BAKA MAPANIS YAN

November 27, 2004

BAKA MAPANIS YAN...

eto ang hitsura ng sinkit na pango na galit sa mundo na lalaking nangungulangot. ang cute ko no? pero kahit ganyan ang mukha ko, malaki naman ang ano ko… butas ng ilong.

ANG PATULOY NA ISTORYA NG PAGBIBISIKLETA: i did 22 kilometers this morning. not bad considering na lumabas ako sa bahay ng medyo late na. nakakatamad magbisikleta pag mainit kasi madali kang mapagod at ang lakas makaitim ng sikat ng araw dito sa singapore. kaya eto, kutis betlog na naman ako. pag ganitong mainit, nagpupunta ako sa “old tampines road“. this is one of favorite trails kasi tree lined ang stretch na ito. kaunti lang ang nagdadaan kaya pwede mong makalimutan, kahit sandali, na nasa singapore ka. kanina nga, ini imagine ko na nasa loob ako ng UP diliman campus, galing ng antipolo at dadalaw sa mga parents namin sa novaliches. sinabayan pa ng “mandolin rain” ni bruce hornsby sa aking iPod. perfect.

Advertisements

No Responses Yet to “BAKA MAPANIS YAN”

  1. rolly Says:

    ang kulit ng picture. Sabi ng bunso ko, ang lakas mo raw mang trip. Whatever that meant to him. hehe

    Sayang yung biking group mo mo? Why don’t you contact them and magyaya ka uling mag-bike every Friday? E kung nanjan lang ak, pihado, sama ko. Mahilig akong magsasama e. In other words, kaladkarin ako. hehe

  2. metal Says:

    hahahaha…ok, two-thumbs up ang pic. hahaha…no comment muna, bro!!!

  3. mari Says:

    hahahahaha!


  4. Galing mo talaga pre, you never fail to amuse your readers.


  5. hi joach.

    salamat. sometimes i never mean to amuse my readers but they get amused anyway. it’s probably because of my good looks.

    BWAHAHAHAHAHAHA!


  6. o, dahan dahabn lang sa pagtawa mari – baka mautot ka. hehehe.


  7. gandang umaga metal.

    two thumbs up lang? hehe. maraming salamat kay don polo. siya ang nag produce ng animation. actually siya ang gumagawa ng halos lahat ng mga special pics ko sa site na ito. marami pa siyang mga artwork na makikita mo sa mga site nina sassy lawyer (http://houseonahill.net/) at ni doc emer (http://emeritus.blogspot.com/) . enjoy.


  8. hi tito rolly.

    sana enjoy kayo sa vacation ninyo. ang kulit ba ng picture – si polo kasi, nilagyan ng animation yung nangungulangot na dirty finger pic, ayan tuloy. ang lakas ko raw mag-trip? ibig bang sabihin nito eh psychadelic ang imagination ko? hehe. weird? twisted? crazy? all of the above? ayos lang na label yan para sa akin. sira ulo naman talaga ako. hehe.

    wala na ang bike group ko. disbanded na. naghahanap nga ako ng bagong masasalihan. malungkot kasing mag bisikleta ng long distance mag-isa. kailangan ko kasi ng team work to get over long distances. di bale pag nasa pilipinas ako, mag bike tayo from pasig to antipolo. mga 17 km lang naman yon kaya lang nga eh uphill papunta sa amin, baka umabot sa sahig ang dila natin sa pagod. hehe.

  9. Dr Emer Says:

    Sabi ko na sa lahat ng dirty finger pics mo, itong isang ito ang pinakakwela. Ang galing! Ngayon, gumagalaw pa! =)

    Nasan na ba yung sisira daw ng mga website natin? Bigyan mo nga ng isang sakong dirty finger mga yan.

  10. Jet Says:

    Kahapon pa yan mylab ah. Di ka pa ba napapagod? hehe… ;p


  11. hey doc emer.

    maraming salamat kay polo for animating this nose picking pic. hehe… ang galing talaga ng kaibigan natin. alay ko rin ito doon sa mga mababait na nagpromise na guguluhin tayo. sana tubuan lahat sila ng mga betlog sa noo.


  12. hello mylabopmayn…

    oo nga, sa sobrang tagal ng pangungulangot na ito ay kasing laki na ng basketball ang nabilog ko.

  13. Manang Says:

    harharharharhar!
    A dose of batjay aday keeps da doctor awey!

  14. BatJay Says:

    hello manang kusinera.

    well, either that or magkaroon ka ng kabag. ngyehehe… ingat!

  15. trotskybee Says:

    Batjay, di ko matiis na di magcomment ulit. ANG KULIT mo talaga! Sobra!

    Huwat? May gustong sumira sa inyong website? Hmmm…di ba mas delikado kung magkaroon sila ng betlog sa noo? Di kaya mas dumali ang proliferation ng kanilang lahi?!?


  16. salamat. oo makulit ako sobra. always kalog, sometimes tulog.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: