IF YOU CAN'T BE WITH THE ONE YOU LOVE HONEY, LOVE THE ONE YOU'RE WITH

October 8, 2004

“A Reason to Believe”. a bit underrated as a song but could knock your socks off if delivered properly. ni record ko kagabi kasi naaasar na naman ako sa mga contestants ng singapore idol. bwakangnangyan. either sintunado or walang kalatoy latoy. yung iba nga sintunado na walang kalatoy latoy pa. ewan ko ba, di ko gusto ang style nila – puro porma, wala namang laman. to compensate sa masamang napanood ko, ako na lang ang kumanta. hehehe. isa pa, mabigat ang sipon ko ngayon. eh pag ganitong barado ang ilong ko at punong puno ng plema ang aking ngala-ngala, talagang masarap makipag lips to lips nagiging husky rocker’s bedroom voice ang boses ko. parang lalaking bonnie “total eclipse of the heart” tyler? ngyehehe. springsteen na bugoy, siguro. CLICK HERE to hear my version.

Advertisements

No Responses Yet to “IF YOU CAN'T BE WITH THE ONE YOU LOVE HONEY, LOVE THE ONE YOU'RE WITH”

  1. haydee Says:

    wow! first time ko pinakinggan ang sound file sa iyong website, naalala ko tuloy yung episode ng ally mc beal where vonda sheppard sang Reason to Believe.
    husky rocker’s bedroom voice nga 🙂
    so dapat ba talaga na love the one your with na lang? di na talaga pwede i-pursue si the one you love? 😀

  2. Dr. Emer Says:

    Orange juice at salabat ang gamot dyan, BatJay. Pero kung enjoy ka naman sa recordings mo, eh pabayaan mo na lang at mawawala din yang sipon mo ng kusa.

  3. Dr. Emer Says:

    Di ba Luther V. yung ‘love the one you’re with?’ Para ke BongK yata yang song na yan, dahil pinagpalit nya si Anna sa Taiwanese. =)


  4. haydee!

    kinanta pala ni vonda sheperd ang “reason to believe”. hmm… must have been a good version. rod stewart and wilson-philips also did covers of this song.


  5. hey doc emer!

    crosby stills nash and young ang kumanta ng original version ng “love the one you’re with”. di ko alam kung mayron si lutherV na version. but the CSNY, masarap kantahin na group tapos lahat kayo may gitara. tama nga kay BongK itong kantang ito. hehehe. masabi nga kay tito rolly para makanta ito sa pasko.

    araw-araw nga ang kain ko ng orange doc. tapos may vitamin-c, calcium tabs, biogesic at neozep pa ako. medyo mabigat lang talaga ang sipon ko. pag may sipon pa rin ako bukas, kakantahin ko na talaga ang total eclipse of the heart.

  6. chriss Says:

    hallerr!!..lage po ako bisita dito,pati sa pansitan ni ate sienna,nakaka aliw kc lalo pag kunwari bising bisi o nagbibisi bisihan, kunting petiks muna..taray ng bersyun nyo, da best pang emote. sabay lakas ng speaker ko, lingunan mga opismeyt ko..”layb ba yan?”..ehee.

  7. rolly Says:

    kanginang binabasa ko to, naguluhan ako sa title. Alam ko Love the One you’re with ng CSNY yun kaya lang iba yata ang kinanta mo. Hindi mo maalala e wala akong sounds dito sa opisina. ngayong nabasa ko na yung sagot mo kay Doc Emer, tama nga pala ko. CSNY nga. Anyway, maganda ngang kantahin yan. Pag-aralan ko ulit. Isama na rin natin ang Suite Judy Blue Eyes, kaya lang madugo yun. hehe

  8. mavic Says:

    Naks naman… gininaw ako ng marinig ko’ng ‘husky rocker’s bedroom voice’ mo!
    More! More! More!

  9. bongk Says:

    huy jay, springsteen na spreengsteen ang dating na pinaghalong lasing na Young at sinisinok na Nash hehehehehe okay na okay yang kanta mo hehehe feel na feel ang emotion, pero sabi nga ni Dr Emer orange juice at salabat lang ang katapat nyan hehehehehehe

    pasingit na din: Dr Emer, iba ang theme song namin ni Anna at eto ay ang makabagbag damdaming “Softly” na im sure ay alam na alam ni Tito Rolly hehehehe, (bakit ba si Tito Rolly na lang ang point of reference natin sa old songs hehehehe, Ka Rolly, musta ka na po?)


  10. Hanep, bedroom voice! Akala ko bagong gising ka nga eh. Like tito rolly nalito rin ako kasi alam kong si CSNY yung may kanta ng sa title. Pero yung kinanta mo di ba Carpenters yon? Nice song, wala bang blues dyan ka Batjay?

  11. ate sienna Says:

    fafaaaaaaaaaaaa… mamaya na ako ko-comment ha.. daming trabaho dito.. kakainis. hehehe.. (pero di ako reklamo kasi buti nga may work, diba? enjoi naman eh, stressed lang ako ngayon.)

    kaya mamaya, dahil weekend na, comment-queen ako ulit 🙂

  12. rolly Says:

    Bong K, ako ang reference kasi marami akong alam na kanta dahil ang mga kapatid ko ay matatanda na. Napakalaki ng age difference namin. Actually ang mga kinakanta ko mga John Mayer, yun kasi ang panahon ko. Matagal na no?

    Uy si Celia Kusinera mahilig pala sa blues. Magkakasundu-sundo tayo, hehe

  13. wats0n Says:

    Speaking of idols, andito ngayon sa pinas si Jasmine Trias a! Kumanta sya ng Filipino song sa show ni Kris kahapon ng umaga. Maganda ang boses nya. Mukhang mabait pa talaga ang batang yun. Ang swerte naman nya, contracts here and there for endorsements. Kung si Unkyel BatJay kaya ang nagkaroon ng endorsement, anong product kaya yun? Pantapal ng utong version 3? hehehe

  14. kat Says:

    galing naman nang version mo! *claps*
    ikaw rin ang nag-gigitara sa background di ba?
    galing!

  15. The Ca t Says:

    dearunkyelbat,
    sabi mo mabigat ang sipon mo ngayon,paano mo alam? Tinitimbang mo ba ?

    yurknees,
    theca t


  16. hi chriss. nag emote ka ba na super lakas ang speaker? sana sumabay ka na rin sa pagkanta.


  17. dear the Ca T.

    sobra talaga ang bigat. nakatungo na nga ang ulo ko. at umiikot from side to side na parang si engot sa sobrang bigat. kanina nga – muntik nang malaglag ang ilong ko pag ikot ko sa paglabas ng bus. i cannot make sudden movements.


  18. hi kat.

    thanks. coming from a musician like yourself, that should mean something. oo ako rin yung amatuer guitarist who’se guitar playing sounds like a sintunadong ukelele. hehe. how’s your band coming along? have you started to play gigs? record?


  19. hi whatsOn.

    nakita ko nga ang massive plugging ng concert ni jasmine trias when i was in manila two weeks ago. she actually came over from here in singapore where the american idol finalists did a 1 night concert -their first outside north america… and she got good reviews over here because of her talent and charm.

    kung magkakaroon ako ng endorsement? siyempre, “Rubie Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit”.


  20. hey tito rolly. magulo ba ang title? i forget why i made this as the title. pero tama ka nga ay CSNY ito. at saka yung Suite Judy Blue Eyes din ay ok na ok. Hmm… tamang tama ay dala ko ang “4-way street CD nila rito sa singapore. mapatugtog nga mamaya.


  21. bonjour mavic.

    kamusta na diyan? i hope you’re doing fine. thanks as always sa maganda mong comment.

    cheers!
    jay


  22. hi bongK. next time ay mag karaoke tayo tapos pakantahin natin si tito rolly. medyo ok na ang sipon ko ngayon. di na bedroom voice ang boses ko. softly pala ang theme song ninyo. ngyehehe…

    ingat,
    jay


  23. marami akong blues manang celia. magkakasundo tayo niyan pag mga CSNY at blues ang mga tugtugan natin. yung “a reason to believe” – si rod stewart at wilson-philips ang kumanta non.


  24. ok lang ninang. stressed out ka ba lately? pahinga ka muna.


  25. Oo nga ano, si Rod Steward ang orig pero may cover din ang Carpenters nito medyo popsy nga lang ang dating.
    http://www.asklyrics.com/display/Carpenters/Reason_To_Believe_LYRICS/112926.htm

    ‘Hope you’re feeling better now.


  26. ABA! oo nga ano. hmmm…. kailangan marinig ko ito. alam mo naman na idol si ate karen the carpenter. SLN. ang lamig kasi ng boses niya. pag heart broken ka eh siya ang singer of choice para lalong maiyak.

    medyo ok na ang sipon ko kaya wala nang bedroom voice. bathroom voice na lang ang naiwan. ang masama eh sinumpong naman ang allergy ko. kaya for 3 days now, ang kati ng katawan ko. nag pa injection na nga ako ng gamot the other day pero this allergy has to run its course. normally, it takes a week before ito totally na mawala.


Leave a Reply to The Circumcised Tambay Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: