AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND

December 4, 2004

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND narito ako sa opisina ngayong sabado. kinuha ko ang mga gamit ko dahil pupunta ako sa australia ng monday. nag bike lang ako kasi maganda ang panahon kahit tanghali na. lately nga medyo di na gaanong mainit dito sa singapore at kadalasan ay mahangin. this is the closest we have to winter kaya enjoy it baby, while it lasts. naglalabasan na naman nga ang mga nagpapaporma rito na gustong gusto kong tadyakan – sila yung mga kupal na mahilig mag suot ng bonnet, turtle neck sweater at leather jacket. hindi yata nila alam ang depenisyon ng “tropical country” at “humidity“. the other week, may nakasabay ako sa bus na nakabonnet na biglang tumayo at nalapit sa mukha ko ang ulo. tangina, muntik na akong mahimatay sa baho. pero next week, baka maging guilty rin ako ng inappropriate clothing. summer kasi sa australia pero kailangan ay formal ang damit kasi conference ang dadaluhan ko. kaya kung sakaling magawi kayo ng perth or brisbane next week at may nakita kayong lalaking may 1960’s hairdo na kamukha ni tony falcon, alyas agent x-44… paki tadyakan lang dahil ako yun.

Advertisements

No Responses Yet to “AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND”

  1. rolly Says:

    O punta ka na naman ng Australia? Sarap naman ng trabaho mo. Hindi ba pwedeng magpa-proxy ka sakin. Sabihin mo malulungkot si Jet kaya kung pede ako na lang muna ang aatend. Wag kang mag-alala, I will keep my mouth shut and just nod my head when asked for an opinion. 🙂

    Bon voyage na rin.

  2. Jet Says:

    Mylab, pasalubong… sole-less and washable slippers na made in China… hahaha!

    Tsk! Home alone na naman ako. *hikbi*

  3. Linnor Says:

    Ang sarap! Biyahe na naman! Oo nga pala, Best Blogger for 2004, CONGRATULATIONS! 🙂

  4. mari Says:

    kinda different ang hairdo mo dito fafajay

  5. watson Says:

    Wow, di lang si Uncle Batjay ang jetsetter, pati na rin blog na to! Congratulations sir! Pasalubong from australia: photos!


  6. hi batjay! ingat ka sa iyong paglalakbay!

    nakapunta na ako sa brisbane last year, at napakagandang place! wala nga lang social life ang mga tao dun, at 5pm sarado na ang mga mall. nyak!


  7. hi tin ni roland.

    thank you. maganda nga raw sa brisbane. first time ko rito next week kasi puro sa sydney lang ako parati. british standard ang business hours sa australia ang NZ, normallly shops close at 5pm. medyo boring nga ano?

    ingat,
    jay


  8. hi watson.

    jetsetter? ngyahaha… accidental tourist is more like it. sige, papadalhan kita ng litrato ni spiderman na nakabitin sa puno ng eucaliptus. ingat!


  9. hi mari. nagpakulot ako tapos naglagay ng isang boteng gel. ok ba? para talagang 1960’s super secret agent x44 ano


  10. gandang gabi linnor! maraming salamat… oo nga byahe na naman pero hindi naman masarap talaga. at sandali lang naman. after that, uwi na kami ni jet sa pilipinas for our christmas break.


  11. hey tito rolly. salamat sa bati mo nga pala… oo nga, balik australia ulit. may conference at kami ang sponsor kaya kailangan ulit magsalita at mag baby sit sa mga customers. malulungkot na naman si jet pero sandali lang naman – in about 2 weeks, nasa pilipinas na kami. ihanda ko na ang pepper steak ko. ingat.


  12. sandali lang naman ako mylab at saka malapit na tayong umuwi sa pilipinas. 2 weeks na lang at makakatulog na tayo sa bahay natin. sige bibili kitang pasalubong. lab U!

  13. tin Says:

    aliw itong pic na to!

    have a safe trip sa brisbane! hmmm, parang pareho lang sila ng sydney para sa kin — although sydney’s better. zoo and beach lang yata ang highlights sa brisbane e although sandali lang kami dun before.

  14. BatJay Says:

    hi tin. aakyat din ako ng townsville… malapit na ito sa GBR. sana may magaya na mag short trip doon, kahit hanggang cairns lang.

  15. Dr Emer Says:

    Ang dating pa din sa akin ng picture na ito ay old commercial ng Blend 45. =)

    Mukhang me disadvantage din ang pag-quit mo sa pag-smoke, BatJay. Bumabalik na at tumatalas ang pang-amoy mo. Kaya lang ang swerte (o malas?) eh napapaligiran ka ng mababango(?). Hehehe. Konting tiis. Ingat sa down under.

  16. Ting Aling Says:

    Ay, type ko ‘tong picture. So is this how you’re going to look like pagdating sa fifties mo? ‘di masama.


  17. late ka na yata natulog doc emer.

    oo nga… sino bang naalala mo yung kay boots anson “marcos/erap/fpj is my guy” roa or yung mas earlier pa roon? kahit nung nagsisigarillo pa ako doc emer malakas ang pang amoy ko. pero ngayon talaga ibang klase – i can spot body odor from far away. vey very bad odor. lalo na sa mga enclosed places tulad ng mg elevator, trains and buses.

    hirap talaga.


  18. hi tingalingaling.

    this is probably how i am going to look like in my fiftees – that is kung magpakulot ako at naglagay ng gel. mwehehehe… balak ko nga pagdating ko ng 50 years old ay magpakalbo na lang para wala na akong iniisip na gaining face or losing hair.

  19. willie h. Says:

    congrats for being the blogger of the year! sana 3peat


  20. maraming salamat willie h. 3peat? ngyehehe… tama na ang isa. ano nga pala ang ibig sabihin ng H sa pangalan mo? galing eh. mysterious.

  21. glo Says:

    parang naduling yata ako ng konti…akala ko si Mr Bean! he he…peace kuya jay! enjoy OZ!

  22. willie halili Says:

    oh hayan buo na pangalan ko. have a safe trip to australia!


  23. hi ate glo.

    mas matangkad, mas macho at mas kyut ako kaysa kay mr. bean. bwahahahaha. singkit din mata ko.


  24. ayos, ang galing ng pangalan mo willie. parang tula.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: