Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman

December 1, 2004

siraulong luko-luko pero di na naninigarillo ngayon ang sixth month anniversary ng paghinto ko ng paninigarillo. i had my last stick, the day i entered the hostpital for an appendectomy (i had a ruptured appendix and i almost died, the doctor dramatically said). siguro daw dahil sa sobrang ginamit na anaesthesia kaya ganito ako karetarded. bilang celebration sa aking 6th smoke free month ay bumili ako ng isang kahang winston nag lunch kami sa labas ng mga kaopisina ko. kumain kami ng masarap na chicken rice sa dover road (sikat ito sa singapore). presko rito dahil malakas ang hangin at sa ilalim ka ng malalaking acacia nakaupo. medyo minalas nga lang ako dahil nataihan ng ibon ang kamay ko. tanginangyan. buti na lang tapos na akong kumain, kundi baka kung ano pang kahihiyan ang nangyari. wala namang nakapansin kaya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunasan ko ng bimpo. iniisip ko na lang, sign ito from heaven. sana lalo akong swertehin dahil dito. taya kaya ako sa lotto?

Advertisements

No Responses Yet to “Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman”

  1. rolly Says:

    six months na pala tayo first nag-meet ano? Ang galing mo tsong, nakaka 6 months ka nang smoke free. Di bale i’m working on my second week. Ang hirap ha! Lalo na pag ang mga kasama mo, ma lalaki o ma babae ay nag-ii-smoke!

    Pero kaya ng powers ko yan. 😉

  2. bongk Says:

    buti pa kayo nakayanan nyong umiwas na sa saigarilyo, sana ay makayanan ko din.. sana nga ay mahinto ko na ang paninigarilyo.. pero di bale, makakaya ko din yan, makakaiwas din ako, sisimulan ko next next year hahahahahha

    magandang araw po

  3. SeXyG Says:

    lam mo yan din sabi ng Dadi ko eh, nasobrahan anesthesia Nanay ko kya ganto – mentally defective ako pero ganun pa man Maganda daw ako, sabi ng Nanay ko!


  4. oo nga 6 months exactly today nung tayo ay unang nagkita. and for that dalaw, jet and i are eternally grateful.

    yung ka room mate ko at kasama sa buhay na kasama rin sa bahay ay naninigarillo pa kaya mahirap talaga. yung sinasabi ni jet na depression – tutuo yon. during the first few months (most especially the first three weeks) di ko matanggap na huminto ako. feeling ko, na deprive ako ng katangi tangi kong poisonous pleasure. isa na nga lang ang bisyo, nawala pa. yun siguro ang mga typical kind of justification na naiisip ng mga humihinto.

    konting tiis pa sir. gagaan din ang pakiramdam mo after a while.

  5. Jet Says:

    ehem! naghugas ka na ba ng kamay mylab?


  6. KaBongK. kamusta na? hope you’re doing ok. alam mo ba yan din ang sinasabi ko – “hihinto ako next year”. nung nasa mga late 20’s ako, ang sabi ko pa nga “i’ll stop smoking when i reach 30”. hehehe… 38 na ako nang mahinto. sana tuloy tuloy na ito.


  7. hi sexyg.

    yan din ang sabi ng mommy ko sa akin – na maganda raw ako. bwehehe. pareho pala tayong mentally challenged. buti na lang di tayo naging pangit.


  8. MYLABOPMAYN!!!!!

    anong kamay mylab? yung nataihan ng ibon? di ko pa hinuhugasan. ina amoy-amoy ko pa muna. tapos mamaya, tataya ako sa lotto – baka swertehin tayo.

    this can only be a sign from heaven.

  9. glo Says:

    uy! suwerte daw ang maiputan ng ibon…tama taya ka sa lotto. he he 🙂

    wow congrats! 6 months na smoke-free, hanep.
    ako dati umabot ng 14 months ( 9 months preggy, 5 months breastfeeding). that’s the longest time i was smoke/nicotine-free. (now, i’m down to 3 sticks a day, max. pag tulog na si raine, he he.)

    mabuhay ka kuya batjay! keep nicotine-free…


  10. hi ate glo. wow, 14 months. sayang, sana tinuloy mo na lang. 3 sticks a day – one after each meal i suppose. di ako pwede na mag decrease ng smoking ko. all or nothing kaya siguro ako nag decide na mag quit cold turkey.

    wala pang nagtatanong kung anong ibon ang umebak sa kamay ko. ngyehehe. pero swerte nga raw ito. swerte ko, di ako nataihan sa mukha.

    BWAHAHAHAHAHAHAHA!

  11. andres Says:

    BatJ,

    Buti hindi ka naging bato nung maiputan ka ng ibong adarna? Props for keeping it smoke free.

  12. Beng Says:

    hi jay,

    congrats ha? buti ka naka six months ka na sa paghinto. ako…para pa ring kapre! pati utot ko may kasama ng usok (ay ano va yan) sori medyo nawala ang pagka ladylike ko. pero talagang ganyan na yata ang mga nasobrahan ng anesthesia. buti ka isang beses lang, samantalang ako juice meh, di ko na mabilang. kaya pagpasensiyahan mo na lang ako ha? btw, tumaya ka an sa lotto baka nga naman suwertehin ka. kapag naman ikaw ay suwertehin…pingi balato ha? hihihihi

    babuh
    beng

  13. glo Says:

    kuya jay,
    hindi one stick after meal…tatlong sunod-sunod habang nagmu-muni-muni bago matulog sa gabi. he he.

    oo nag buti di ka sa mukha iniputan ng ibon!

  14. buttgirl Says:

    hello batjay. nakikibasa lang po. fan mo po ako. hehe. eniweys, buti na lang, hindi ka naging bato nung mabiyayaan ka nung ibon. 🙂

  15. metal Says:

    ey, batjay bro:…i am going to be the first to greet you. congratulations for being the best blogger at the philippine blogger awards. you really deserve it!!!

  16. -ghost- Says:

    wow perstaym ko rito! hello kuya jay! tama, buti di sa mukha! hahaha!

    hi ate jet! *wink*

  17. `* rachelle Says:

    hey, been reading ya site and yes, you do deserve that award! real funny enries. hehe. take care! visit mo naman blog ko din oh.. haha.. =) cheeriox


  18. hi batjay!

    wow, 6 months! ang galing mo! ako rin, trying to quit na ngayon. 1 stick a day na lang dapat ako, tapos pagtapos ng taon, zero na! ang hirap, grabe!!! bilib ako sayo at cold turkey ang ginawa mo.


  19. hi andres.

    wala namang ibong adarna rito sa singapore kaya confident ako. hehehe. kung ibong adarna yun eh kailangan naman nakatulog ka muna bago ka maging bato. eh di naman ako makatulog kaya ok lang.


  20. hi beng.

    congratulations din sa iyo – wow, pinoy blog of the week ka pala. great work. sana matanggal mo rin balang araw ang mag sigarillo. di pa ako tumaya sa lotto kahit kailan. di ako marunong tumaya eh.


  21. hi ate glo… 3 sticks in one sitting. wow. nung peak ko ay 2 sticks na sunod sunod – ngayon? wala na, nakatingin na lang at nagtitiis. hehehe.


  22. hi buttgirl. malaki ba ang pwet mo?

    walang ibong adarna (parang “Walang Himala!”) dito sa singapore kaya malakas ang loob ko na taihan ako ng mga ibon dito. maraming salamat sa pagdalaw. balik-balik lang pag wala kang ginagawa.

  23. Beng Says:

    sana nga matigil na itong bisyo ko. balak ko na ngang bumili ng nicorette o di kaya magpa acupuncture ako. paano mo nga pala ginawang huminto…basta na lang ba ganun? buti ka malakas ang will and determination mo. gagayahin din kita idol 🙂

  24. Beng Says:

    Pahabol:

    am not sure if got my email few weeks ago. nasabi mo kasing may balak kayong pumunta dito sa germany. you and your family are welcome dito sa amin. ipapasyal ko kayo basta bigyan mo ko ng autogram 😉


  25. maraming salamat sir metal.

    ikaw man ay maganda ang blog at so far ikaw pa lang ang alam kong blogger na nasa automation industry na katulad ko.


  26. hello again ghost. sorry for the late reply. humahabol ako sa pagsagot sa email. thank you for visiting and commenting. ang tagal na pala ng ibong adarna episode ko. ngyahaha.


  27. hi rachelle.

    thanks for visiting my site. sige pupuntahan ko rin ang site mo maya mayang kaunti.


  28. hi tin ni roland.

    para sa akin cold turkey is the way to go. kasi madali akong matukso sa pag smoke. kung di ko talaga ihinto entirely, i will never ever be able to stop. so… cold turkey was what i did. it certainly helped that i was hospitalized.

    ingat!
    jay


  29. wow! maraming salamat sa offer beng. matagal na talaga naming gustong magpunta as germany. sana sooner rather than later. gusto kong puntahan lahat ng tinirahan ni jose rizal.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: