LIPAD, BATJAY, LIPAD!

December 7, 2004

DARNA! dear mylabopmayn, nagising ako kaninang umaga na malungkot. di kasi kita katabi. naalimpungatan siguro ako dahil sa pag-iisip sa iyo. kaya yon, imbis na amerikana eh yung darna costume ang naisuot ko sa conference namin. masaya naman dahil nung sinubo ko yung bato at sumigaw ng “DARNA” ay nagpalakpakan ang mga tao, lalo na ng biglang umusok. kamukha ko raw si wonder woman. “excuse me“, ang sabi ko sa kanila. “i am darna, the philippine super hero. wonder woman is a pussy“. di sila nakasagot sa akin. marami palang mga pilipino rito sa perth. yung mga electricians ng hotel at yung mga cleaning ladies ay puro pinoy. nagulat nga sila sa costume ko. kamukha ko raw si roderic paulate sa petrang kabayo. pero mababait naman sila sa amin. maganda talaga rito at sigurado magugustuhan mo. di bale, next year punta tayo rito for a vacation para makita mo firsthand. huwag nating itapat ng summer kasi hindi natatakot ang mga makulit na langaw sa headband kong may pakpak. o sige mylab, ingat ka na lang diyan. tawag na lang ako sa iyo mamaya. sana ok ang pag grocery mo kaninang umaga. lab u! batjay alyas darna (without the giants this time).

Advertisements

No Responses Yet to “LIPAD, BATJAY, LIPAD!”

  1. bongk Says:

    Jay,

    kahit san ka talaga magpunta ay may pinoy ka na makikita, sana ay malabanan ng superpower mo ang mga langaw na hahabol habol syo. Ang alam ko ang kapang pula ni Darna eh mas matindi pang pambuwag yan sa mga toro kaya sisiw na lang ang mga langaw jan na magnanais na lumanding sa yong balat..

    ingat, nawa’y matapos agad ang iyong conference jan para makapiling mo agad ang iyong lab..

  2. Beng Says:

    hello darna,

    pareho sana tayo na may nunal sa mukha kong hindi ko ito pinaalis. inggit nga pala ako diyan sa boobs mo, hindi kasi handful lang na katulad sa akin. talagang nakakahilo yan kapag yan ang iisampal mo sa iyong kalaban.

  3. Jet Says:

    Bagay sayo ang Darna costume mylab hehehe… Miss na rin kita. Ingat ka and have a safe trip to Brisbane tomorrow. Labyu! 🙂

  4. Doc Rod Says:

    Hi Batjay!

    Dito ka pala sa Perth? Is your conference at Esplanade Hotel in Fremantle? Hanggang kelan ka ba dito? I hope I can meet you this week (coz am going to Melbourne on Saturday) and have my pic taken with the “Best Blogger of the Year for 2004”! hehehe! Please call me at 9389-XXXX if you have time. Malapit lang ako sa University of Western Australia along Stirling Highway. Sana makapunta ka ng Rottnest Island. Ang ganda dun! I was there last week. It’s just 20 minutes by ferry from Fremantle. When you get there, it will surely remind you of Boracay and Corregidor islands in the Philippines. Enjoy your stay here in Perth! Carpi diem. Seize the day!

  5. The Ca t Says:

    naku naunahan ako. buti na lang di ko pa pinopost.
    mweheeee

  6. mari Says:

    parang body yata yan ni rufa mae quinto. vavavoooom! nasan nga pala si ding? di mo sya kasama?

  7. tin Says:

    inggit ako sa flawless skin mo, kuya batjay! sana next year, mura pa rin fare to perth!

    paki-kamusta na lang kay ding! ingat sa paglipad! hehe.

  8. din2 Says:

    alam mo bang hirap na hirap akong makapagbasa ng site mo… dito sa office, nahihiya akong makita nila an gmga obscene photos mo… sa bahay naman, kelangan hating gabi na dahil baka mabasa ni luigi… eh most of the time, nangangatulog na ako…

    para kang illicit love affair!!! niyars!!!

    kaya ayun, di ako maka-post…

  9. jennie Says:

    mwehehehe! ang sexy mo pala, fafah jay. kaya pala na-inlove sa iyo si mama jet. 😛

  10. niwre Says:

    hi!! bago ko dito batjay …. nakakatawa binasa ko yung mga old posts mo .. hagapak ko sa kakatawa. lupit ng darna costume sana mameet kita. hehehhe..

  11. mona Says:

    um, darna, i think you forgot to shave your left armpit. i photoshop mo nga.

  12. mari Says:

    ay oo nga..meron pang hair sa kilikili na natira.

  13. misispi Says:

    good morning unkle batjay,

    congratulations for the webbie award, wattaguy ka talaga 🙂
    kaya lang palagay ko, kamukha mo si roderick paulate sa inday bote at hindi sa petrang kabayo. don’t you think?

  14. barb Says:

    ang ganda mo pala! first time commenting…sorry for the bad spelling/grammar–dito ako sa Chicago lumake.

  15. Joachim Says:

    Batjay, wow, pwede mo nang palitan si darna ah, heheheh, anyways, may bagong pakulo ngayon na nagsisimulang mauso sa mga bloggers: GRAVATAR… astig to pare, and pwede na ring i-port sa movable type. ok to para mas maging personalized ang commenting sa mga site natin… ingats dre.

  16. rene Says:

    kagilas-gilas! kamukha mo si zsazsa saturnnah! i recommend na basahin mo ‘to. parang kayong kindred “sisters”. ayayay!

    ‘eto ang link: http://www.alamatcomics.com/zsazsa2/page01.htm

  17. ate sienna Says:

    FAFAAAAAAAAAAAAAA!!!! potek na yan! kaganda mo palang bubae! hehehe… pag pinakita ko kaya kay andres ko ito, mainlab kaya sya sa iyo?

    congrats din pala, fafa, sa pagkakafeature mo sa manila standard! Ikaw na talaga ang godfather ko! *sabay luhod at yuko ng ulo*

  18. delish Says:

    wehehehe

    bagay na bagay sayo ang ganyang katawan fafa jay!!!

  19. ogie Says:

    alanghiya! nagladlad na rin. sabi ko na nga ba nung nandito ka sa bundok apo eh, me tendencies ka. medyo antagal na nun ah! ngayon ka lang bumigay. sa bisaya pa bay jay, “gikapuy ka nag pugong sa imung tinuod na kolor!” *napagod ka na sa pagtago ng totots mong kulay* ngeehee.
    bay jay, sori jud kung karon lang ko naka-post. daghan kaau trabaho. maau pud kay nadawat nimo ang pictures sa mt. apo peak. kanus-a man nimo i-displey ang pictures daw be?
    kudos for the award (kahit na me duda akong binayaran mo yung mga judges. hehehe)

  20. glo Says:

    kuya batjay,
    mas maganda ka namang darna kesa kay petrang kabayo!

  21. eye Says:

    mwahahahaha! bagay pala sa yo maging babae! at may buhok pa talaga sa kili-kili ah. pero teka, sabi mo “wonder woman is a pussy”. di ba catwoman is a pussy? nyehehe! 😀

  22. jenn Says:

    Aking inaabangan ang PAGBABALIK NI DARNA!!!!!!

    Kelan ba ang balik mo Darna? Isasama mo ba si Ding?

  23. c Says:

    congratulations on the blogawards!!! very well-deserved indeed!

    your blog is my daily read…or more like my daily laugh since i stumbled upon it a few months back :). it exudes the best of pinoy humor–very irreverent 😀 (something i missed living in this land of the politically-correct–i’m based in L.A. at the moment, but am from Cebu).

    (p.s. apologies in having to post in english–i would have liked to post this in bisaya…but i suppose that would have required you and other readers an interpreter 🙂 )

  24. c Says:

    btw, i’ve been to perth some years back–try swing by Freemantle (Freeo) if you can! It’s only a few minutes by train. Great place!

  25. Ken Ilio Says:

    Darna alyas Batjay:

    Nakita mo na ba ito?

    http://www.info.com.ph/~chinwong/flipblog.htm

    (scroll sa ibaba, doon ko nakita ang site mo at tulad ng madla, naging adik sa pagbabasa)

  26. Balasubasherrero Says:

    Bongga ang costume kaya nga lang nakalimutang mag-shave ni Darna. Malago ang growth! European pala si Darna. Wala rin si Ding dahil sya ang unang naisubo. Or baka naman na-kidnap ng mga taong balakubak! Ito bang costume na ito eh lumabas from clockwise o counter-clockwise turn?

    Sya, I still wonder where you find the time to manage this site.

  27. tito rolly Says:

    Ngayon ko lang napagmasdan ng husto katawan mo, sexy ka pala. Mag-ingat ka sa mga aussy, baka ma rape ka hehehe


  28. hi doc rod.

    i’m sorry i was not able to respond to you in time. it would have been great to meet a kapwa pinoy in perth. we were booked at the hyatt in perth and was there till wednesday morning. sayang. we were supposed to have a quick trip to fremantle but were too tired to get up. we opted to take a few extra hours sleep instead. sayang (again). perhaps someday, i’ll take jet and we could meet.

    i love australia and i love perth.
    jay


  29. hi balasubas.

    salamat sa pag comment. hehehehe… medyo may pagka european nga si darna. if i were darna, i wouldn’t shave myself. ngyehehe. how do i find the time to manage this site? i don’t know.

  30. BatJay Says:

    magandang madaling araw sa iyo from singapore ken.

    maraming salamat sa pagturo mo sa site ni chin wong. nakita ko na ito sa feature ni connie (aka ate kong sassy lawyer – don’t tell her na ate ko siya at baka dagukan ako). natuwa nga ang asawa ko at kilig na kilig sa article ni chen. gusto nga niyang ilagay sa scrap book. nagpabili nga ako sa mga kamag anak ko sa pilipinas. sana makita ko bago nila gawing pambalot ng tinapa.

    marami ring salamat sa pag banggit mo sa site ko sa site mo. teka lang nakakalito ata ang sentence na ito. ang ibig kong sabihin – thank you very much for including me in the links of tanikalang ginto. ako ay lubos na… ano ba sa tagalog ang “i am honored”. basta. i am pleased that you included me, especially for saying that i have a “literate blog”.


  31. hi c.

    we were supposed to swing by freeo but didn’t have enough time. we were so exhausted that we decided to sleep more rather than wake up early to catch the fremantle train. perhaps next time.

    i don’t mind if you comment in english. whatever language suits you is fine with me. you can even talk in cebuano if you like.

    thanks for visiting my site and thank you for the nice words.

    take care,
    jay


  32. hi tito rolly… baka sila ang ma rape ko. mwehehe.


  33. Hi The Ca T!

    ano sana ang ilalagay mo: transvestite super hero from the philippines?

  34. BaTambay Says:

    hey ka bong K.

    enjoy nga ako pag may nakakasalubong na pinoy sa mga byahe ko. except for the us kasi masyado nang maraming pinoy doon at di na nagpapansinan. sa australia – at least, yung mga nakikila ko ay very warm.


  35. hi beng. aha may ex-nunal ka pala sa mukha. bakit nawala? nasa dulo ba ng ilong mo at naduduling ka kaya mo pinatanggal?


  36. ayos ba sa costume mylabopmayn? pwede na akong pumalit kay ate vi?


  37. wala mari. nadispatsa na si ding. iba na lang.


  38. hi tin. around winter time mas malaki ang discount ng papuntang perth. yung SQ parating nagbibigay nito. medyo umitim ako dahil sa beach sa australia kaya di na flawless.


  39. hi jennie. siyempre parati ata akong nagwoworkout kaya sexy ako.


  40. niwre? ayos sa pangalan. maraming salamat sa pagbisita. sana sumakit ang tiyan mo sa kakatawa.


  41. hello mrs. p. maraming salamat. maganda ba si roderick sa inday bote? mas maganda pa kay dolphy sa sergento fofonggay?


  42. hi barb – maraming salamat – no problema sa bad spelling, basta naiintindihan.


  43. hi joachim.

    GRAVATAR? interesting. what’s it about? dalawang paligo na lang, i will give vilma santos a run for her money.

    jay


  44. hi rene.

    great comic sites. ang dami na palang mga local na produced work. sana nakaka abot sila outside the philippines para naman mabasa rin namin. ingat and thanks for the links – very very interesting.

    jay


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: