MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG

January 28, 2005

teka muna, bago kayo tumawa, hulaan nyo muna kung ano itong nasa picture. sabi ng iba, para daw ito yung pinamimigay kasama ng mcdonalds value meal. yung iba naman, ang sabi eh ito raw si donatello doon sa ninja mutant turtles. mayron ding nagsabi na mukha raw baby unanong komang. ano sa tingin ninyo?

MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLES

No Responses Yet to “MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG”

  1. ZJ Says:

    Di ko na talaga matiis… tama na… sobra na… kelangan ko nang masabi baka mapano ako. Raise the roof ako sa galing ng humor mo. Matagal na rin akong bumibisita dito at talaga namang… lakas ng tawa ko. Lalo na pag wala si boss sa room. Pampawi talaga ng lungkot dito sa Cambodia. Mabuhay ka Batjay.


  2. WOW, Cambodia!!!

    maraming maraming salamat sa pag comment, ZJ. ayan naniniwala na talaga ako na kahit saang parte ng mundo ay may pinoy. marami ba kayo diyan? matagal ko nang binabalak na dumalaw diyan kasama si jet. balita ko kasi ay maganda ang mga tourist spots at masarap ang pagkain.

    matagal ko nang iniisip kung sino ang nagpupunta sa akin na mag extension na “KH”, ikaw pala yon. buti naman at nagparamdam ka kaibigan. natutuwa kasi ako pag mag kapwa OFW ang bumibisita. kahit kasi iba ibang bansa ang tinitirahan natin, maraming mga common tayong mga experiences.

    ingat at hanggang sa susunod na pagtawa ng malakas,
    jay

  3. KU Says:

    Batjay,
    Sumakit ang tiyan ko sa katatawa dito. Akala tuloy ng mga opismeyts ko nababaliw na ako. bilib talaga ako sa humor mo. Meron lang akong na-obserb. Bakit baligtad yata ang isa mong paa (talampakan ang kita sa photo)? I think ikaw yung anak sa labas ni Pong Pagong (sa batibot). Saludo ako sa yo.


  4. correction po – King Kong Pagong. ngyehehe… salamat sa pagdalaw, isa ka pa palang bungisngis. naalala ko tuloy yung mga tanong doon sa game show na missing link ni edu manzano:

    Q: Anong uri ng hayop si King Kong?
    A: Pagong!
    Q: Sa’n mo nakuha yan?
    A: Sa Batibot po… si King Kong Pagong?!!

    kakagaling lang namin ni jet sa auckland last year. what a great place!

  5. g Says:

    I know the Ninja Turtles yeeyyy and you do look like one…i mean the picture you took of you..no! I mean that picture you posted..OK Ok I will just shut up!

    See you and Jet sooooonnn!!!

  6. sachiko Says:

    This is one of your funniest photos! Just can’t help but write a comment,it’s so hilarious!

  7. bambit Says:

    uhm, a middle-aged Gene Simmons ng KISS na nadapa sa burger king? hanep bossing, meron ka bang gamot sa kabag? kasalanan mo tong kabag ko ngayon … ha ha ha haaakkkk…

  8. toni Says:

    Hey I tagged ya in my blog. 😉

    http://wifelysteps.blogspot.com/2005/01/musical-tag-commercial-break.html

    And ngerrr ano ‘to? A Batjay sandwich? Pwedeng pwede ipang-auction ‘to ha!

  9. jennie Says:

    OMG! bwahahahahahahah! grabeh ka talaga fafah batjay. umiiyak na ako dito kakatawa, mukha na naman akong baliw. 😀

    sa tingin ko sha yung nawawalang member ng ninja turtles :p

  10. misispi Says:

    unkle batjay, ito at yung picture mo na may mga unano ang paborito ko.

    teka, ano ba ito? quarter pounder with cheese na naka-bracelet?


  11. hi toni.

    i’ve posted it on http://siraulo.nicanordavid.com/ – this is my scratchpad of sorts, ie, the website i use to collect material for my kwentong tambay blog. i’ll probably post it on kwentong tambay during the weekend so it may change.

    cheers,


  12. hi misisPi.

    ako rin. this is my favorite along with the unano picture with mahal and gma. oh, and the darnita picture as well. magpasalamat tayo kay super polo, the artist based in boston who is the artist in residence of my site.

    BTW – this is a junior champ with dog meat.


  13. hi jennie. pasalamat ka talaga at nagkandaiyak ka lang sa kakatawa at hindi nagkandautot. pinagtitinginan ka na naman ba sa opis habang tumatawa ka sa harap ng monitor?

  14. tin Says:

    ok to ah, parang Anna Geddes – kwentongtambay version. batang naka-sandwich sa unan. galing!!

  15. tin Says:

    correction po: *Anne Geddes 😀

  16. rolly Says:

    Ninja turtle ba o mamang autistic? HAHAHA Nakalabas pa dila!

  17. dyempot Says:

    Actually, nagutom ako nung nakita ko yung picture. Napag-isipan ko tuloy na bumili ng pandesal sa kanto at lagyan ng keso. Galing mo talaga Bat..Donita…este.. Jay.

    Humahagikgik sa tawa,
    Dyempot

  18. helen fujiwara Says:

    ano na naman ba ito anak ni janice o ang dwende sa ilalim ng puno mabuhay ka batjay! you make my day again hehehehe……

  19. vangie Says:

    ang vote ko: unanong komang at sakang!

    alam mo, hindi lang ako sa post tawa nang tawa kundi sa comments din… anne geddes? (na-imagine ko tuloy na si anne hirap na hirap i-pose yung arms and legs mo). anak ni janice? wow, blast from my glorious past!

    thanks to all of you for making my day!

  20. joey Says:

    bwahahaha natatawa ako pero kalahati takot kasi naalala ko nung bata pa ako pag may sugat diba sabi lalabas daw ang pari.. parang ganyan, pagkain mo ng burger may dwendeng lalabas. whew. kakaiba. mabuhay ka batjay!


  21. hi vangie. oo anne gedes from hell photo. hehehe. mukha ba akong tianak? kung may makasalubong ka sa dilim na naglalakad na ganyang creature, matatakot ka?


  22. hi joey. mamaya punta kang jollibee at umorder ka ng jr. champ. magdasal ka ng labintatlong ama namin tingnan mo sa ang laman sa loob ng sandwich.


  23. hi G. next week na nga pala ang LA trip namin. we’ll see you soon. nakatikim ka na ba ng ninja turtle soup?


  24. thanks sachiko. the artwork was made by my friend superpolo. you can find his work as well in sassy lawyer’s site. balik na ulit. salamat! jay


  25. hi bambit. middle aged gene simmons? hmmm.. hehehe. i still remember him when he was still with kiss. i loved his – “god of thunder and rock and roll” song. hehehe. pag kumain siya ng dugo, kamukha ko pa rin ba siya?


  26. Tama ka Tin – Anne Geddes from Hell.


  27. tama ka rin shakira – ang anak ni janice… na nakapasok sa throw pillow na mukhang ham-bur-gyer.


  28. dyempot – pag bumili ka ng pandesal samahan mo ng pritong kesong puti o kaya ay reno liver spread. yan ang perfect combination. tapos habang kumakain ka, panoorin mo ang litrato kong ito.


  29. hekshuli tito rolly, dapat ang complete na pangalan niyan ay “Middle Age Autistic Ninja Mutant Turtle Soup”. hehehe.

  30. karla Says:

    hahahaha
    grabe..
    hmmm.. ito nga yung ibinibigay sa McDo na happymeals…

    ninja turtles I-love-burgers edition
    hehehehe

  31. tanya Says:

    BWAHAHAHA!!!!! ikaw si donatello!!!! i love this pic!!!!! hahahahaha! natawa talaga ako ng malakas! panalo ka unkyel batjay!


  32. AKO NGA si DONTATELLO, ang pagong na may kaakit akit! hehehehe. maraming salamat Tanya.


  33. ayos ano? tama ka karla – ninja turtle burger yan. at yung laman ng sandwich ay giniling na pagong.

  34. abster Says:

    Pwede…pwedeng gawing free na laruan sa happy meal! 😀 Sa tingin ko, yan ang mangyayari kapag ang isang ninja turtle (may babae ba sa kanila?) at si Hamburglar (ng Mcdo) eh nag-“do.” Hehehe!


  35. Hangkyuuuut!! With cheese and veggies pa! Ketchup na lang– Yummy!


  36. salamat batjay. patulog na sana ako. pero mukhang gising na naman ako buong gabi dahil sa picture mo.

    naalala ko kasi ‘to

    http://www.conagra.com/brands/manwich.jsp

    bagay sa brand.

    teka maka valium nga…

  37. anders Says:

    unkyel, great job. hehe… ninja turtle burger… cool… giniling na pagong? hmmm… more like gumugiling na pagong. hehe…

  38. anders Says:

    oops sori. i mean gumigiling na pagong.

  39. Jet Says:

    Sa tingin ko eh mini hotdog sandwich yan eh (since na mukang unano yung palaman).
    Anyway, I really enjoy your site. Nakakabuang talaga. Thumbs up!Mabuhay ka BatJay!


  40. abster: cross ata ni ronald mc donald at nung manok na mascot ng KFC


  41. hi diwata – hot sauce dito sa singapore. ayaw nilang ketchup.

    hi anders – oo magaling akong gumiling

    hi jet – salamat. matagal na kasi akong buang.


  42. hey mark. ngyehehehe… medyo surreal nga ang litrato ano. parang yung mga bad guys sa spawn.

  43. schatzli Says:

    naku bigla nawala ang winter derpression ko
    tsaka kailangan ko yata ng super maxi pads, ihi ng ihi sa katatawa.
    sa sobrang lamig at sa nakakasawang panahon, ang picture mo ay parang sunshine 😉
    been lurking yr site, sorry di ako tagalog speaking eh

  44. Dr Emer Says:

    Isa kang bayani, Idol BatJay. Ang mga nalolongkot abroad dahil sa sobrang ginaw na wenter at maski kami dito sa Pilipinas ay natutuwa sa mga pinagagawa mo sa sarili mo para maaliw at aliwin kami. Sayang, sana isinama mo si Tito Rolly. Dynamic duo kayong dalawa sa pagpapatawa.

    Ako ang wish ko, maging totoo na action figures kayo ni Tito Rolly….hmmmm….good idea for the book launching? 😉

  45. Jet Says:

    That’s getting to be a stale burger. Time for another update mylab. 🙂

    Labyu!


  46. maayong gabii schatzli. maraming salamat sa pagsulat mo. mabuti naman at natutuw ka sa mga kalokohan ko. dahan dahan lang nga sa pagtawa kasi mahal ang super maxi pads. pinuntahan ko ang mga blog sites mo – magaling kang magsulat at maganda ang pag describe mo sa buhay mo sa europa. sana patuloy kang magsulat.

    ingat at hanggang sa susunod.


  47. Bayani ng Katarantaduhan, Doc Emer? hehe. Pero maraming salamat sa mga puri mo. Sana matuloy ang balak nating Book nina Tito Rolly. Hehehe… para mas maraming tao ang maiihi sa kakatawa sa kanilang malamig na tahanan abroad.

  48. cacofonix Says:

    Hmmmm, malalim ang ibig sabihin ng larawang ito, pero may bagong kasabihang umiikot sa sirkulo ng mga Pilipinong Pilosopo o Makata na nagmula rito. Mga paalalalang pampatibay ng loob ng mga naaapi:

    “Isang tinapay lang ang kapre.”

    OR

    “Umuurong rin ang kapre sa loob ng malambot na tinapay, dagdagan lang ng keso’t litsugas.

    Great humour manong! ah eh, yun eh kung mas matanda ka sa kin….:)


  49. baka mas matanda ako sa iyo pero mas bata ang isip ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: