ANG MAKULAY NA DAIGDIG NI NORA

November 24, 2004

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.

nung gumagawa pa ako ng mga project sa bundok, ang pinakamasayang interaction between the engineering staff ay yung banter sa loob ng banyo. dahil dikit dikit na cubicle style ang mga toilet bowl, masarap mag-bidahan habang emeebak. minsan pag nasa trono, bigla na lang akong sisigaw ng “walang himala! hindi totoong may himala! tayo ang gumagawa ng himala! tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos! walang himala“. maya-maya, may gaganti na sigaw galing sa kabilang toilet seat: “putangina, nahihirapan na nga akong tumae, ang ingay ingay mo pa diyan… DARNA“.

nahulaan na ni yasmin kahapon pero itatanong ko pa rin – ano ang pangalan ng manyika ni ate guy? any die hard noranian would be able to answer this.

Advertisements

71 Responses to “ANG MAKULAY NA DAIGDIG NI NORA”

  1. kwan Says:

    maria leonora theresa? di rin ako tagahanga ni nora, pero parang nakasiksik sa utak ko ang mga kajologan ng 70s at 80s.. basta pag may nagtanong, bigla ko na lang naaalala ang sagot, nasa subconcious na yata…sana mali ako. hehehe


  2. hehehe… mamaya ko sasabihin ang tamang sagot. 70’s jolog ka rin ba?

  3. metal Says:

    batjay bro:…if my memory serves me right, i think KWAN is right…the doll’s name was maria leonora theresa…hehehe. ano ba ito, headbanger eh, nakikipagkwentuhan tungkol ke guy en pip…anyway,di naman talaga ako fan ng guy-pip tandem…fan ako ni winnie santos en arnold gamboa (hehehe…awwwww!)


  4. ayos metal – wow, arnold gamboa! naalala mo ba yung kantang… “jackpot, jackpot, jackpot ka – sa buhay ko!”

    ayaw mo ba kay boyet orca?

  5. Paul Says:

    Nalulungkot lang ako sa sinapit ni Nora nitong mga nakalipas na taon.


  6. hi paul.

    long time no hear. nice to see you again. ano bang nangyari kay ate guy? di ko na nasundan ang buhay niya. eto ba yung post erap years?

  7. glo Says:

    ha ha! maria leonora theresa nga!


  8. hello ate glo.

    kung talagang magaling ka, ano ang pangalan ng manyika ni tirso cruz III?

  9. kwan Says:

    pinanganak lang po ako nung 70s… tsismosa lang siguro nanay ko ng pinagbubuntis ako… naiimagine ko nga minsan na imbes na children’s book yung binabasa nya sa kin (habang hinihimas nya tyan nya at nasa loob ako) eh kislap magazine ang pinag tritripan ni ermats… hehehe


  10. hehehe… ang english version daw ng kislap magazine ay “Twinkle”.

    maganda yang talent mong yan para mangolekta ng mga showbiz trivia. mga ilang taon pa, pwede ka nang gumawa ng TV show na kasama si kris aquino. pag natuloy, tawagin mo itong – “The Bust” o kaya “The Bus” o kaya “The Bash” o kaya “The Bush”.

  11. glo Says:

    manika ni tirso cruz III?
    nyeh, di ko alam.
    basta alam ko lang yung maria leonora theresa, yun din ang buong pangalan ni matet.

  12. Allan Says:

    patanong din batjay… kelan ang birthday ni Maria Leonora Theresa?


  13. hi ate glo.

    aha! kaya pala mistisa si matet dahil may fixation si ate guy kasi tisay din ang kanyang manyika. hmmm…. ti-nu-ni-nu-ni-nu (twilight zone music). ano kaya ang psychological interpretation nito, ate glo?


  14. hindi ko alam boss allan… kailan ba ang birthday ng manika ni ate guy? alam mo ang isa sa aking frustrations… walang available na mga websites about the pinoy atrist kung saan typically, makukuha mo ang mga information na ito. walang site ng “rotten tomatoes” about movie reviews. walang available na mga DVD/VHS ng mga classic na pinoy films available.

  15. Apol Says:

    hehe! haba naman ng pangalan ng manika nya.

    Sa mga rali na nasamahan ko nung college pa ako, isa sa mga paboritong gawing joke ang tambalang guy n pip. “ibalik, ibalik ang tambalang guy n pip!” magandang chant ito habang nagmamartsa papuntang mendiola. hehe


  16. hi apol.

    doon naman sa bandang amin (and this is a true story, i shit you not) ang battle cry ay “lansagin ang tambalang guy en pip!”

  17. bongk Says:

    honga, maria leonora theresa nga ang pangalan ng manika (headbangers talaga ito and it took me more than 30 minutes to remember the name) hehehehehe

    boyet orca? (hirap namang palaisipan ito, teka, sya ba yung kasabayan nina lala aunor at arnold gamboa?) hehehehehe natawa ako sa sarili ko ng i-type ko ang names nina lala at arnold hahahahhahahaha


  18. ang galing mo talaga ka BongK. eto pa ang dalawang pangalan para lalo kang matawa – darius rason, perla adea. AT para mas lalo ka pang matawa, eto kakanta pa ako: “oras ng ligaya….”

    “sabado, ikapito…. TANG-TA-RA-RANG, TA-RA-RANG-TANG-TANG!”

  19. mari Says:

    wala akong memories ni ate guy hehehe…pero patok talaga ng loveteam nila.


  20. hi mari – mas gusto mo ang tambalang edgar mortiz at vilma santos?

    naalala ko tuloy si edgar mortiz sa “going bananas” sa channel 2. may spoof silang singing group doon sa show at siya ang leader. ang pangalan ng group nila ay “edgie and the jakolites”. kulay asul ang mga mukha nila ang blues ang mga kinakanta nila.

  21. metal Says:

    batjay bro: pasensya ka na, pero di ko matatanggap ang mungkahi mong boyet orca…nasaktan ako. avid fan kasi ako ni dondon nakar…hehehe (awww!).


  22. hehehehehe…. ispokening about dondon nakar. nakita ko siya many years ago. part ng isang christian catholic community. active ata ang pamilya nila sa simbahan. pero ang gusto ko talaga ay si darius razon kasi umaalon alon ang boses. pag pinakikinggan ko nga siya nung araw, parang nagiging sea sick ako.

  23. Jet Says:

    Ako din, fan din ako noon ni Dondon Nakar… hahaha!

    Di ba may show pa nga silang 4 noon? Apat na Sikat ba yon?… Dondon Nakar na ka-partner ni Lala Aunor at si Arnold Gamboa na ka-partner ni Winnie Santos!

  24. metal Says:

    pasensya ka na batjay bro, pero di ko mapigilang magkomento uli…isang-isa na lang…i guess kung gusto mo ng ultimate sea sick feeling…you should try the “singsing”…remember the duo with the tunami voice?!


  25. sing-sing? pinaka paborito kong kinaiinisan na group. nag-iinit ang ulo ko nung una kong narinig yon. pero ngayon, ayos na ayos yon kaya lang di ko na naririnig. nung mag shota sina vic sotto at dina bonnevire, ginawan nila ito ng spoof. nakakatawa – “oh be-he-he-he-he-abe, isang hilik mo la-ha-ha-ha-ha-aaa-aaa-aa-ng”


  26. apat na sikat? oo nga ata mayroon non mylab. si ninang ate sienna, malamang alam niyang lahat yon. eh mylab, sino ba ang ka-partner ni boyet orca?

  27. celiaK Says:

    Yun na nga ang ngalan ng manyika – Maria Leonora Teresa. May kanta pa nga si Pip nyan.
    Apat na Sikat? Eh pano naman si Eddie Peregrina at Victor Wood. “I went to your weeding …” :LOL:
    Sayang si Ate Guy magaling pa naman siyang actress. Hanga ako sa mga dramatic performances niya sa Himala, Tinimbang Ka Ngunit Sobra – este – Kulang, Banaue, 3 Taong Walang Diyos, etc. Ano na nga bang nangyari sa kanya?

  28. celiaK Says:

    Ay sori, si Boyet lang pala yung sa Tinimbang Ka …

  29. T. Says:

    Hello po uli, Mang Efren (ulk, Aga, Tito Aga pala),

    Nabanggit niyo na lang ang websites ng mga artista, plano ko noong gumawa ng website para kay Ate Guy, at dahil nagtatrabaho ako sa isang domain registration company, nakapag-register na ako ng noraaunor.biz. Sa kasamaang palad, ang credit card na nagamit ko ay sa boss ko (aksidente lang po, aksidente…), at kailangan kong magmakaawa sa “higher department” para i-deactivate siya. …tsk, tsk, tsk. Sayang nga e. Pero, balang araw, matutupad na rin ang mga pangarap ko, promise… 🙂

  30. mavic Says:

    salut batjay,

    gaya mo, nasenti rin ako sa picture na ‘to kya lang wala kong souvenir tungkol sa manikang yan. Ang hindi ko malilimutan e umiiyak ako habang nanonood ng concert ni boyet orca. ah yes, nain-love ako sa kanya. nasa’n na kaya sya ngayon?

  31. Allan Says:

    o eto batjay me nahalungkat akong old article tungkol ke Guy and Pip http://www.inq7.net/saturday/jul99wk5/spc_7.htm

    “Maria Leonora Theresa’s “parents” were Nora Aunor and Tirso Cruz III, after whom she was named. She was “born” on Dec. 18, 1970, which fell on the birthday of Daddy Groovy, Pip’s father. That was when Pip gave her to Guy as a pre-Christmas gift and as a way of patching up a petty quarrel…”

    hahahahaha 😀

  32. Junnie Says:

    Ma. Leonora Teresa
    -manyikang binibihisan kung ano ang mood ni Guy&Pip
    -itim kung may tampuhan, pula kung masaya
    -parang Sto Nino kung pagdadambahin ng Noranians
    -tinago sa baul pagkatapos ng split up
    -nasa tiyahin na raw ni Pip at wala nang mata
    -lumalabas paminsan minsan sa ngalang Chucky’s Bride

    Si LaLa Aunor at Marilyn Villamayor ay parehong utol ni Nora at si Winnie Santos naman ang utol ni Mayor Vi. Si Lala at Winnie ang nasa Apat na Sikat. Si Arnold Gamboa naging concierge sa Manila Hotel at si Dondon Nakar naman naging Pastor.

    Si Boyet Orca at Nancy Delos Santos ang magka tambal.

    Si Ian De Leon, ang anak ni Boyet De Leon at Nora Aunor ay may tunay na ngalang, Christopher Ian De Leon. (Ang IAN ay initials sa “I And Nora” – at maypakontes pa ito sa isang magazine nung mga 1970s).

    Ako nga pala ay dating Pangulo ng Nora Aunor Fans Club at nasa Channel 9 palagi kung Lingoo para makadaupang palad si Kuya Germs…..

  33. Ting Aling Says:

    Back to topic..NORANIAN ko ha..huwag lang nakikinig si Ate Vi. Si Nora ba yung ikinasal sa seashore? ‘di ba ang laking eksena noon yon kasi bawal pa ang ikasal sa labas ng simbahan noong araw?

    Batjay, maiba ako..be careful with what you wish for, baka ako ay makayakag ng 100 na bloggers..kailangan me lace yung undy mo..sa mga di nakakaalam, si Batjay po ay nagpramis sa aking blog na sasayaw siya sa bloggers’ night, kaya punta kayo ha.


  34. hi ate celiaK.

    magaling, magaling… isa ka talagang ka tribu namin nina tito rolly sa generation. bwahaha… paro mas matanda siya sa akin. si victor wood, di ba na rumor na boyfriend ni madam auring? narinig ko lang sa radyo minsan ako’y umuwi sa pilipinas.

    oo nga ate C, si boyet ang nasa “tinimbang ka…” pero silang dalawa ni ate guy sa banaue. medyo controversial pa nga ito dahil topless si ate guy dito. yung himala ay talagang ok dahil magagaling na mga stage actors ang ginamit nilang kasama ni nora doon. ang isa pang maganda ay “sidhi”, great story and great acting. ang galing pa ng mga sex scenes ni albert matinez at glydel mercado.


  35. hi T.

    sayang sana natuloy mo ang showbiz website mo. paano mo nga pala nakuha ang credit card number ng boss mo? hindi ka na nakulong, kasi alam ko, credit card fraud ang ginawa mo. hehehe… bakit nga pala puro showbiz sites ang balak mo? jologs ka rin ba or gagawin mo itong parang negosyo?

    mayron na palang http://www.noraaunor.com – ang galing!

  36. delish Says:

    inferno to them, i like that “Maria Leonora Theresa” song ha! 😀


  37. comment allez-vous mavic?

    allan just gave me a great link tungkol sa manika. here it is – http://www.inq7.net/saturday/jul99wk5/spc_7.htm what’s great about the article is that it appears to be a first person account on the madness of the noranians. i’m sure you remember that time. fan ka pala ni boyet orca. mwahaha…. somebody should actually do a show featuring the teen idols during the 70’s. that would really be a cool documentary. ano sa tingin mo?

    o sige, i hope you’re keeping warm over there in france.

    jay


  38. Happy Thanksgiving Allan.

    Hehehe… Naku, maraming salamat sa article. I was reading it and in a way, it is similar to my post dahil nasesenti rin yung gumawa ng article about her experiences in the 70’s and somehow nora aunor was a link. Ang galing ng story about the doll. Sayang, if I had known, I would have added the facts in my post.

    Stay cool,
    Jay


  39. hi mec. mabuti ka pa, narinig mo na ang “Maria Leonora Theresa” song. maganda ba?


  40. WOW Junnie.

    Isa ka palang Nora Aunor Scholar. Ang galing galing mo at alam mong lahat ang trivia kay Maria Leanora Theresa. ano ang ginagawa ng manyika sa tiya ni pip? nilalabas din ba nila ito once a year para mag prosesyon sa quiapo? at ang galing mo sa mga shobiz trivia – sigurado akong The 70’s Jologs ka rin. BWAHAHA… pareho tayo.


  41. hi tingaling.

    ngyehehehe… may isang condition. if there are more than 100 bloggers who will arrive at cabalen, tsaka lang ako sasayaw sa ibabaw ng lamesa. sana mga 90 lang ang pumunta.

    si ate guy ang kinasal sa seashore. silang dalawa ni boyet de leon. after a while dolphy made a spoof of the wedding ceremony in one of his movies. since ang daming footage ng kasal ni boyet at guy, kuhang kuha ni dolphy ang style – kasama ata niya rito si lotis key. one of his previous girlfriends.

  42. g Says:

    During the 1970’s and early 1980’s, the following occurred here… Sexual Revolution, Vietnam War, Nixon/Jimmy Carter Era, Iran Hostage Crisis, Kent State Shooting. Disco dances craze, mini micro skirt, flared trousers, kaftans, muumuus, Bonanza, James Bond movie, seeing a lil too much of Marlon Brando in Last Tango in Paris, The Towering Inferno, Willie Wonka, Carrie, Superman, All in the Family TV Show, Happy Days, Laverne and Shirley (my fav)…of course the PEACE sign… 🙂


  43. hi g.

    i probably have some old pictires where i wore flared trousers, aka bell bottomed pants. kailangan ang pants mo must be double knit. hehehe. aray! i also loved happy days and willie wonka – i heard they are going to remake this movie. i would have loved the sexual revolution but i was much too young for it. i know my brother’s generation loved it.

    peace!
    jay

  44. mavic Says:

    yeah I guess that would be cool.

    p’sensya na for the ignorance pero ano ba yung ‘jologs’?

    thanks, je t’adore!
    mavic


  45. gandang umaga mavic. there are a number of definitions for “jologs”. some of it you can find here: UrbanDictionary.com/Jologs.

    out of the given, this are my personal favorite, jologs definition:

    1. Derived from the combined words daing (salted fish), tuyo (a type of dried fish) and itlog (egg). Dyolog then became Jolog, a term for someone who is tacky, but implied in a more negative tone and often referred to people who belong to the lower class of society.
    2. “Baduy”, “skwating”, tacky
    3. Someone who likes Jolina Magdangal (a tacky, teeny-bopper wannabe)
    4. Jolina Organization
    5. Someone from the lower class of society who tries to be cool but ends up a failure and in turn becomes a “jolog”
    6. Anything or anyone associated with things that are “pang-masa” (for the masses)

    -Those people at SM are so jolog! They’re probably from the squatter’s area.
    -Yuck! What is she wearing? Those chokers are soooo jolog.
    -Omigod! She’s like a fan of Jolina? That’s so jolog!
    -What a trying hard wannabe. Freaking jolog.
    -ABS-CBN is soooo jolog. And Judy Anne Santos is just about the queen of jologs. Well… second to Jolina anyway.

  46. T. Says:

    Hindi naman po credit card fraud ang ginawa ko, Mang Batjay. Binigyan kami ng access sa isang test account, at nakalagay ang credit card info ng aking boss sa account, malay ko ba na hindi ito test credit card kundi ‘yung tipong puwede akong mag-register ng apat na domain name, for 9 years each? Hehehe. Naaalala ko pa kung pa’nong namutla ang trainer namin sa pag-aakalang ibabawas ito sa sweldo niya…

    Hindi ko po balak gawing business ang pagtatayo ng website para sa mga artista. Nakakalungkot lang na walang mga website para kay Ate Guy, o kay Darius Razon, o sa That’s Entertainment, ‘di ba?

  47. eye Says:

    akala ko ipa-paste mo rin yung mukha mo sa katawan ni pip hehehe!


  48. malapit na eye – hinatayin mo na lang. pero actually, i will paste my face sa katawan ni ate guy. mwehehehe.


  49. hi T.

    ah, katangahan lang pala ng boss mo ang case na ito. sino ba namang bobo ang magbibigay ng sarili niyang credit card number para mag test ng account. kahit pa kasali sa work ninyo ang verification ng code ng credit card entry sa website eh hindi naman dapat binibigay ang personal card information dito. eh paano na lang kung may umorder ng sa amazon.com ng mga mamahaling mga produkto?

  50. Paul Says:

    I don’t follow the showbiz news all that much but from what I hear, magulo ang buhay niya.

    Then again, who am I to judge?

    Walastik Batjay, nawala lang ako ng 3 araw, sangkatutak na comments na itong entry na ito!

    PS: nakilala ko na rin si Arnel Ignacio.

  51. B2 Says:

    Dir koyang dyey, ang aking peyborit ay ang pelikulang Maria Leonora Teresa! Ang kyut-kyut ng manyikang bigay ni Kuya Pip kay Ate Guy! Super kilig!

  52. Luchiel Says:

    aba eh mama buti na lang napaalala mo sa akin si Nora. di sa wakas matatandaan na siya ng mga anak ko. kainis, lagi nga nila akong tanong kung sino ba si nora at sino si Vilma. Ang lagi ko sagot’anak eh walang himala.’
    it is a nice feeling to meet thru blogs a fellow filipino staying here in Singapore.
    aiyah!


  53. hi luchiel.

    maraming salamat sa pagdalaw mo. natutuwa ako pag may taga singapore na nagbabasa ng blog ko. ingat na lang sa pag gawa ng mga himala.


  54. hi paul.

    welcome back. hit na hit nga ang guy n pip post na ito. i guess you can say that in our heart of hearts – we are all noranians. hehehe. i’ve been hearing the bad news about ate guy sa showbiz chika ni tita swarding (how jologs is that ha!) sa DZRH. i used to listen to their AM Showbiz show pag umuuwi ako galing sa trabaho. pan tanggal ng inip pag nagmamaneho. hehe.

    so you’ve met arnet. he’s a great guy. ahead lang siya sa akin ng 2 taon sa school. siya ang pianist namin sa mga first friday mass at musical director ng choral group ng school. gawping si arnel at maraming may crush sa kanya na mga school girls sa OLGA pero we all knew even then that he is gay.

    ingat na lang diyan sa iyo.
    jay

  55. guybert Says:

    hi! its nice 2 know dt ders smething like ds exist
    n 2ngkol p ky NORA actually dt catchd my a10sion d topic itself bout her im a self confess noranian evn though im not born during d tym her heydays anyways she deserves ny admiration ryt? wt do u think guys? wts new bout her hve u heard smething new?


  56. thanks for dropping by guybert. i’ve been in singapore for over 3 years kaya wala na akong balita sa kanya. cheers! jay

  57. annaganda Says:

    MAY MULMOL BA SI ATE GUY? (MULMOL-NUNAL NA TINUTUBUAN NG BUHOK)

  58. Megan Says:

    Wow !!! a weblog topic on Nora Aunor from Batjay. Nora is still very much alive !!!!!!. She’s just not getting good publicity lately… She’ll figure prominently on acting awards derby via her recent movie “Naglalayag”. She has an also an on going concert all over the world with Kuh Ledesma called “Power of two”. I don’t know if Singapore is on her itenerary. Several websites is devoted on her also. one of them is http://www.nora-icon.com


  59. di ko alam pero ang nunal ko sa baba ay merong buhok – agimat ko nga ito para hindi ako maligawan. ngyehehe.

    ingat.
    jay


  60. hi megan.

    thanks for the ate guy information and thanks again for dropping by. i hope she does well.

    cheers,
    jay

  61. Mz Liz Says:

    Correction on the Apat Na Sikat comments. Lala Aunor and Marilyn Villamayor are Nora’s cousins. Dondon Nakar worked at the Manila Hotel not Arnold Gamboa. (I used to be a Dondon Nakar fan) There were all 5 members of Apat Na Sikat: Lala Aunor, Arnold Gamboa, Winnie Santos and the fourth original member was Dondon Nakar who was replaced by Eddie Villamayor (Nora Aunor’s brother) when Dondon decided he’d had enough of the “kabakyaan” and left the group. After that, Dondon, who loved to dance and boy, can he dance!, joined Penthouse Live which was hosted by Archie Lacson and Ronnie Henares. This show was the pinnacle of “kasosyalan”. Dondon really belonged with this Sunday group of great dancers/fashionistas. By the way, Dondon’s real name is Guillermo Serafin L. Nakar III and he was born July 26, 1959. Don’t ask me why I still remember all of these but I guessed it was because I was a huge fan of him. If any of you guys know any new stuff about Dondon Nakar, please post it.

  62. Mz. Liz Says:

    Correction on the Apat Na Sikat comments. Lala Aunor and Marilyn Villamayor are Nora’s cousins. Dondon Nakar worked at the Manila Hotel not Arnold Gamboa. (I used to be a Dondon Nakar fan) There were all 5 members of Apat Na Sikat: Lala Aunor, Arnold Gamboa, Winnie Santos and the fourth original member was Dondon Nakar who was replaced by Eddie Villamayor (Nora Aunor’s brother) when Dondon decided he’d had enough of the “kabakyaan” and left the group. After that, Dondon, who loved to dance and boy, can he dance!, joined Penthouse Live which was hosted by Archie Lacson and Ronnie Henares. This show was the pinnacle of “kasosyalan”. Dondon really belonged with this Sunday group of great dancers/fashionistas. By the way, Dondon’s real name is Guillermo Serafin L. Nakar III and he was born July 26, 1959. Don’t ask me why I still remember all of these but I guessed it was because I was a huge fan of him. If any of you guys know any new stuff about Dondon Nakar, please post it.


  63. It was nice to see such a blog here pertaining to the one and only superstar, well, others may have poked fun of ATe Guy, okay lang din, basta wag lang sobrang sobra! At least di man sila fan, sa subconscious nila, Nora Aunor will always be forever the greatest actress of all time!

    I am one of the moderators of an online fan club of Ms. Nora Aunor which is ICON – International Circle of Online Noranians.

    many are asking how she is? currently she is in the United States for a series of show, and I would like to take this opportunity not to believe everything you read is true, basta she is doing GREAT!

    Mabuhay po kayo dito and I hope you can visit us at ICON…thanks po!

  64. roxan cruz Says:

    hi there. I just wanna know where are my idols…the nailclippers? Nancy delos santos? and winnie santos? can you publish an article about them?

    thank you soooo much

  65. roxan mae Says:

    hi there. I just wanna know where are my idols…the nailclippers? Nancy delos santos? and winnie santos? can you publish an article about them?

    thank you soooo much

  66. roxan mae Says:

    hi there. I just wanna know where are my idols…the nailclippers? Nancy delos santos? and winnie santos? can you publish an article about them?

    thank you soooo much

  67. glo Says:

    i think guy and pip loveteam is one of the best love-time in all history
    i wish that both will get back together.
    and hope that rumor about guy that’s she is married to a woman is not true
    so tirso and her will more movies together

  68. Nelson Says:

    Arnold did work at Manila Hotel and Manila Diamond. As far as I know he worked with Dusit Hotel briefly and is currently with Astoria in Pasig. Winnie Santos I believe is based in the US with her family, while Lala Aunor owns a Talent Agency and have a resturant in Macapagal Ave.

  69. Manz Says:

    There’s still really no denying the power of Nora. This is one of the most commented article you have written.


Leave a Reply to Allan Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: