YOU KNOW IT'S BEGINNING TO LOOK A LOT LIKE CHRISTMAS WHEN…

December 17, 2004

1. …your friends surprise you with gifts. lumabas na ang christmas gift na templates ng ninang kong si ate sienna kay mylabopmayn jet. para makita ito, punta kayo sa bagong poetry site ni jet called di-VERSE-ified. tapos bisitahin na rin ninyo ang bagong layout ng kanyang My Life… A Cup of Deja Brew site. may poetry site rin ako kung gusto ninyo ng mga tulang nagwawala – ngyehehe.

2. …you come face to face with midgets. may nakasabay akong mag-asawang unano sa train kahapon. ang suspetsa ko ay kasali sila sa russian circus na narito for a christmas show. it was really weird: tinitingnan ko ang mag-asawa and my head was going left-right-left-right and all the while they had this silly grin. and pakiramdam ko nga ay para akong nasa loob ako ng pelikulang… ano na nga ba yung ginawa ni spielberg na ghost story – ah, putragis!

3. …there’s more advertising than news in the newspaper. nabigatan ako sa dyaryo ngayong umaga… kaya pala. mas makapal ang shopping guide kaysa doon sa actual news paper… 188 fucking pages for the guide alone, i shit you not.

4. …elevator muzak starts getting into your nerves. malapit na akong maghurumentado. isang isa na lang beses na makarinig ako ng kenny g special christmas saxophone piped in music sa elevator or sa mall and i will snap. dapat gulpihin at ipako sa krus ngayong pasko ang mga nagpapatugtog nito. gardemet.

5. …you find out that santa is realy and that he is a drug pusher. dalawang lalaki na naka damit santa ang nahuli ng mga pulis na nagbibigay ng mga regalo sa isang slum area ng brazil. may nakita kasing marijuana doon sa loon ng mga kahon. sabi na nga ba pusher yang si santa otherwise why would he call attention to himself and dress in that bright red costume. he really looks like a pimp, if you ask me.

6. …even public transportation have santa hats. nilagayan nila ng mga malalaking santa hats ang mga bus sa singapore. tapos may mga snow making machines na nakakalat sa orchard road. akala ko nga, nataihan na naman ako ng ibon… talsik lang pala ng fake snowflakes.

7. … bloggers return from their hiatus. muli na namang bumalik ang isa sa mga idol bloggers ko. check out mark’s click mo mukha mo. excellent writing, intelligent, funny, cool and so pinoy.

8. …long lost friends suddenly show up from nowhere. nag text sa akin ang kumpare kong matagal ko nang di nakakausap. dadalaw raw sila sa bahay namin sa pasko kasama ang inaanak ko. pwede na ba ang aguinaldong 20 pesos? nung bata ako, 20 pesos din naman ang binibigay ng mga ninong/ninang ko sa akin.

9. …you’ve been dreaming about it and it’s suddenly here – it’s your last day in the office for the year 2004. huling araw ko na nga ngayon sa opisina. wala na akong ganang mag trabaho at panay lang ang sagot ko sa mga email habang hinihintay ang alas singko y medya. mangulangot na lang kaya ako?

10. …you’ve been dreaming about it and it’s suddenly here – you wake up one day and it’s time to come home. uuwi na kami bukas sa pilipinas for our annual christmas break. mahahanginan na naman ang betlog ko ng malamig na simoy ng hangin sa antipolo.

Advertisements

No Responses Yet to “YOU KNOW IT'S BEGINNING TO LOOK A LOT LIKE CHRISTMAS WHEN…”

  1. Dr Emer Says:

    Kami din ni Tito Rolly dadalaw sa bahay mo sa Pasko, idol BatJay at magmamano. Ano kayang mapapasko namin? Puede din siguro kaming mag-caroling. Si Tito Rolly na ang kakanta at tutugtog, ako na ang mangungulekta ng mapapasko namin. Hehehe. =) Ingat sa pag-uwi.


  2. carolling na lang doc emer – abangan ko kayong dalawa ni tito rolly. baka sumabay na rin akong kumanta sa inyo.

    request ko lang ay yung kantang “samaybahay”.


  3. naks! I’m flattened, lalo na galing sa ‘yo idol!
    sayang di ko kayo makikilala.
    malamig pasko dito sa florida. alang san miguel beer. 🙂

  4. auee Says:

    Wow ang sarap ng Pasko nyo ha! Take loads of pictures of your home and the kids in your family. I love looking at them… pervert kasi ako hehehe

    Seriously, I know you and Jet will be enjoying your break. Happy holidays!


  5. sayang nga ano mark. mas masaya kung makilala namin kayo sa pinoy blog party sa 30th.

    dito sa singapore, may SMB na! hehehe. sarap.

  6. BatJay Says:

    hi auee.

    thanks. ilang oras na lang, lilipad na kami. sana masaya ang pasko namin. sana masaya ang pag-uwi na ito. i cross my fingers and my legs.

  7. ruth Says:

    maligayang pasko sa inyo ni aling jet, mang batjay. ingat sa biyahe! wag kalimutan ang pamasko ng mga taga-customs, hehe…

  8. niwre Says:

    nice dude babalik ka na dito pinas. ASTIG!!! advance merry xmas sa inyo ng labs mo… at family. walang akong trabaho ngaun pero pucha satisfied na ko kapg nabasa ko na blog mo. hehehe

  9. ate sienna Says:

    FAFAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

    merry christmas sa inyo ni ateng… ingat kayo pag-uwi ninyo ha… i’ll see you in feb!


  10. hello aling ruth.

    di na uso ang pamasko sa mga taga customs. wala naman silang makikita sa bag namin na pwede nilang kunin. isa pa, medyo matino na ngayon ang mga customs people sa airport which is good.

    merry christmas din sa inyo. ingat!


  11. merry christmas din sa iyo niwre. sana mas masagana ang darating na bagong taon para sa iyo. salamat naman sa pag comment mo. ingat!


  12. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    maraming salamat sa bati. siyempre merry christmas din sa inyo ni andres. malapit na ang feb. actually, may ticket na kami at car rental reservations kaya tuloy na tuloy na.

    ingat.
    jay

  13. pegasus Says:

    meri Xmas.

    Hmm, mapadaan nga sa cabalen, tingan ko lang iof me sumasayaw. hehehehhee.

    Iba talaga pasko satin no?

    Dito sa ofis, bumaha ng SMB, sayang, aga me umuwi at nangangati na lalamunan ko at tinamaan me virus.

    Kakatamad magtrabaho pag ganitong time. Sarap hilahin ang araw papunta 24.

    Enjoy your stay here sa PINAS.


  14. hi pegasus.

    iba talaga ang pasko sa pilipinas. kaya nga umuuwi kami every year from abroad kahit gumastos ng sangkatutak. punta ka sa cabalen. pag may nakita ka roon ng malaking tao na maitim na kutis betlog, kalabitin mo dahil ako yon.

    jay


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: