So, tell before you come to me from out of yonder skies, a man's a man who looks a man right between the eyes

November 26, 2004

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

Advertisements

No Responses Yet to “So, tell before you come to me from out of yonder skies, a man's a man who looks a man right between the eyes”

  1. rolly Says:

    Iba na naman ang title ng article sa kanta ah. Akala ko yung sa CSNY yun pala iba. Matanong kita, kay Lani Hall (asawa ni Herp Alpert, yung manonorotot) ang narinig kong version ng kantang yan e. Tama ba? O me iba pang version?

  2. bongk Says:

    sabi nga nila, “it comes in three” pasalamat ka at maaagang natapos ang ordeal mo sa mga kilikili, just DONT look forward to another round of smelly thing on Monday, kase lalapit at lalapit din talaga ang mga di kanais nais na mga amoy hehehehehe

    happy weekend sir!

  3. misispi Says:

    shet men, ang baho ng amoy langka pag di langka yung nangangamoy! sabagay, pasalamat ka na rin at hindi amoy durian — mas malala yon!

  4. mari Says:

    di pa yata ako nakakaamoy ng amoy-langka na kilikili. alam ko lang amoy bayabas, amoy sibuyas…meron palang ganun. pero yucky pa din pag may b.o.

  5. eye Says:

    ganun talaga — when it rains, it pours! binagyo ka ng hasik ng lagim πŸ˜€

    alala ko tuloy yung isang irish na ubod ng gwapo pero isa-isa kaming na-turn off dahil sa amoy niya — pinagtalunan pa ng 2 kong kasama kung amoy ihi ba siya ng kabayo o kinakalawang na bakal. no exag daw, ganun talaga ang amoy niya.

  6. metal Says:

    napakamalas mo naman batjay bro…next time siguro, tantiyahin mo ako katabi kung mukhang malinis. delikado, baka kumapit pa sa damit mo ang amoy ng katabi mo.

    sadyang ganyan, maraming tao talaga na kahit gaano ka-abundant ang tubig, tamad pa ring maglinis ng katawan.


  7. ngyehehe… iba nga tito rolly.

    nagsimula kasi ako eh yung litrato ng ngatain mong nangungulangot kaya lang dinagdagan ko ng kanta kasi nag record nga ako kagabi. kaya yan – CSNY song lyric ang basis ng blog title pero “how can i tell you” ang kanta sa recording. magulo, ano? oo si help alpert ata ang husband ni lani hall. sayang na singer yang si lani hall, ano? biglang nawala. ang composer actually ng “how can i tell you” ay si cat stevens. and i like his original version better – it’s a bit rougher but it sounds better to my ears. have you heard this version? maghahanap nga ako.


  8. gandang tanghali ka BongK.

    oo nga, it comes in threes… hirap talaga dito. di lahat ay may parehong mga bathing habits. at least sa pilipinas, pag nag commute ako ng umaga, alam ko na ang katabi ko sa FX ay mabango at basa pa ang buhok dahil bagong ligo. wellm at least most of the time. wala pa akong nakatabing mabaho sa umaga nung namamasahe pa ako sa maynila.

    happy weekend din sa iyo sir!


  9. misis-pi na asawa malamang ni mister-pi!

    shit talaga. shit da pwet na malagkit, pa nga. you know how true blue anghit smells? it smells like langka. i am talking about the kind of body odor that comes from someone who did not take a bath and perspired while wearing a shirt that wasn’t washed. yung type ng body odor (there are a lot of types by the way) na tipong pupunitin ang ilong mo (rip it apart – hehehe) sa sobrang baho. yes virginia, the type that really hurts when you smell it.


  10. oo mari, amoy langka siya. pumikit ka lang at mag imagine ng saging na saba at balat ng lumpia, pwede ka nang kumain ng turon!

    BWAHAHAHAHA…. magawan nga ito ng blog.


  11. BWAHAHAHAHA – hanep eye.

    ihi ng kabayo or amoy ng kinakalawang na bakal ang amoy ng super pogi mong kaibigan. ang galing naman ng imagination ninyo. naluma yung amoy langka ko ah. hehe. based sa description na ito na binigay mo, i am almost sure na hindi siya naliligo. ganyan na ganyan ang amoy ng mga taong nakatira sa malalamig na lugar na takot sa tubig at sabon. punas punas lang ng kaunti, ayos na. kawawa naman ang mapapangasawa niya.

    buti na lang ako super pogi rin pero super bango pa. BWAHAHAHAHAHA!


  12. hi metal.

    sabi ko nga sa iyo, magnet ako ng mga taong malakas pa sa kanyon ang putok. siguro dahil opposites attract. ngyehehehe… super mabango kasi ako palagi. no choice kasi pag nakasakay ka na sa train tapos biglang may tatabi sa iyo na may putok. minsan mahirap mag evasive maneouvers kasi siksikan na sa loon ng train.

  13. delish Says:

    so… lapitin ka ng anghit? :p

  14. Jet Says:

    Madaling maligo kung nakasanayan, mahirap kung hindi. Rhetorical answer, don’t question… hehe πŸ™‚


  15. hi mec. oo, anghit magnet ako dito sa singapore. most especially sa mga public places at public transportation – mga eroplano, taxi, bus, train. pati nga elevator. nakakainis minsan.


  16. oo nga mylabopmayn.

    force of habit lang yan. dahil we are creatures of habit. kaya nga raw ang mga pinoy, kahit in the dead of winter, naliligo pa rin. kabaligtaran naman para sa mga kapatid nating galing sa malamig na lugar… summer na eh ayaw pa ring maligo. hehe. o kaya, pupunta rito sa south east asia asia at di pa rin maliligo.

  17. AnP Says:

    ang mas malala pa dyan, yung ibang di na nga naliligo ng maayos, nagpapabango pa!


  18. AAAAAAAAAAAAAARHG!

    hirap talaga diyan sa inyong bansang malamig. mwahaha… i’m sure pusong pinoy ka pa rin – ie ligo araw araw in the dead of winter?


  19. grabe, halos maihi ako sa kakatawa!!! bwarharhar! delikadong magbasa ng blog mo sa opisina at masama ang tingin sa kin ng mga tao sa paligid ko. ang mahirap nyan eh may anghit na nga, tapos kausapin ka pa, at may bad breath!


  20. hi tin ni roland. naku, huwag mong pipigilin ang tawa mo kasi baka mautot ka naman. mas makakahiya yon kaysa marinig ka nilang tumatawa ng malakas.

  21. peepai Says:

    hello, pa-koment lang po πŸ™‚

    gustong gusto ko yung kanta ni lani hall na yan. bihira akong me mabasa na nakaka appreciate nun.

    nakakahilo nga ang anghit lalo na at summer dito sa amin sa loob ng mga subway. pwe!


  22. hi peepai. ang ganda naman ng pangalan mo.

    maganda nga ang version ni lani hall ng “how can i tell you”, pero mas gusto ko yung original version ni cat stevens. saan bansa ka ba nakatira? somewhere in europe, i guess.

    ingat na lang at maraming salamat nga pala sa pagdalaw.

  23. peepai Says:

    salamat !

    sa vienna po ako nakatira, πŸ™‚

    actually di ko alam na si cat stevens me version din. syempre parang mas naging maganda sa pandinig ko yung ke lani (feeling close) dahil babae din ako hehe..

  24. Ting Aling Says:

    rhetorical statement..don’t disagree..(hehehe) buti nga walang nagsusuot ng leather jacket diyan na kinapitan na ng anghit..(o meron din ba?)


  25. hi again peepai…. peepai ba talaga ang pangalan mo. ang ganda talaga. sa vienna ka pala. sigurado ako na maramin nang nagtanong as iyo kung masarap ang sausage diyan sa inyo. hehehe.

    si cat stevens ang composer ng “how can i tell you”. hindi mo pa pala naririnig ang version niya – you should. baka magbago ang opinion mo. it really is a matter of taste. if you want the bluesy soulful tunes (like me) then the cat stevens version is for you. on the other hand kung pop music lover ka eh magugustuhan mo ang kay lani hall.


  26. hi tingaling.

    leather jackets and turtle neck sweaters are my pet peeves. umiinit ang ulo ko pag may nakita akong nagsuot nito rito sa singapore (or sa manila for that matter). alam ko kasi pamporma lang ito. at napaka inappropriate dahil napakainit dito. gusto ko talaga silang kutusan – once in a while kasi i see them in the train station or walking in the shopping district.

    i dread to imagine how they must smell inside those thick clothes.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: