Racin' with the wind

November 18, 2004

pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?

Advertisements

No Responses Yet to “Racin' with the wind”

  1. ate sienna Says:

    bike ka na lang, fafa, tutal black is byutipul naman. Ok lang ang kulay betlog, wag lang kutis betlog. hehehe


  2. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    maraming salamat sa payo mo. oo nga, kumikintab na naman ang kutis ko. golden brown na parang bronze statue na kinalawang. hehe. pero mahal ko ang kutis ko kahit kutis betlog pa siya.

    ang laki nga ng tipid ko sa pamasahe. mas mabilis pa kasi walang waiting time at hindi na ako kailangan pang umikot like what i do if i ride a bus and train.

  3. g Says:

    how about biking tuesday and thursday then riding monday and wednesday and friday – toss a coin or let your lovely wife decide 😛

  4. Sassy Says:

    Maglakad ka na lang. hehehe


  5. hello ate sassy.

    masarap ngang maglakad ano? kaya lang baka maupod ang sapatos ko na mag 20 km every day.

    at saka mas magmumukha akong betlog.


  6. hi g.

    why not bike on MWF tapos TTh, I can ride the train. we’ll see…

  7. rolly Says:

    mahirap din namang mawala ang tyan mo, bosing. Liliit ka kasi pagkatapos ng dibdib, etits na kagad.

    Ganun nga ba yun? 🙂


  8. hehehe. ayos tito rolly.

    iniimagine ko yung description mo… parang unano ang nakikita ko. in particular, si mini-me doon sa austin powers. mamaya gagawa na naman si polo ng picture ko sa katawan ni minime. hehehe.

  9. Tanggero Says:

    Di ba maalikabok sir? Malagkit sa kutis baby, hehe(baby kalabaw), minsan pa, biglang umuulan sa hapon. Cguro sir, pag maaraw lang ok mag-bike- dapat pala may weather forecast ka ng 1 week ahead, heheheh.


  10. wala namang masyadong alikabok sa singapore. kung mayroon patay ako kasi may allergy ako sa dust. lately, di naman umuulan ng late afternoon. gagawan na lang siguro ng paraan pag nag sudden shower. pwede namang sumilong sa mga mall o kaya sa mga HDB.

  11. Jet Says:

    Hmmm… di ba may decision na tayo dyan?


  12. sinisigurado ko lang maigi ang sarili ko, mylabopmayn. hassle kasi ang maligo at magbihis sa opisina.

  13. soloflite Says:

    pare, ingat sa bike. si lance armstrong mono-balled na lang ngayon 🙂

  14. glo Says:

    mag-bike na lang. at least di ka masu-suffocate sa mga amoy-“putok” na kasakay mo sa train. unless amoy putok na din hangin dyan?! he he (di naman siguro)
    ok lang maligo sa opis (agahan mo lang)parang tanggalin pawis at alikabok sa katawan, kesa dumating ng pustura sa opis pero amoy putok na. (dumidikit ang amoy na yan sa damit noh!)


  15. hi soloflite.

    hindi naman siya nawalan ng betlog dahil sa pag bibiskleta pero magiingat pa rin ako. ok nga si lance, kahit isa lang ang betlog nanalo pa rin ng tour de france at higit pa riyan – naging girlfriend ba niya si sheryl crow.


  16. Hi Ate Glo.

    Namention mo yang putok – naalala ko tuloy yung bumbay na naniningit sa pila ng bus na kapitbahay namin. nakasalubong ko ulit kanina. muntik ko nang batiin dahil familiar yung mukha niya. bigla kong naalala, siya yung kapitbahay na may putok na naniningit. ang gagong yon. hehe.

    maraming salamat. masarap maligo pag galing sa exercise. at siyempre dahil pinoy kahit pawis pa rin ay mabango! BWAHAHAHA.

  17. auee Says:

    Mag-bike ka na lang, European na European ang dating mo nu’n.. tulad dito sa London. Pero maligo ka ha? Para di ka babaho tulad ng ibang officemate ko.

    Mag-sunblock ka na lang para di ka gaanong kulay-yagbols.


  18. ano naman palagay mo sa akin dehin goli? hoy, change me ha (ibahin mo ako). i am not like that. nagpupunas naman ako ng singit. BWAHAHAHAHA.

    may shower po sa office namin at kumpleto ako sa sabon, shampoo, conditioner, pangahit, shaving cream, facial cream, tooth brush at tooth paste.

    gusto ko ngang mag kulay betlog – para exotic ang dating ko rito sa singapore. parang elepante – exotic.

  19. toni Says:

    Marunong ka naman mag-bike diba? Count your blessings! Ako kung marunong magbike, ganyan din, 20 minutes asa office na ako. Unfortunately my terrible sense of balance hinders me from that.

    I vote for biking! Magdala ka na ng office clothes good for one week during Mondays. Backpack lang naman katapat niyan eh. 🙂

    Pero paano nga yun? Ganda nga ng leg muscles mo pero kuba ka.

    Trade-offs nga naman.


  20. toni!toni!toni!

    asamateropak that’s what i just did. jet packed me 1 week’s worth of cloths today. she put it in a backpack and i brought it to the office. i have all my ‘pampaganda’ stuff already so i am set.

    starting monday – i will be known as biker batjay, the hunchback of singapore.

  21. Allan Says:

    uy ayuz yan after 1 month ganda na ng legs mo 🙂 pero me tanong ako since masyado kang concern sa betlog mo eh di ba nakakadamage yung pag bibike? ika nga nila ‘wear and tear’… 😉


  22. mayron akong biniling cushion seat para sa bike ko. medyo masakit kasi pag extended biking tulad ng ginagawa ko ng weekends – i.e. 2-4 hours. pagtapos nga ng ganitong katagal na pagbisikleta ay mas sakang ka pa sa sundalong hapon na kalaban ni FPJ sa mga war movies niya.

    pero pag 20 minutes lang at a time (yon ang oras na kinakain ng 10 km run from home to office) ay ok lang. no pain in the balls, ika nga.

  23. B2 Says:

    Bike na lang! Maging black betlog man ang kutis mo, parang balck stallion naman ang beauty mo later on dahil sa kaka-bike.

    Dala ka lang ng waterproof bag para malagyan ng gamit at valuables habang nag-gogoli ka.

    Fitness, wellness outweight the minor inconveniences. As Ariel Ureta said during martial law, “Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan” Hayun pinagbisikleta sya sa kampo nang isang araw – instant diet sya!

  24. tin Says:

    ingat lang po sa pagb-bike lalo na sa highway dito. (:


  25. hi tin.

    bawal ang bike sa mga expressway. ayoko ngang magpunta roon. sobrang bilis. sa mga sidestreets lang ako. from pasir ris to changi pwedeng magdaan from simei and tampines. just an easy 20 minute ride.


  26. hi B2.

    the black pinoy stallion. BWHAHAHAHA… nag decide na ako to ride my bike to work. nagpack na nga ako ng clothes and yes, there are a couple of plastic bags for my stuff.

    thanks for the feedback, hanggang sa muli.

  27. tin Says:

    ok yun, kuya batjay. naalala ko kasi yung tumatawid na pinoy sa expressway na instead na bitbit nya yung bike e nag risk sya to drive it. ayun, SLN.

  28. din2 Says:

    nakakita ka na ba nung nilalakong umbrella hat? mag pa-customize ka ng malaki nun… para di ka umitim masyado…

    yung natipid mo sa oras, kaunti na lang ang balance kasi maliligo ka pa…

    yung tipid mo sa pasahe, mababawasan rin dahil dagdag ang lalabhan mo…

    so in effect, may tipid pa rin pero pawis ka… niyars… parang kung ako sa iyo, sa gabi na lang ako magb-bike… plus, di ka pa mamoblema kung paano mo bibitbitn ang baon mo… unless yung bike mo eh yung may basket sa harapan…

    naku, yan naman eh opinyon ko lang…


  29. too late. i started biking already. maaga naman akong umalis kaya wala pang araw. dito sa singapore, 7 am medyo madilim pa. i did used to bike in the evening. mas fresh dahil hindi mainit at kaunti lang ang kotse sa streets.

    naisip ko nga, the money i save will ultimately go to the maintenance of the bike. the real benefit is the exercise and the “peaceful easy feelings”, as the song goes.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: