'cause when it comes to being lucky she's cursed

November 6, 2004

tatlo pala ang version ko ng “first cut is the deepest” sa aking iPod. kanina ko lang nalaman. what’s the significance of this fact in the order of things in the universe, i ask myself. nothing much, i answer back. tangina, kinakausap ko na naman ang sarili ko. balik sa kanta: mayron akong original ni cat stevens. tama ka virginia, siya nga yung kumanta ng “father and son” at “peace train” na ironically ay dineport ng mga amerikano recently, kasi may ties daw siya sa mga terrorist. ngyehehe. mayron din akong cover version ni rod stewart na naging popular nung 1970’s. ang panghuli ay yung kay sheryl crow. paborito ko ito dahil siya ang pinaka soulful ang rendition sa tatlo. napahinto nga ako sa pagbisikleta nang tugtugin ito, tapos biglang naupo sa park bench at nakinig. pag-uwi ko, nag record din ako ng sariling version – PAKINGGAN NINYO.

Advertisements

No Responses Yet to “'cause when it comes to being lucky she's cursed”

  1. Jet Says:

    Ganda mylab! Pero bakit parang may Mickey Mouse sa huli?… hehehe


  2. galing ah, anong ginamit mong pang record?

  3. jop Says:

    bosing. hayaan mo’t aayusin ko nga tong lapyop ko nang mapakinggan ang version mo. like na like din ni P ang musika ni cat stevens.ang kanta ni cat na akma daw sa kanya ay yung kantang “hard-headed woman” (he he sino kaya yun sa buhay niya) ako naman like ko yung peace train niya na ginawan ng version ng idol kong 10,000 maniacs. gandah!!!

  4. rolly Says:

    Di ko ma-access, bosing. Sayang, di ko pa naman matandaan kung anong kanta ni Cat Stevens to. Ang tagal kasing nawala yang mamang yan e.

    Mukha ba syang terrorist kaya ayaw papasukin sa States? Di naman nag-Muslim yan di ba? Ang pagkaka-alam ko, nag buddhist siya. At ni-reject na niya yung mga kinanta niya. Tama ba info ko? Puro tsismis lang kasi yun e.


  5. ayaw papasukin si cat stevens dahil yung charity organization daw niya funds terrorist geoups. at oo nagpa convert siya ng islam – pati nga pangalan niya ay nag-iba. he is now known as yusuf islam.

    quite a big change for the man who sang “moonshadow” ano?


  6. hey Jop! yan ang mga usapang gusto kong marinig – MUSIC!!! hehehe. gusto ko rin yung “hard headed woman” ni cat stevens. napaka simple lang at subtle pero maganda ang dating.

    kinanta ba ni natalie merchant ang “peace train”? interesting. makakuha ng version na yan.

    musta na diyan sa east coast?


  7. hi joach.

    anong ginamit kong pang record? simple lang. kumanta ako sa loob ng banyo para mag magandang echo tapos nilipat ko sa PC. hehehe.

    seriously: regular PC microphone at “creative wave studio” software.


  8. hello mylab!!!

    bakit parang may Mickey Mouse sa huli? hehehe… may nalulon akong pito.

  9. din2 Says:

    nice song…

    buti ka nga, ang mga kanta sa ipod mo, kahit pareho title, ibang artists… ako, minsan triplicates (same song, same artist) kasi galing sa iba-ibang albums… hahhahaha…

    have a great week…

    btw, di ko mabasa yung DAVID article kasi andito ako sa office, baka sabihin nila maniac ako.


  10. buti na lang nabanggit mo ang problema mo sa iPod… the new iTunes v.4.7.0.42 has a new feature that enables you to search for duplicate songs. i’ve used this to clean up my song library.

    gandang week din sa iyo mula sa isang semi-maniac. ngyehehehe.

  11. glo Says:

    ok na sana…kaso nakalulon ng pito sa huli. :)ha ha! nice one kuya jay.


  12. maraming salamat ate glo.

    pwede na ba akong sumali sa “singapore idol” para sa mga overaged singers?

  13. glo Says:

    puwede na kuya jay…di hamak na magaling english accent mo(ok, pati boses na rin!) kesa sa mga singaporeans!

  14. auee Says:

    I have to admit di pa ko nakikinig sa mga music mo… one of these days pag wala na kong malinis sa bahay…

    Anyhu, akala ko orig ni Rod Stewart yan. Peborit ko yun si Rod lalo na nung little pa ko, tapos adik na adik pa sya. Nagkakandaduling na ko sa lapit ko sa black and white TV namin habang naglulupasay si Rod sa stage… wow.


  15. punta ka sa http://www.nicanordavid.com/awit/ naroon lahat ng mga kanta ko. ano nga pala ang kinalaman ng pakikinig sa music at sa isang malinis na bahay? nililito mo ako eh.

    rod stewarts late 60’s and early 70’s period was probably his most rock and roll and his best. medyo sumablay siya doon sa “disco years” niya. many people (myself included) didn’t like him singing “do ya thing i’m sexy”.


  16. hi glo. english accent? parang si sting? hehehe.

  17. lorimer Says:

    Astig ng falsetto sa huli, Batjay alias “yo tokyo” elvis! bading na bading ang dating hahaha


  18. parang natanggalan nga ako ng isang betlog ano?

  19. Allan Says:

    ayuz batjay! malapit ko ng mapuno yung CD ng mga kanta mo… giveaway ko sa pasko 🙂


  20. sige – ibenta na lang natin. baka may mga tone deaf diyan sa malapit sa inyo na gustong makarinig ng boses na parang kinakatay na kalabaw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: