiyak na ako sa inyo! Ako na rin tuloy, nami-miss ko si Jet (ikaw rin siguro, Batjay)! Sige na nga, tutulungan ko kayo during these challenging times — ipadala mo sa akin ang t-shirt mo at ako nalang ang maglalaba.

  12. leah Says:

    hahahaha….hahahaha….hahaha!!

    hayyy…gayahin mo si eder, kahit madumi pinapasok sa washing machine. feeling kasi niya, intelligent enough yung washing machine to know the difference between colors and textures. basta may understanding kami na huwag na huwag niyang isama yung mga damit ko when i’m away…otherwise, ayun, WWIII na.

    la bang instruction label yung underside ng shirt? it would usually say naman whether to wash it with other whites or not. if not, good luck! hehe…


  13. Leah! hehehe… di ka pumasok? ganito na lang kaya ang gawin ko. iimbitahin ko kayo sa bahay for dinner tapos kukuha ako ng crash course sa inyo sa paglaba. hehe. pareho naman halos yung washing machine natin.


  14. hi sachiko… ano kaya kung isuot ko na lang ng isuot na walang labaan – siguro by the end of 2 months, magiging amoy langka na rin ako. salamat sa bati – si don lorenzo? pinsan ko kasi yon kaya gwapo na sweet pa. hehehehe. ingat!

  15. watson Says:

    BatJay, kumuha ka ng dalawang batya. Magkatabi ang dalawa. Yung kwelyo, nakababad dun sa isa, tapos yung rest ng damit, dun sa kabilang batya nakababad. Labhan ang dalawang bahagi ng hiwalay.


  16. hmmmm…. maraming salamat watsOn. yan ang mga gusto kong suggestion. radically refreshing. it may never work but by golly it sure is funny. BWAHAHAHA. ingat pre.


  17. SaintGigi – huwag ka nang umiyak, baka pati ako ay maiyak. oo miss ko na si jet, pero makakaraos din pag tagal. TALAGA? ikaw maglalaba ng shirt ko? matagal yon eh. may naiisip ako… bakit hindi mo na lang ako padalhan ng pera tapos kukuha na lang ako rito ng labanderang singaporean.


  18. hey barb – kaya nga parati akong umiinom ng ginebra san miguel – ang inumin ng tunay na lalaki. isang shot muna ng marka demonyo bago maglaba… maglalaba na ako mamayang gabi.


  19. kamusta karampot? maraming salamat sa pag comment. buti naman at nagpursige ka, minsan nga kasi ay may problema ang mga ibang servers sa pag access dito. anyway – pipilitin kong masundan ang mga iba’t ibang payo na natanggap ko rito. ingat na lang diyan.


  20. JOP! hayaan mo, tatatagan ko ang puso ko habang naglalaba ako mamayang gabi.

  21. celiaK Says:

    …An everlasting vision of the ever changing view … Uy favs ko yang Tapestry by Carole King. Actually nasa-ulo ko iyong buong album kasi may lyrics siya sa likod di ba?

    Ang paglaba ng shirt mo? Hiwalay sa puti, puedeng isama sa light colored ones – as in pastel. Wala ka bang mga light pink na damit. 😉 Hehehe! Joke lang!

  22. Mitayka Says:

    Unkyel Batjay,

    Kumuha ka na lang ng taga-laba tutal malaki naman ang sweldo mo eh…hehe!

    Regards kay Auntie Jet!

    Teyk ker!


  23. hello mitayka.

    ang ganda naman ng pangalan mo… hehehe. di naman malaki ang sweldo ko. isa pa eh gusto ko talagang maging labandera. ganda kasi ng washing machine namin – front loading. para kang nanonood ng TV.


  24. CELIA K!

    siempre, “tapestry” ranks among my personal favorites as well. that goes with a lot of other people who have appreciated carol king’s understated masterpiece.

    mayron ako dating light pink shirt. galing sa company namin. di ko alam kung sino ang wise guy na gumawa non. hehe.

  25. vangie Says:

    galing-galing naman, hindi lang katatawanan at may tips pa. this is great, i never knew what to do with those white/colored shirts, i always mix them with the colored para kung masira man, isang shirt lang ang sira at hindi isang load ng white.

    nalabhan mo na ba? ano’ng ginawa mo at ano’ng result?


  26. hi vangie.

    well, i found out the next day that the “white shirt” was in fact not white. it’s a new shirt that was given as a gift by my cousin and was looking at it for the first time in subdued yellow light. the actual color is almost light peach with a dark blue collar. i put it in with the colors. hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: