Sometime, Someday, All the bridges and the bays. The summer days are gone. In fall, he'll call, the song…

February 4, 2005

SPIDERMAN IN PEBBLE BEACH unang gabi namin ngayon sa yunayted istet kaya puno na naman ako ng mga kwento tungkol sa mahabang flight from singapore to san francisco. puno ang eroplano na galing pa yata sa india at ang kukulit ng mga pasahero. may isang lola pa nga na nakipagsingitan at nakipagtulakan sa akin. sarap dagukan. hehe. pakiwari ko eh ang kakulitang ito ay parang yung mga bagong kaibigan ni sassy lawyer na mga plagiarist. kundi ba naman mga gago – sisirain ang mga pangalan nila by copying sassy’s recipe for bopis. ang saving grace lang ng mahabang flight ay pagdating namin ng san francisco ay may nagaantay sa amin sa airport na kaibigan. thank you cathy for stopping what you’re doing and dropping by to meet us. it meant a lot. si cathy ay si The Ca T – ang matagal ko nang idol na blogger. paborito rin siya ni manuel l. quezon trilogy dahil sa kanyang kakaibang sense of humor. isang malaking karangalan kaibigang cathy ang makaututang dila ka. napasigaw nga ako sa airport dahil ang pakilala ni cathy sa amin ay: “magandang hapon po, pwede ko ba kayong ma kidnap“. first time kasi naming magkita – muntik pang nauwi sa atake sa puso.

narito kami ngayon sa monterey. dito kami nagpalipas ng gabi habang pababa sa sounthern california. enjoy kami ni jet dito. ok pala sa monterey peninsula – maganda ang scenery at para kang nasa maliit na paraiso. kung pwede lang tumira rito ng mas matagal. pero bukas ng umaga ay bababa na kami ng southern california para matulog sa pansitan ni ate sienna.

Advertisements

No Responses Yet to “Sometime, Someday, All the bridges and the bays. The summer days are gone. In fall, he'll call, the song…”

  1. rolly Says:

    Uy mukhang bagong luto itong natyempuhan ko a. Ang bait naman ni Cath at pinuntahan pa kayo jan. Nasa blog nya nga yung experience nya sa tren pagpunta jan e. Ang saya-saya naman. sana ako din, hehe

  2. Linnor Says:

    wow, panibagong pasyal na naman. sana may piktyurs. 🙂

  3. junjun Says:

    Sarap ng buhay mo batjay!Do u have friends in the East Coast?Baka kako magawi kayo rito na malapit sa Wash, Dc e maka EB man lang. I’ll be waiting for the pics n stories…

  4. sara Says:

    Dear Tito Batjay & Tita Jet,

    Glad you arrived safely. Ingat sila sa inyo!

    Mwah!
    Sara

  5. ibalik Says:

    oi mga prengs, baka mapadpad rin kayo dito sa las begas ha.

  6. g Says:

    glad to hear you guys made it safely… see you tomorrow 🙂

  7. Jet Says:

    Kuya Batjay,
    Howdy? Buti ka pa pa-bakasyon bakasyon na lang. Sana mapadpad ka rin dito sa Austin, TX! Hope you have a blast!

  8. watson Says:

    Uy, sana may photos kasama si Ca T!

  9. analyse Says:

    sarap naman talagang tumambay dito, me libreng tourist getaway pa hehe..enjoy your stay!


  10. What A life u got there, amongst the most beautiful places in the world. I have a cousin before who migrated to the U.S. about ten years ago and they lived in San Francisco.

    When he got there, he immediately wrote to me and said: “Pinsan, Ten days na ako dito pero hindi ko pa rin nakita and Golden Gate.”

  11. vangie Says:

    sayang, kung alam ko lang na sfo ang port of entry ninyo at okay lang sa inyong may mga strangers na biglang lalapit at magpapaalam magkidnap sana naki-join na rin ako sa saya! akala ko southern california lang kayo the whole time. anyway, next time! 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: