FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE

November 12, 2004

FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE - maraming salamat ulit kay polo!

ang ganda ng picture ko ano? salamat ulit kay polo, sa sobrang dami nga ng nagawa niya ay nakabuo na ako ng “The 1001 Lives of Mr. BatJay” web album. ganito pala ang hitsura ko kung bigla na lang akong maputulan ng pototoy at tubuan ng pekpek at boobs. ang problema lang sa picture na ito ay para akong character sa mga painting ng mga ancient egyptians. naka tagilid kasi ang ulo ako at parang may partial stiff neck. actually, sa biglang tingin, para akong na possess ng demonyo. naalala nyo ba yung twisted na ulo ni linda blair sa exorcist? pero, ayos na ayos ano? ang pinakagusto ko actually sa picture na ito ay ang pilantik ng daliri ng mga dancers. pagmasdan ninyong maigi, brothers and sisters: magaling ang coordination ng kembot at daliri, hindi ba?’nga pala – wala akong boss ngayon (nag mahjong kasama ang mga kaopisina ko) kaya pwedeng magpakendeng-kendeng at pasayaw-sayaw.

No Responses Yet to “FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE”

  1. dinah Says:

    naknangtokwa!!! bwahahaha!!! ayus!!!

  2. ate sienna Says:

    grabe!! pwede ka nang dancer sa alibangbang sa may cubao! MWAHAHAHA!!!


  3. NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    ayos ba sa sayaw – pwede na ba akong mag “walk like an egyptian”. tingnan mo yung ulo ko, hindi gumagalaw – parang ancient egyptian painting ano? MWAHAHA.

    mag aaply na nga ako sa alibangbang. buhay pa rin ata ito nang huli kong madaanan sa harap ng farmers.

  4. mari Says:

    fafajay, yang giling na ganyan…uso yan dati nung 80’s. body language yata ang tawag. if i remember it right si frida fonda ang magaling dyan.

    sino naman pala yang partne mo dyan?
    buhay pa ba ang alibangbang? di ba dead na yun?


  5. hi mari.

    hindi ko kilala kung sino yung babae. tanong natin kay polo. siya ang guamawa ng picture. body language ba ang tawag diyan? di ko alam kasi ngayon lang ang nagkaisip. hehe.

  6. Jet Says:

    Mylab, pano na ngayon yan? Mas sexy ka pa saken… huhuhu! 😦


  7. di bale mylabopmayn, mas maganda ka naman sa akin eh.

  8. Renee Says:

    Naalala ko tuloy nung bata pa ako at mahilig magbuhos ng asin sa nga linta sa garden namin.

    Teka, “linta” rin ba ang Tagalog sa “slug”, parang “leech”?


  9. hi prada mama.

    linta is leech. slug is? ewan… wala kasing slig sa pilipinas. sea slug mayroon pero di ko alam kung ano ang tawag doon.

  10. mavic Says:

    salut batjay!

    ‘galing mo naman…
    well, that’s Alizee.
    France’s Lolita.

    fais attention… ang likod mo…


  11. ayun… thanks mavic.

    buti na lang sinabi mo. hindi ko talaga siya kilala. but she looks hot. well, hotter than me. hehehe.

  12. justice Says:

    sobra! ang galing mo batjay! ST-king!


  13. hindi naman ST king, justice. magaling lang mang giling… AWWWWW!

  14. Sassy Says:

    hehehehehe sana… topless!!!


  15. ok lang topless ate sassy, pwede nating i-request kay polo. huwag lang bottomless, kasi iced tea yon.

  16. bongk Says:

    nasa gitna ako ng pag-iisip ng malalim ng bigla kong bisitahin ulit tong blog mo para makatulong sa pag iisip, at laking tulong nga nito.. hagalpak ako sa kakatawa hahahahahahahhahaha

    hapi wik-end sa inyo ni jet!


  17. ayos yan sir. makakatulong ang tawa sa pag-iisip mo. happy long weekend din sa iyo.

  18. ric Says:

    mAs MAgaLing C BATJAY gumiling kesa Sa baBae….mwehehehehehehe

  19. tin Says:

    ang galing kuya batjay! buti di nagselos si ate jet?

  20. jessie Says:

    my gas ang galing gumiling!

    teka, di ba “bang bang ali” na ang pangalan nun?

  21. rolly Says:

    Ang galing mong gumiling dyan. Siguro sikat na sikat ka pag pumupunta ka sa disco o sa beer house kaya, ano?


  22. hi tito rolly – animation lang yan. sa tutuo ay parehong kaliwa ang paa ko. kaya nga puro kanta lang ako.

  23. BatJayUtuten Says:

    Bang-bang-ali? Rit-si-sit-sit?

    nung 1970’s may katabi pa ito na “salaginto” na beerhouse – nalugi siguro.

  24. Jet Says:

    Di ba nila nilagyan ng pangatlong beerhouse yan?… Salagubang? bwahahahaha!


  25. oo mylab – kasi yung lalaki sa lansangan – kung gumiri, parang tandang.


  26. hi tin! drawing lang naman ito. ngyehehe. swimming mamaya?


  27. hi ric.

    mas magaling ba akong gumiling kasya doon sa babae? wala kasing drag at friction dahil sa costume.

  28. miel Says:

    BatJazz! Mwahahahaaa! ang “Giling-giling” naman! lumabas na naman sa ilong ko(sa kabila naman) yong 35 cents kung kape(nagtitipid ako,e)! mwahaha–muntik ng mapunit ang tonsil ko from where it’s hanging sa kamwahahaha! it’s another ngala-ngala buster, that giling queen routine op yors…

  29. batjay Says:

    ayos ba sir dengx? sana nga ganyan din akong sumayaw para pag nagkita tayo ay parating lalabas sa ilong mo ang kape! hehehe.

    pwede na bang 2 bottles sir?

  30. glo Says:

    talo ang sexbomb dancers dito ah!


  31. hi glo.

    matagal ko na silang pinataob. batjay dancers na ngayon ang uso.

  32. toni Says:

    Ang lambot pala ng katawan mo!


  33. siyempre. panay kasi ang lagay ko ng lotion. parang pareho doon sa ginagawa sa mga biktima ng serial killer na si buffalo bill doon sa pelikulang “silence of the lambs” – “IT PUTS THE LOTION ON ITS SKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN”

  34. eye Says:

    grabe da best ka talaga batjay, kumpleto na naman ang araw ko hahaha! naalala ko tuloy yung batang Hapon na ipinatong sa ulo ni doreimon dahil nakasimangot siya sa picture 😀


  35. hello eye na kyut.

    ayos ba sa sayaw? sa susunod yung mukha mo ang ilalagay ko doon sa ka partner ko.

  36. karla Says:

    tindi nito batjay! hehe
    panalo ka talaga 😀


  37. hi karla. thank you… sa virtual world lang yan. ngyehehehe… i’m more of a singer than a dancer. pero minsan nagsasayaw rin ako ng ago-go. ingat!

  38. vince Says:

    elow sa inU.. galing tlga mag patawa ni JAY.. galing animation.:]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: