PROVE TO ME THAT YOU'RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL

January 24, 2005

minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”

Advertisements

No Responses Yet to “PROVE TO ME THAT YOU'RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL”

  1. Jet Says:

    Gagong yun ah. Ingat lang mylab ha. Please? Labyu! Kain na tayo! 🙂

  2. auee Says:

    Naku dito madaming ganyan mga bikers naman as in motorcycles. Naka-red sila tapos tumatawid ka sa pedestrian, biglang haharurutin ang motor nila na parang tatakbo na! Sarap sipain.

    I told one ofcmate-biker that most bikers are rude. Sabi nya di naman daw, when I told what I experienced and he said “i do that sometimes” chuckling. Gusto kong sungalngalin.


  3. hi auee ang pangalang walang consonant! bakit di mo nga sinungalngal? o kaya batukan mo pag may helmet. di naman ito masakit.


  4. huwag kang mag-alala mylab nag iingat naman ako. nagulat lang talaga ako sa malakas na busina kaya uminit ang ulo ko.

  5. anders Says:

    tsk.. tsk.. wawa ka naman, kuya batjay. ok na rin yun na lumiko sya kaagad. at least u did not give him the hand gesture. baka nawalan ka pa ng control sa bisikleta mo. hehe…


  6. hindi naman ako kawawa. hehe. wala namang nangyari sa akin eh at nakapang-alaska pa ako.

  7. rolly Says:

    Okay lang naman yan. Ang masama e yung biglang haharurot ssa tabi mo at titilamsikan ka ng maduming tubig na naipon sa lubak. Talaga namang mamumura mo ang ganong driver na walang ka respe-respeto sa pedestrian o sa biker man.

  8. g Says:

    the driver is probably from LA huh? crazy driver!

  9. g Says:

    that driver must be from LA….crazy driver !


  10. naku tito rolly, ilang beses nang nangyari yan sa akin sa pilipinas – nagsisigarillo ako habang nagmamaneho. eh di siyempre bukas ang window. biglang may darating na mabilis na sasakyan at malulubak sa baku-bakung kalye na may tubig.

    nabasa ako siyempre.


  11. from LA. hehehe… baka nga G. baka nahirapan kasi, like all ex-british colonies, right hand drive ang mga cars dito.

  12. vangie Says:

    akala ko, serious post na, pero may punchline pa rin in the end. sali kita sa favorites ko huh?

    that’s what i like about the states, in most areas, very respectful ang drivers, the pedestrian [or cyclists] always has right of way.


  13. sige, isasali rin kita sa links ko. they are starting to acknowledge bikers here in singapore as part of the regular street traffic but not all drivers show respect.

    our california office has a big biking group whom i communicate with a lot. they drive down from irvine to san diego on a regular basis.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: